Welcome in Tokyo, Japan, Jia. Sabi ko sa sarili pagbaba ko pa lang sa sinakyang taxi. Malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago hinila ang maleta palapit sa isang coffee shop. Sa coffee shop na ito ako nag-apply. Pagmamay-ari ni Logan Haze. Ang lalaking posibleng ama ng ipinagbubuntis ko.
"Jianna Montecarlo?" Pagtawag sa akin ng isang babaeng mataas lamang ng kaunti sa akin. Isa itong Pinay. Medyo matanda rin ito sa akin, sa tingin ko'y lima hanggang pitong taon ang tanda nito sa akin.
"Ah, yes..."
"Follow me."
Kaagad naman akong sumunod sa babae. Pumasok kami sa coffee shop. Sinalubong kaagad ako ng matapang na amoy ng kape at amoy ng mga bagong lutong tinapay.
Maraming Pilipino ang nasa loob. Mga matatanda na mukhang sabik na sabik na malasahan muli ang pagkaing pinoy—kahit na ba tinapay at kape lamang ang nakahain. Karamihan din sa mga employee ay mga Pilipino. Tipid akong napangiti sa isiping hindi ko mahihirapan sa pakikisalamuha sa mga katrabaho ko.
Isang hagdan paakyat ang siyang tinahak namin ng babae. Pagkarating sa itaas ay isang hallway naman ang siyang dinaanan namin. There's a couple of doors na sa tingin ko'y mga kuwarto ng mga empleyadong katulad ko. O baka mga storage room? Ewan.
"Ito ang magiging kuwarto mo." Sabi ng babae bago binuksan ang pintong nasa pinakadulo ng hallway. It's not that big. Actually, mas malaki pa ang banyo na nasa kuwarto ko sa bahay. But it's nice at sa tingin ko nama'y magiging komportable ako rito. Isa pa, I'd be alone in this room. Isang bagay na ikinahinga ko nang maluwag. Because, in any way, I'm not planning to disturb my co-workers dahil lang sa buntis ako.
"Thank you, Miss..."
"Sarah." Sabi nitong may maliit na ngiti sa mga labi. "I see you're tired. Maiwan na kita Jia. Bukas ay agahan mo ang gising, sa umaga ang shift mo. Alas-singko ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon."
Tumango na lamang ako bilang sagot. Nang makaalis si Sarah ay kaagad na inilibot ko ang tingin sa buong kuwarto. Maliit, pero sakto lang. Hindi naman tinipid ang design, sadyang maliit lang ang kuwarto, marahil ay dahil sa isa lang naman ang uukopa. Napansin kong mamahalin ang mga displays. May sarili ring desktop computer, maliit na refrigerator, television at air-conditioning. Sa gilid ay may pinto papasok sa banyo. Single bed, pero napakalambot ng kutson. It was as if I was sitting on clouds. I don't know. Who could tell, no one has given the chance to sit on clouds. Hindi nga ba't iyon ang lubak sa himpapawid?
Inilagay ko ang aking mga damit sa mga cabinet na nasa loob ng banyo. Hindi ko napigilang mapangiti nang mapansing kompleto ang mga gamit doon. Shampoo, body wash, lotion, name it, everything's perfect; complete. Even make ups! Dang! Why do I feel so special?
Maya-maya lamang ay mahihinang katok mula sa pinto ang siyang narinig ko. Mabilis na inayos ko ang sarili bago iyon binuksan. Isang mas batang babae kaysa sa akin ang napagbuksan ko. May dala itong isang tray na may lamang dorayaki at isang basong gatas.
Kumunot ang noo ko. "That's for me?" I asked.
Tumango sa akin ang babae bago ngumiti. "Sabi ni Manay Sarah, kumain ka muna bago magpahinga."
This is weird. Atubiling inabot ko ang hawak nito. "Thanks..."
"Walang anuman."
Kibit ang mga balikat na inilagay ko sandali ang tray sa kama. Saglit na ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit. At nang matapos ay inumpisahan ko nang kainin ang dorayaki.