It's a girl. Katatapos ko lang magpa-ultrasound. Babae ang anak ko. Ngayon pa lang ay nag-iisip na ako ng ipapangalan sa aking anak. Should I go for a Japanese name since mukhang dito ko naman yata ito iluluwal? O English naman?
Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago nakangiting nilisan ang clinic. Saka ko na lang iisipin ang pangalan ng baby ko. Sa ngayon ay mamimili na lang ako ng damit para sa aking anak. I'm excited.
Pagkarating sa shopping center ay kaagad na tinutungo ko ang infant section ng mga clothing shop na pinapasukan ko. Bawat paglabas ko ay may bitbit akong paper bag. Hindi maipagkakailang masaya ako sa ginagawa.
I was so excited to buy clothes for my baby that I didn't notice I was using my credit card. Huli na nang mapagtanto ko iyon. Nasa huling shop na ako at kaaabot lang sa akin ng cashier ang card matapos nitong maslide iyon.
"Shit," I said. Malamang na alam na ngayon ni Kuya Jino kung nasaan ako. Damn it!
I'm eight months pregnant! Ngayon ko nga lang naisipang magpa-ultrasound sa takot na baka may makakita sa akin. Nitong mga nakaraang buwan kasi'y nakita ko sa shop ni Logan ang business partner ni Kuya Jino. Pati na rin ang secretary nito. Ibig sabihin niyon ay posibleng nasa Japan din si Kuya. Kung anong dahilan ay hindi ko alam.
"So, you're here all along."
Parang ipinako ang aking mga paa sa sahig ng shopping center. Nabitiwan ko ang aking mga ipinamili. He was behind me. I can hear his heavy breathing. Tumakbo yata nang mabilis maabutan lamang ako.
"What are these?" I heard him asking. Naramdaman ko ang paglapit at ang pagdampot niya sa mga paper bag na nasa sahig. Hindi ko pa rin siya magawang lingunin. I'm scared. "What the fuck? These are baby's—."
My tears began to fall. My brother's standing in front of me. Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa malaking umbok sa aking tiyan.
"Jianna."
Hindi ko na napigilang mapahagulgol. I was very careful. Isang buwan na lamang ay isisilang ko na ang aking anak. Pagkatapos niyon ay balak ko nang tumawag kay Kuya. Pero hindi ko ito inaasahan. Narito siya sa Japan! And he's clearly looking for me! Marahil ay nakita na rin ako ng secretary niya sa shop ni Logan. Kaya sinabihan niyo si Kuya, dahilan kaya narito pa rin sila.
"Kuya, I'm sorry." I said in between my sob. "I'm sorry. I was just—."
"Oh Jia," sabi niyang malamlam ang tingin sa akin. "You should've told me. You should've have asked for my help. Hindi 'yung bigla ka na lang mawawala. I was worried! Pati sila Daddy halos baliktarin ang buong Pilipinas makita ka lang."
"I'm sorry," tangi kong sabi.
"Hindi namin alam kung saan ka hahagilapin. Levian doesn't want to talk. Kahit bayaran ko pa ang kaibigan mong iyon ay hindi talaga magsasalita!" Levian's my bestfriend. Anong ini-expect nila? Ilaglag ako nito? "Akala ko'y may nangyari nang masama sa'yo. Akala ko'y biktima ka na ng human trafficking o mas masahol pa roon!"
Muli akong napaiyak sa medyo may kataasang boses ni Kuya Jino. Napayuko na lamang ako. Mabuti na nga lang ay walang pakialam ang mga dumaraan sa nangyayari sa amin.
"Let's go, Jianna. We'll go home." Sabi ni Kuya bago ako hinawakan sa kamay. Napansin kong may sinenyasan siya sa gilid. Noon ko lang napansin ang secretary niya at isa pang empleyado. Kinuha ng mga ito ang mga pinamili ko.
"No!" Matigas kong sabi nang may maalala.
"Please, Jia."
"I'm eight months pregnant, Kuya."