Kabanata 6

187 10 9
                                    

“What are you doing?” Tanong na halos ikalundag ko sa aking kinatatayuan.

Nakatayong si Logan ang nalingunan ko sa aking likuran. I was busy packing my things that I didn’t notice his presence. Napansin ko ang nakakunot nitong noo. Salubong din ang mga kilay na tila ba nalilito na naiinis sa nakikitang pag-i-impake ko ng mga gamit.

Saglit akong bumuntong-hininga bago sumagot, “I’m leaving today.”

“What?” May riin sa boses na sabi ni Logan. He’s not in favor of what I’m doing. Obviously it was because he’s the uncle of my child. “You’re not leaving, Jia. Babalik na si Darth next week. Mabuting ikaw na mismo ang magsabi sa kaniya ng tungkol sa nangyari.”

I was a little bit confused. Hindi ba alam ni Darth ang tungkol sa pangyayari noon? Was he under a spell or something? “I won’t tell him.”

Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Logan. “Why?”

Saglit akong nag-alinlangan kung sasabihin ko ba ang totoo o mananahimik na lang. Sa tingin ko naman kasi’y alam na ni Logan na natatakot akong ipaalam kay Darth na siya ang ama ng dinadala ko. I wasn’t that hard to read. Hindi ba nga’t alam na kaagad nito kung ano ang pakay ko rito sa Japan?

“Answer me, Jianna.”

I gulped. “I just don’t want to,” mahinang sagot ko kay Logan.

Hindi na umimik pa si Logan kaya naman naisip kong baka wala na siyang balak na magtanong pa. Pero nagulat na lang ako nang isarado niya ang pinto ng aking kuwarto. Nakaramdam ako ng kaba. Nawala rin naman kaagad iyon nang makita ko ang pagtulong ni Logan na ilagay ang ilang natitira kong gamit sa isang maleta.

“I’m warning you, Jianna,” saglit akong natigil sa ginagawa. Kung kanina ay kababakasan ng concern ang mukha ni Logan, ngayon ay napakaseryoso na niyon. Para bang ano mang pagkakamali ko’y may kapalit na kaparusahan. “Darth is dangerous. Sa pag-alis mo rito sa poder ko, hindi ko maipapangakong maproprotektahan kita sa oras na malaman ni Darth ang tungkol sa anak niyo.”

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Logan. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong delikadong tao si Darth. Hindi nga ba’t isa iyon sa dahilan kung bakit aalis ako ngayon at wala ng plano pang ipaalam sa kapatid nito ang tungkol sa dinadala ko?

As much as I wanted my child to have a father; I'm also thinking about my child's safety. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nalaman ni Darth ang tungkol sa anak namin. I’m not even sure if he would accept his daughter. O kung maniniwala man lang ba siya na anak niya ang nasa sinapupunan ko. I already took the risk of looking for him; tama nang malaman ko kung sino ang ama ng anak ko.

An hour later dumating ang taxi na maghahatid sa akin sa airport. Nagpresenta pa nga si Logan na ihatid ako, ngunit mahigpit ko itong tinanggihan. Kahit man lang sa huling sandali, ayaw kong magkaroon pa ng karagdagang utang na loob sa kaniya. I am grateful for everything that he did for me. Tatanawin ko itong utang na loob habang buhay.


Naging maayos ang aking biyahe pauwi ng Pilipinas. Tinawagan ko na rin si Levian para sunduin ako. Sinabihan ko na rin si Kuya na nakauwi na ako. Pupuntahan nalamang raw ako nito sa condo ni Levian.

"You're really stupid," komento ni Levian matapos kong ikwento rito ang mga nangyari sa akin sa Japan. Hindi ko naman ito masisisi dahil totoo naman ang sinabi nito.

Huminga ako ng malalim bago ko marahang hinawakan ang aking tiyan. I can do this. Mabubuhay ko ang anak ko ng mag-isa.

Hindi ko sinabi kay Levian ang tungkol sa ama ng dinadala ko. I know for sure that she'll be hysterical. Naalala ko kasi na bago ako umalis ng Pilipinas noon ay naikwento nito sa akin ang tungkol sa triplets. Kaya paniguradong uulanin na naman ako nito ng tanong. Ang masama pa'y baka pilitin pa ako nitong tawagan si Darth.

One Night Stand With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon