CHAPTER 29

24 2 0
                                    

LOUISE's POV

Naririnig ko yung mga taong nagbubulungan sa paligid ko, may iyakan at tumatawag sa pangalan ko. Nagising nalang ako dahil sa liwanag na nakikita ko, medyo masakit sa mata dahil puro puti lang yung nakikita ko- gusto ko sanang gumalaw kaso yung pakiramdam ko parang hinihila ako ng kama, parang napakabigat ng ulo ko, ng katawan ko. Yung bang pakiramdam na parang may nakadagan saakin.

"She's awake" rinig kong sabi ni dad. "Call the doctor"

Naramdaman kong chinicheck ako nung doctor at may itinurok saakin na injection. I really hate this! Doon ko lang narealize na nandito pala ako ngayon sa ospital. But why? Tapos ay may ipinainom saakin na gamot, but thank God after a few minutes ay naging maayos na yung pakiramdam ko and I saw dad infront of me and he looked so worried.

"How are you feeling now baby?" tanong niya saakin habang hinahaplos yung buhok ko.

"Im better now, what am I doing here?" tanong ko.

"You met an accident last night" parang bumalik yung panghihina ko sa sinabi saakin ni dad. Aksidente?

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, accident. Doon lang nag sink in lahat sa utak ko yung nangyari kagabi, yung aksidenteng nangyari.

Pauwi na sana kami ni Inigo habang siya ang nagdadrive sa motoe na sinasakyan namin. Tapos sobrang dilim ng kalsadang dinadaanan namin, tapos sobrang bilis ng pagpapatakbo niya sa motor na talagang ikinakatakot ko na.

at

At doon, pinayakap niya lang ako ng mahigpit hanggang sa hindi na kami nakaliko pa at dumiretso kaming nahulog sa bangin. Mataas yung kinahulugan namin pero hindi niya ako binitawan- niyakap niya ako Tapos nawalan ako ng malay, narinig kong may mga dumating ng tao doon, may mga naririnig akong siren mula sa ambulance team.

Habang nirirescue kami ay naalimpungatan ako at nakita ko yung itsura ni Inigo- puro dugo. Punong puno siya ng dugo sa buong katawan niya at wala siyang malay. Gustong gusto kong lumapit, gusto kong hawakan siya at icheck kung ano na bang lagay niya kaso hindi ko kaya. Wala akong sapat na lakas dahil pakiramdam ko ay bumibigay narin yung katawan ko.

Hanggang sa nagising nalang ako na nandito na sa ospital. Hindi ko mapigilang umiyak habang inaalala ko yung mga nangyari.

"Dad.. dad where is he? Where's Inigo?" nangingiyak kong tanong kay dad pero niyakap lang niya ako na parang ayaw sumagot pero nakita ko si Ate Agatha sa upuan. "Ate, ate Agatha..Where's Inigo? Okay lang naman siya diba?"

Pero yumuko lang siya, anong nangyari kay Inigo? Bakit ayaw nila akong sagutin? Bakit? Okay lang naman siya diba? Hindi pwede.

Umiyak ako ng umiyak, pinipilit kong tumayo kasi kailangan kong makita si Inigo eh. Kailangan namin ang isa't isa. Pero wala akong nagawa, tinurukan nanaman ako ng injection na dahilan ng panghihina ko at nakatulog ulit ako.

Makalipas ang ilang oras ay nagising na ako at nakita ko si mommy Mildred.

"Anak" bati niya saakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Mom where's Inigo?" tanong ko.

"Ssshhh, magpahinga ka na muna" suway niya saakin.

"Ma, paano naman ako magpapahinga? Hindi ko magagawa yun kung sobra sobrang occupied yung isip ko. Sagutin nyo naman ako oh, nasaan si Inigo?" Hindi ko nanaman tuloy napigilang umiyak. Nakita ko rin si ate Agatha at Mommy na lumuluha na. It hit me na hindi talaga okay ang lahat.

Sumenyas si mommy kay ate Agatha, kaya lumapit saakin si ate at parang mabigat yung sasabihin niya na lalong nagpapakaba saakin. Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko at umiiyak siya.

WHATEVER IT TAKES (I PROMISE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon