AFTER 5 Months,
Nagbago na talaga ang lahat. Iniiwasan ko na si Llian. Napag desisyonan ko na susubukan
kong move on.
Ngayon, tumatambay ako sa field. Actually, dito ako nakaupo sa bleachers seat. Nagmumuni muni. Nang biglang may tumabi sa akin.
Brooke, pwede ba tayong mag-usap? Sabi ni LLian.
Oo si Llian ang tumabi sa akin.
Sure. Sagot ko.
Brooke anong nangyari sa atin? Bakit bigla tayong di nagpansinan? Bakit mo ako iniiwasan this past months??? Sabi niya na may halong inis.
Wala naman ha. Baka naging busy lang talaga tayo sa mga bagay bagay. Lalo’t graduating na tayo. Sagot ko.
Di naman ttayo ganito dati ha. Lagi tayong may oras sa ist’t isa. Kahit busy pa tayo. Alam ko may problema sabihin mo nga. Ano bang ginawa kong masama para iwasan mo ako? Sabi niya. This time hinahawakan ya na ung balikat ko.
Wala nga. Sabi ko.
Alam kong meron sabihin mo nga BROOKE! Sigaw niya.
BROOKE?! Nasan na ung BEST? Nawala? Manhid ka ba? May gusto ako sayo. May gusto ang best friend mo sayo! Sabi ko sa kanya habang umiiyak na.
Kai—kalian pa to nagsimula? Sabi niya na nauutal at nagtataka.
Noon pa! matagal na akong may gusto sayo! Ganun ka na ba kamanhid?best friend nga kita and dami mo naming hindi alam tungkol sa akin. Di mo ba alam, nasasaktan ako tuwing nakikita ko kayong magkasama ni Klyeo. Pinapamukha niyo lang sa akin na kayo talaga para sa isa’t isa PERFECT MATCH nga kayo e. nagbago ako para sayo. Pero di mo nga napansin e. hindi ko naman kasalanan na tumibok < sabay turo sa puso> ito sayo. Malas nga e. sa dinami daming tao sa best friend ko pa. mahirap rin para sa akin na iwasan ka kasi mahal kita e. kailangan kitang iwasan kasi kung hindi, ako parin ang patuloy na masasaktan. Mahal mo siya, mahal ka rin niya. Ano ako sa lovestory niyong dalawa? Kontrabida? Epal? Hindi pala, ako pala ang dakilang best friend na umaaasa. Salamat at naging kaibigan kita. Di ko na kaya, iwasan mo na ako. Tama na oh. Masakit na talaga e. sabi k okay Llian habang umiiyak.
Tumalikod na ako at umalis. Nakakahiya ng ginawa ko. Sobra. Kahit umiiyak ako di ko maiwasang maisip na kahit papano ay natanggal ang tinik na matagal ko nang kinikimkim.
Tama na rin ung ginawa ko.