CHAPTER 26

24 2 0
                                    

INIGO’s POV

After 123456789 years, finally! It was my graduation day! Yes graduation ko na sa chosen course ko mamaya :) Buti nga nakapag concentrate pa ako sa pag aaral ko eh, knowing na diba? sa mga complicated things na nalaman ko. Pinakinggan ko lang kasi yung sinabi ni Mr. Vergara na hayaan ko muna sya tungkol doon.

Tapos kagabi pa, wala akong balita kay Louise- hindi ko nga sya macontact eh tapos di man lang niya sagutin yung mga tawag ko sakanya kahit sa skype.

Di ko tuloy masyadong ramdam yung saya ko

"Let's go son?" sabi ni daddy na kasama rin si mommy Mildred kaya tumango lang ako "Im proud of you anak" parang huminto ang mundo ko nung marinig ko yun mula kay dad, he often say those things to me kaya pakiramdam ko he really mean it. Worth it lahat ng paghihirap ko, kasi alam kong masaya ang daddy para sakin ngayon.

Dumiretso na kami kaagad sa gymnasium kung saan gaganapin yung commencement program for our graduation.

Masaya ako kasi kumpleto yung family ko ngayon, my mommy Mildred is here, Ate Agatha is present, and same with my dad. We are planning to go home tomorrow in Philippines for my graduation celebration. Some friends of mine are invited and most are from the business industry- children of my family's business partners as well.

Tinawag na ang gwapo kong pangalan para tanggapin yung diploma ko, nung hawak ko na yun ay tinaas ko yun at tumingin kay daddy na nakangiti saakin- and with his thumbs up. Kahit sa simpleng gesture lang yun ni dad, I know that he's proud of me now.

Pero naagaw ng pansin ko yung babae sa tabi niya- it's my inspiration. Si Czinisther Louise Natividad, she is smiling at me now.

Nung matapos na yung commencement exercise ay binati nila akong lahat.

"Naks naman insan! Congrats" -Ate Agatha.

"Congrats anak" -Mommy Mildred

"Im proud of you son. So here’s our gift" -daddy, At itinuro nya si Louise

"Congrats :)" simpleng bati nya sakin.

"ikaw ha? di mo ko sinasagot sa mga tawag ko. Tapos di mo man lang sinabing pupunta ka pala dito"

"That's why it's a surprise son. I know na hindi naman enough lahat ng gifts na matatanggap mo mula samin compared sakanya" sabi pa ni daddy at kinikilig naman tong mga pinsan ko at sila ate Agatha.

We went to our favorite resto here, kumain ng kumain tapos puno ng tawanan at kwentuhan sobrang saya lang makita ng pamilya ko na ganito kami.

Pagkatapos nun ay namasyal kami ni Louise sa kung saan saan. Nagdesisyon muna kaming pumasyal as a family saglit sa isang sikat na lugar dito, yung Love Locket, sobrang dami ng padlocks na nandito- inilalagay ng mga couples. Parang yung nasa Korea din, sabi nila ito daw yung maglolock ng promise nyo ng partner nyo sa isa't isa.

Nakita kong si Ate Agatha ay ngumingiti lang, tinitignan yung mga padlocks na nakasabit. Tapos habang si mommy naman ay inabutan kami ni Louise ng dalawang cute na padlocks tapos nginitian niya kami- na parang nagsasabing 'sige na, itry nyo'

Kaya nauna akong nag lagay ng padlock.

"This padlock, miss Czinister Louise Saavedra. It symbolizes my love for you. Hihintayin kita- kahit gano pa katagal"

Nginitian lang ako ni Louise, tska niya ni-hook yung padlock nya sa padlock ko. "And this padlock Mr. Inigo Saavedra, I promise that your waiting is worth it"

Pagkatapos nun ay naglakad lakad lang uli kami at nagpicture- di kami ganun katagal doon kasi nga kasama namin si mommy. Hindi sya pupwedeng mapagod masyado.

WHATEVER IT TAKES (I PROMISE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon