Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago pinunasan ang bibig. Katatapos ko lamang dumuwal.
"Fuck," I hissed.
Ngayon ko napagtanto na ang hirap pala talagang magbuntis na wala kang kasama. I called Levi yesterday. Kahit papaano'y gumaan naman ang pakiramdam ko. Sinabi nito sa akin na hinahanap pa rin ako ni Kuya. Maging si Yvo ay pinapahanap ako.
"Ate Jia?" Tawag mula sa labas. It was Lory.
"Yes, Lory?" Tanong ko pagkabukas ng pinto.
"Rest day mo ngayon diba? Gusto mo bang mamasyal?" Bigla akong natawa sa sinabi ni Lory. Rest day nga eh, tapos yayayain ako nitong mamasyal?
"Pasensiya na Lory, may lakad kasi ako eh." Hinging paumanhin ko habang inaayos ang nagusot kong damit. Napapangusong tumango na lamang si Lory bago umalis.
Totoong may lalakarin ako ngayong araw. Isa kasi sa mga kaibigan ko noon ay narito sa Japan. Nakita ako nito kahapon habang nagtatrabaho sa baba. Nagulat pa nga ito noong umpisa. Pero nang magpaliwanag ako'y hindi na rin nagtanong pa ng kung anu-ano. Ngayon nga'y niyaya ako nitong sumaglit sa bahay nitong may kalahating oras ang biyahe. Pumayag naman ako dahil wala rin naman akong gagawin sa buong maghapon. Mabuti na iyong kahit papaano'y malibang ako. Iyon nga lang, kailangan kong magsinungaling ulit sa harap ng dati kong kaibigan.
Ilang sandali lamang ay inayos ko na ang bag na dadalhin ko. Malamig ang temperatura ngayon sa Japan kaya maliban sa jacket na suot ko'y nagdala ako ng isa pa. Nang masigurong maayos na ang lahat ay kaagad na akong lumabas ng aking kuwarto.
"May lakad ka?" Tanong ng nakasalubong kong si Logan. Napansin ko ang coat nitong nakasabit sa braso. Hindi nito kasama ang anak. Marahil ay pinabantay na naman sa matalik nitong kaibigan.
"Ah, may kikitain akong kaibigan." Malumanay ang boses na sagot ko. Naiilang pa rin ako kapag kinakausap ako ni Logan. Pakiramdam ko kasi'y ano mang oras ay kaya niya akong ibitin nang patiwarik.
"Saan iyon?"
Tumaas ang tingin ko sa kaniya. "D-Diyan lang, sa m-malapit." Saglit akong humugot ng malalim na paghinga bago muling nagsalita. "Nasaan nga pala si Bridgette?"
Napansin ko ang biglang pagkibot ng mga labi ni Logan. Kasunod niyon ay pareho niyang isinuksok ang dalawa kamay sa bulsa ng suot na black slacks. Nasa braso pa rin niya ang coat na hinubad.
"Nasa Pilipinas," he answered with a little smirk on his lips. "Pinaglilihian mo ba ang anak ko?
"May mali ba roon?" Balik tanong kong ikinatawa ni Logan. Ngali-ngaling batukan ko siya dahil doon. Gustuhin ko mang gawin iyon ay hindi kaya ng kamay kong gumalaw. Takot ako, iyon ang totoo. Takot ako kay Logan. Mabuti na lamang at siya na mismo ang nagsabing hindi siya ang ama ng dinadala ko. Kung nagkataong siya nga iyon, baka kumaripas na ako ng takbo makalayo lang sa kaniya.
"Wala naman." Sagot niya bago ako nilagpasan. "By the way, have you seen my brother?"
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Sino?"
"Si Darth. Kagabi ay dumating siya rito sa coffee shop. Inuukopa niya iyang kuwarto sa tabi ng sa'yo. Hindi mo ba siya napansin?" Tanong pa niya habang hindi inaalis ang pagkakangisi ng malaki.
"H-Hindi..."
"Oh, hindi pa kayo nagkikita." Tumango-tango si Logan bago muling lumapit sa akin. "Payo lamang, Jianna. Huwag mong kakausapin si Darth sa ngayon."
"Bakit?"
"Mapanganib ang kapatid kong iyon. Baka maging kambal iyang dina—."
"Sinisiraan mo ba ako?" Tanong na nagpatigil sa pagsasalita ni Logan. Napansin ko ang lalong paglaki ng ngisi nito sa mga labi.