Salubong ang kilay na pinagmasdan ko ang malaking bahay na nasa harap. It's a modern style house owned by Yvo Ramirez. I know him. He's one of Adam's friends. Wala naman akong kailangan sa kaniya. Pero sa babaeng kasama niya papasok sa loob ay meron. I can't see her face clearly, but I know it's her.
Jianna Montecarlo.
I thought she was familiar, and I was right. I've seen her before. We met at Adam's party. We met at Logan's place in Japan. I remember her. However, I don't remember having sex with her in my car.
"Fuck." I hissed. I saw the video. I watched it. Ganoon pa man ay hindi ko pa rin maalala. Or maybe I do, but the woman in my memory was faceless. I tried to remember her face pero palaging nauuwi sa sakit ng ulo ang pagpupumilit kong alalahanin ang pangyayaring iyon. I'm not saying it wasn't Jiana, I saw her face clearly in that freaking video. It was really her. Siguro kung magkakaroon ako ng pagkakataon na makausap siya ulit ng malapitan o kahit mahawakan man lang, baka sakaling maalala ko na ng buo ang mga nangyari.
Ilang sandali pa akong tumitig sa gate ng malaking bahay bago nagpasyang umalis. I'm leaving for France. It's a mission I have to do. Hindi ko pwedeng tanggihan dahil konektado iyon sa kompanyang itinayo ko. Kinausap ko na si Sierra. She allowed me to do that mission first. Babalikan ko na lamang si Jianna.
Maybe after a year, pagkatapos ko sa misyon na iyon baka maalala ko na siya. I need to remember her.
—
"Okay lang ba na mag-stay ako rito sa bahay mo?" Tanong ko kay Yvo habang abala siya sa paglalagay ng mga gamit namin ni Zarha sa kuwartong gagamitin namin pansamantala. "Hindi ba magagalit si Quia?"
Sa buong biyahe namin papunta rito sa bahay ni Yvo, napag-alaman ko mula mismo sa kaniya na may hindi sila pagkakaunawaan ni Quia sa mga oras na ito. She left Yvo because of what Yvo did to her. Kung ano man ang bagay na iyon ay hindi ko balak pang alamin. Personal na nilang problema iyon. Hindi ko ugaling makisawsaw at maging dahilan ng paglaki ng gulo.
"She'll understand what I'm doing. Isa pa, alam naman niya ang kalagayan mo."
Gustuhin ko mang magsalita pa para sabihin kay Yvo na alam kong kahit papaano'y hindi magiging okay kay Quia ang pagtira ko pansamantala sa bahay niya ay hindi ko na lang ginawa. Mananahimik na lamang ako at iisipin ang kapakanan ni Zarha. Isa pa'y binabagabag pa rin ako ng mga nakita ko sa apartment. Something wrong happened, but unfortunately I don't remember a single thing about it. Ang huling alaala ko ay nang bumisita si Logan sa apartment. Pagkatapos niyon ay wala na.
"Anyway, maiwan ko na muna kayo. May kailangan lang akong puntahan." Seryosong sabi ni Yvo bago lumabas ng kuwarto.
Ramdam ko pa rin ang malamig na pakikitungo sa akin ni Yvo. Pero kahit papaano ay alam ko naman na hindi na siya galit sa akin. Siguro ay gusto lamang niyang umiwas dahil aminin ko man o hindi ay malaki ang naging kasalanan ko sa kaniya.
Ilang sandali pagkatapos lumabas ni Yvo ay narinig ko ang pagtunog ng sasakyan niya. Sumilip ako sa bintana at doon ko nakita ang papaalis niyang sasakyan. Bago ako tuluyang lumayo sa bintana ay nahagip ng mga mata ko ang isa pang kotse sa labas ng bahay. It was a black Cadillac Escalade. Napalunok ako sa hindi malamang kadahilanan. At that point I started feeling someone's watching me.
Mabilis na lumayo ako sa bintana. I was scared. Yvo left, at wala ni isa mang katulong ang narito kasama ko. Kaya kung sakali mang magtangkang pumasok ang taong nasa kotse ay hindi ko maipagtatanggol ang sarili.
I took my phone out of my bag and called my brother. Ilang ring ang nangyari bago nito sinagot ang tawag ko. I told him I'm at Yvo's place. Akala ko ay magtatanong pa ito, pero nalaman kong natawagan na pala ito ni Yvo. Naipaalam na pala kay Kuya na pansamantala anong titira sa bahay ng matalik nitong kaibigan. Nabanggit ko rin kay Kuya ang tungkol sa sasakyang itim sa labas. He said he'll call Yvo to go back home immediately. Fifteen minutes after kong maibaba ang tawag ay dumating si Yvo. Marami siyang dalang gamit. Karamihan ay para kay Zarha.
"I'll call my secretary," seryosong sabi ni Yvo habang ibinababa ang box ng pizza sa dining table. "Magpapahire ako ng magbabantay sa inyo rito."
"Okay," tangi kong nasabi. I wanted to ask for a favor pero hindi ko na itinuloy. Nakakahiya, masyado ko nang naaabala si Yvo. Balak ko kasi sanang papuntahin niya rito si Levian para may makasama ako. Kaya lang, Yvo hates Levian. Si Levian daw kasi ang dahilan kung bakit nagawa kong iwan siya.
Natapos ang buong araw na maayos ang lahat. Nawala ang kaba ko dahil nagpasya si Yvo na pansamantalang samahan kami ni Zarha sa bahay niya. Sinabi niya na kapag dumating yung inupahan niyang magbabantay sa amin ng anak ko ay saka lamang siya babalik sa kaniyang condo.
Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa iyak ni Zarha. Alam kong gutom na ito kaya naman kaagad ko itong pinainom ng gatas. Nang makatulog muli si Zarha ay saka lamang ako nag-ayos ng sarili. I went to the bathroom and took a shower. After that, I went to the kitchen and prepared some breakfast. Well, to be honest I don't really know how to cook. I grew up not knowing how to do a simple house chore. Pero marunong naman akong magtimpla ng kape dahil natuto ako sa Japan.
Simpleng breakfast ang niluto ko. I fried some eggs and bacon. Nagtoast din ako ng tinapay. Pagkatapos ay inihanda ko na ang hapag. I decided to wake up Yvo, but when I got to his room, it was empty. Kumunot ang noo ko. Wala naman siyang nabanggit na aalis siya. Pero mukhang ganoon nga ang nangyari. He's not in the shower, o kahit saang parte ng bahay. Nang tingnan ko ang aking phone ay nakita ko ang message mula sa kaniya. Maaga raw siyang umalis dahil sa trabaho. At parating na raw ang magbabantay sa amin ni Zarha.
Kibit ang balikat na naupo ako sa harap ng hapag. Akmang uumpisahan ko na ang pagkain nang makarinig ako ng pagtunog ng doorbell. Nakita ko sa monitor sa tabi ng pinto ang mukha ng babae, sa tabi nito ay isang lalaking matangkad na nakasuot ng purong itim na damit.
"Yvo's not here," I said pagkatapos kong buksan ang pinto.
Saglit na ngumiti ang babae. "I know, Ma'am Jianna. I'm here to introduce your bodyguard."
Kaagad na nabaling ang tingin ko sa lalaking matamang nakatitig sa akin. He's handsome. Pero kung ikukumpara ko ito kay Logan, di-hamak na mas lamang si Logan.
"This is Terrence."
Saglit akong pinasadahan ng tingin ni Terrence. Pagkatapos niyon ay seryosong inilahad nito ang kamay sa akin. "Nice to meet you, Ma'am."
Atubiling inabot ko ang kamay nito. He looks nice. Pero iba ang pakiramdam ko sa hitsura nitong iyon. Isinawalang bahala ko na lamang dahil alam ko namang hindi kukuha si Yvo ng taong siyang magdadala sa amin sa kapahamakan.
Pagkatapos na masabi ng secretary ni Yvo ang lahat ng dapat at hindi dapat gawin ni Terrence ay umalis na rin ito. May dadaluhan pa itong meeting. Kaya naman naiwan kami ni Terrence sa living room. We were quiet for a minute. I was the first one to break the silence. I told Terrence to eat some breakfast but he politely refused. Nakapag-almusal na raw ito bago tumungo sa bahay.
I learned from Yvo's secretary that Terrence came from Vierco's Security Company. Kung hindi ako nagkakamali, isang malaking kompanya iyon dito sa Pilipinas at maging sa buong Asia. With that information I know I don't have anything to worry about.
Days had passed and all I did was stand on my room's balcony. I watched every car passing on the road and people walking with their family or their pets. May mga pagkakataon na abala naman ako sa pag-aalaga kay Zarha. It has become my daily routine since Zarha and I came here. Boring kung minsan, pero wala naman akong magagawa. Natatakot naman akong lumabas. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganoon. Marahil ay sadyang paranoid lamang ako.
"Would you like to go outside and walk to the park?" Tanong na nagpatingin sa akin kay Terrence na kapapasok lamang sa kuwartong kinaroroonan ko. I was caressing Zarha's face when he entered.
"Hindi ba iyon nakakatakot? I mean, I know you're going to protect us, but—.""I'll protect you and your daughter, Ma'am. Ano mang mangyari ay poprotektahan ko kayo." Seryoso nitong sabi na ikinatango ko na lamang bago tumayo sa kinauupuan ko.
"I'll protect you with my life, takot ko lang sa ama niyang anak mo."
I heard him whispered. I know who he's talking about. Kahit naman ako siguro ay matatakot kung sakali ngang may nangyaring masama sa amin ni Zarha. The only thing that I want to tell Terrence is that, Zarha's father doesn't care and will never care about us.
Ilang sandali lamang ay nasa park na kami. Marahan kaming naglalakad; tulak-tulak ko ang stroller ni Zarha habang nasa likod ko naman si Terrence. He's two meters away from us. Gusto ko sanang sabihin dito na hindi naman nito kailangan na dumistansiya ng ganoon kalayo, pero hindi ko na lang itinuloy dahil mukhang hindi naman ito makikinig sa akin.
Nagpalipas lamang kami ng ilang minuto sa park bago nagpasyang bumalik na lamang sa bahay. Wala naman kasing ibang mapagkakaabalahan sa park maliban sa kapapanood sa mga batang naglalaro. Isa pa ay tila may kung anong sumaling sa dibdib ko nang makita ko ang isang buong pamilyang nagkakatuwaan sa damuhan. They were having picnic, at halata sa mga mukha ng mga ito ang saya.
Habang naglalakad pabalik ay ramdam ko ang palagiang pagtingin sa akin ni Terrence. I know he wanted to say something, but didn't attempt to say anything. Marahil ay nahihiya ito o di kaya ay iniisip nitong baka ma-offend ako sa kung ano mang sasabihin nito. Wala namang kaso sa akin kung may gusto itong malaman. Handa naman akong sagutin lahat ng tanong nito.
Pagkarating sa bahay ay kaagad kong dinala si Zarha sa kuwarto nito para maihiga. Napapangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang mukha nito. Himbing na himbing ito sa pagtulog, baka dahil iyon sa paglalakad namin sa labas. Matapos kong masiguro na hindi magigising si Zarha ay kaagad na akong lumabas. Naabutan ko si Terrence na nagkakape sa likod ng bahay. Abala ito sa pagtingin sa malawak na damuhan at naglalakihang puno ng mga manga. Saglit akong huminga ng malalim bago nagtimpla ng gatas. Pagkatapos niyon ay naupo ako sa upuang nasa tabi nito. Muli'y naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Terrence. Napangisi na lamang ako bago sumimsim ng gatas.
"I'm curious," he said that made me looked at him, "how did you do it?"
"What do you mean?" Tanong kong napapakunot ng noo.
"Make Darth to commit on the thing he's been avoiding since the night his fiancée left him?"
Lalong kumunot ang aking noo. Did something happen to Darth before? Something a little similar to happened to me? Bumuntong-hininga na lamang ako bago inilipat ang tingin sa malawak na backyard. "It was a sinful night. Isang gabing hindi dapat nangyari. We didn't know each other."
Napansin ko ang pagtango ni Terrence mula sa gilid ng aking mga mata. "I see," he said before sipping on his coffee.
Saglit na katahimikan ang namayani. I was hesitant to asked him, pero ayaw ko namang bagabagin ng mga katanungang gusto kong magkaroon ng sagot. I heaved a sigh after sipping on my milk. I looked at him. "Tell me about Darth."
Isang ngisi ang pinakawalan ni Terrence bago sumandal sa upuan nito. "I wish I never mentioned him," sabi nitong napapabuntong-hininga.