CHAPTER 1

722 5 0
                                    


*Author's Note:
***Hi readers. THANKYOU in advance for reading this story. Take patience with you okay ? :) Because it's not just all about lovestory. Many aspects may affect some chapters to help you understand why does the character acts in that manner. THANKYOU :)

//VOTE. COMMENT. FOLLOW.
xx Micka.ű


***


Yesterday is past.

Tomorrow is a surprise.

and Today is present. That's why it's called Gift.

You onLy live once.

Ilan lang ang mga yan sa dami ng words of wisdom patungkol sa buhay. Sa isang mundong komplikado. Puno ng gulo, puno ng misteryo. Marami rin ang tao. Maraming magkaka iba ng pananaw sa buhay. Maraming magkakaiba ang paniniwala sa mga bagay bagay.

Gaya nalang nitong si Czinister Louise Natividad. "Louise" for short, Isang 4th year Highschool student. Maituturing na weird, matalino. Straight forward kung magsalita. Maganda rin naman. Yun nga lang parang galit sa mundo. Lalo na sa mga lalaki. Man-hater kumbaga. Kaya kilala siya sa eskwelahan niya bilang Masungit, mataray at suplada.

Sa tatlong taon niyang nag-aaral sa eskwelahan niyang yun. Wala man lang siyang naging kaibigan. Magkaroon man, ay kaibigan niya lang sa loob ng school. Kakausapin ka lang pag kakausapin mo siya. Walang nangangahas na makipag kaibigan at manligaw sakanya. Dahil paniguradong tataob ang mga ito, kaya ang alam lang ng mga tao sakanya ay ang pangalan niya, address, at facebook siguro.

First Day of school sa eskwelahan nila para sa taong ito, entering his Fourth year, Last year ng Highschool Life. Maaga naman siyang nasa school suot ang napaka simpleng uniform niya at ang sling bag niya. Kaya umupo lang siya sa canteen at umorder ng burger at mainit na tsokolate.

"Talaga? Grabe naman pala. Ang swerte natin kung dito siya lilipat"

"Oo nga eh. Sana nga maging close kami. How I wish maging kaklase natin siya"

"Naku. This would be the best year for me kung magiging boyfriend ko yun"

Yan ang kabi-kabilaang naririnig ni  Louise sa mga babaeng naroroon. Maagang tsismisan sa mga babae. Naiirita ito sa naririnig niya, dahil una sa lahat. First day of classes pero ganun agad ang mga usapin sa eskwelahan.

Sino ba ang pinag uusapan nila? Tanong nito sa isipan niya. At habang kumakain ay nakarinig siya ng tilian ng mga tao. Lalo na ng mga babae, kung kanina ay bilang mo ang mga taong naririto, ngayon ay halos di mahulugan ng karayom ang isang parte ng eskwelahan. Sinubukan naman nitong tumingin at lumingon doon pero wala siyang makita dahil sa natatakpan ng mga tao. Kaya naman ipinagpatuloy niya lang yung pagkain niya.

Pumunta siya sa locker niya at inilagay doon ang isa sa mga librong binabasa niya. Pero pagkasara niya ay boooogsh!

Natapon sakanya ang hawak niyang baso ng tsokolate. Ang dumi ng uniform niya. Napanganga siya at tinignan ang basang damit.

"The hell! Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" sigaw nito sa isang lalaking matangkad. May dimple sa magkabilang pisngi. At nakasuot rin ng uniform. New face.

"Look. Im sorry okay?" sabi lang nito at tumalikod kay Louise. Nabwisit si Louise sa inasta ng lalaki, kaya kinuha niya ang suot na sapatos at ibinato sa lalaki. Natamaan naman nito ang ulo ng lalaki. Sapul na sapul.

WHATEVER IT TAKES (I PROMISE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon