Simula

3.1K 58 2
                                    

"Party?" Kunot ang noong tanong ko kay Levi nang marinig ang sinabi nitong may party itong dadaluhan.



"Yep, party, pero hindi ako pupunta roon para magliwaliw. Alam mo namang kapos ako ngayon, Jia." Sagot nito sa akin bago umirap.




Bigla akong napasimangot. Two months na lamang at kasal ko na. Ikakasal ako sa taong hindi ko alam kung mahal ko pa ba o hindi na. Alam kong ang sama na ng tingin sa akin ni Yvo. Akala nito'y nagtataksil ako. Wala akong relasyon sa mga kaibigan nito! Walang katotohanan ang mga nalaman nito patungkol sa akin at sa matalik nitong kaibigan!




"Siyanga pala Jia, sigurado ka bang pakakasalan mo si Yvo? Naaawa lang ako sa inyong dalawa, alam mo ba? He's obviously doing this to save his face and pride. Habang ikaw, ginagawa mo ito para magbayad sa kasalanang hindi mo naman talaga ginawa. Do you still love Yvo?"




Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Levian. Malinaw na ang sagot ko roon. Hindi ko na yata maibabalik pa ang nararamdaman ko para kay Yvo.




"Isama mo nga ako sa party. Tutulungan kita sa trabaho mo."




"Tutulungan o gusto mo lang makita si Adam?"




Ako naman ang napairap sa sinabi ni Levi. Sinong Adam? Hindi ko kilala ang lalaking iyon.




"Basta isama mo na lang ako. Tiyak na hindi na naman ako papalabasin ni Yvo kapag nalaman niyang pupunta ako roon."





"Excuse me lang, Jia. Baka naman nakakalimutan mong posibleng imbitado si Yvo at ang Kuya Jino mo sa party na iyon. Pare-parehong mundo ang kinalalagyan nilang tatlo." Sarkastikong sabi ni Levi.




Napakagat na lang ako sa labi. "Okay, papakiusapan ko na lang si Kuya na isama ako."



-




"Done flirting with your new guy?" Malamig na tanong ni Yvo nang makapasok ako sa kuwarto ko. Hindi ko alam na narito siya. Akala ko ba'y may emergency meeting itong dinaluhan.




Hindi ko napigilan ang mapalunok. "I was with Levian."




"Levian? Your slut friend?"




Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Malalaki ang hakbang na nilapitan ko si Yvo. Walang pasabing sinampal ko siya sa kaniyang pisngi. Malakas iyon, na parang ako pa yata ang nasaktan dahil malamig pa rin ang ekspresiyon sa mukha ni Yvo.




"Wala kang karapatang insultuhin ang kaibigan ko! Marangal na tao si Levi!" Tuloy-tuloy na tumulo ang aking mga luha. Nasasaktan ako. Nasasakal na ako sa set up na ito. "Let's cancel the wedding, Yvo."




"And what? You'll leave with your other man?!"




"No, Yvo! Pareho nating alam na ginagawa lamang natin ito para sa mga taong nakapaligid sa atin! Hindi na natin mahal ang isa't isa. Kaya bakit pa natin itutuloy ang kasal?" Napaluhod na ako sa sobrang sama ng loob. Kung dati'y ito ang hinahangad ko kay Yvo, ngayo'y hindi na. Napagod na siguro akong maghintay. Napagod na siguro akong umasa.




"Mahal kita Jia!"




"Hindi mo ako mahal! Gusto mo lang isalba iyang pride mo! Please Yvo, let me go."





"Baby..."





Nakita ko ang pagpatak ng luha ni Yvo. Nagulat ako nang mahigpit niya akong niyakap. Yakap na para bang wala siyang balak na pakawalan ako.





One Night Stand With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon