"You applied for this job? Eh ang tamlay-tamlay mo, Jia! Kaunti na lang iisipin kong may malala kang sakit o 'di kaya'y buntis." Salubong ang kilay na sabi ni Levi bago muling inabot sa akin ang cellphone kung saan binasa nito ang email ng isang company mula sa Japan na pinasahan ko ng aking resume.
Hindi ang trabahong pagsisilbi sa isang coffee shop ang totoong rason kung bakit ako pupunta sa Japan. I saw some news article about a certain person named Logan Haze. Unang kita ko pa lang sa mukha nito sa peryodiko'y naramdaman ko na kaagad na tila may nasaling sa pagkatao ko. His cold gaze, his perfect nose and lips, they all looked familiar! No—it was him! Ang lalaking naka-one night stand ko! The father of my child! Logan Haze.
Sa mga oras na ito'y natitiyak kong nasa Japan pa rin siya. Batay din sa mga nabasa ko'y doon siya naglalagi ngayon dahil sa ilang negosyong pinapatakbo. He's a Haze after all. A prince—not literally. Ilang beses ko nang narinig ang pangalang iyon. Isa ang mga Haze sa mayamang pamilya sa Asia. Kung gaano kayaman si Yvo ay ganoon din ang mga Haze.
Nalaman ko rin na may bahay siya sa Japan at ang coffee shop na siyang papasukan ko'y isa lamang sa pag-aari niya. Nakatuwaan lang ipatayo dahil sa hilig niya sa pagkakape na kalauna'y naging negosyo na. At nagkaroon ng maraming branch hindi lamang sa Japan kundi maging sa Pilipinas at Korea.
"I'm perfectly fine, Levian." Marahan kong sabi bago ipinagpatuloy ang pag-aayos ng aking mga bagahe. I forced a smile to assure her na talagang maayos lang ako. I don't want her to worry about me. Alam kong lahat ay gagawin ni Levi kahit na ang tawagan si Kuya Jino para lang maging maayos ako.
Mabuti na ring aalis ako. Sa ganitong paraan hindi ako mahihirapang itago ang kalagayan ko. Alam kong mali, pero wala akong magagawa. Hangga't hindi ko nakakausap si Logan ay wala pang pwedeng makaalam na buntis ako. Saka na, kapag sigurado na akong tatanggapin ni Logan ang bata.
"Naku, ganiyan ka naman palagi. O siya, sige, hindi na kita pipigilan. Pero mag-iingat ka roon. Alam kong ilang beses ka nang nakapunta sa Japan, pero mabuti na iyong nag-iingat." May pag-aalala sa boses na sabi ni Levi bago ako niyakap nang mahigpit. Gumanti naman ako ng yakap bago ngumiti. Ito ang mami-miss ko kay Levi. Kahit anong pagdaanan ko ay lagi itong nariyan. Alam ko at ramdam kong hindi lamang ang pera ko ang inaalala nito. I can feel how genuine Levi when it comes to me. Kaya ngayon pa lang ay nagu-guilty na ako sa mga gagawin ko, lalo na ang pagsisinungaling.
Nang matapos akong mag-impake ay kaagad na akong naligo. Alas singko ng hapon ang tungo ko sa airport. Alas kuwatro y media na kaya dapat na akong magmadali. Although alam kong alas onse pa ng gabi ang take off ng eroplano. Maganda na iyong maaga, kaysa naman maiwan ako ng eroplano. Mas lalong hindi ko mahahanap si Logan.
"Good luck, Jia. Tumawag ka lang sa akin oras na may mangyaring hindi maganda." Naiiyak na sabi ni Levi na siyang ikinatawa ko. "Huwag mo akong tatawanan! Totoong nag-aalala ako dahil mukhang hindi pa rin maayos ang pakiramdam mo." Dagdag pa nito habang pababa kami ng taxi.
I smiled before giving her my warmest hug. "Alright, tatawag kaagad ako sa'yo oras na makarating ako sa Japan."
"Promise?"
"Yes, promise."
Matamis itong ngumiti. "Lagi kang tumawag ah. Kahit makahanap ka ng jowa roon na mala-prince charming, lagi mo pa rin akong tawagan. Para naman may maisagot ako sa Kuya mo." Nakasimangot nitong sabi na ikinangiwi ko. Oo nga naman palagi itong iniistorbo ni Kuya Jino. May ilang beses na narinig kong tumawag ito at nagtatanong ng tungkol sa akin.
"I'm sorry talaga..."
"Ano ka ba, ayos lang naman sa akin. Ang Kuya mo lang talaga ang makulit. Parang tatay mo ang isang iyon. Akala yata nakipagtanan ka kaya hindi ka sumipot sa kasal mo. Pero kung ako rin naman ang nasa kalagayan mo, talagang hindi ako sisipot ano! 'Di hamak na maraming guwapo at mabuting lalaki sa mundo. Kung ako ang papipiliin ng mapapangasawa, pipiliin ko talaga ang isa sa tatlong prinsipe ng mga Haze!"