CHAPTER 16

39 2 0
                                    

INIGO'S POV

"Nigs. Let's go nandito na tayo" namulat ako sa pagkakatulog sa boses ni ate Agatha. Tumingin ako saglit sa bintana nitong eroplano. Finally, nandito narin ako uli sa Pilipinas. Bumaba na kami kaagad ni ate, surprise itong pag uwi ko dahil kahit sino sa amin ay walang nakakaalam na dadating ako ngayon, even mom. Perfect timing rin dahil birthday uli ngayon ni mama.

Napangiti ako, naiisip ko yung magiging reaction ni mama saakin. Namiss ako nun panigurado, dahil kahit siya hindi ko nakikita at nakakausap sa skype. Tinatawagan ko lang siya minsan, namiss ko siya. At syempre, miss ko rin si Louise :)

Ngayong nandito na ako uli sa Pilipinas, asahan mong di ko sasayangin tong pagkakataon na to kahit limitado yung panahon. Nasa iisang lugar na tayo, pareho na tayo ng hangin na hinihinga.

"I miss you Louise"

***

"Happy Birthday To youuu" rinig kong kanta ng mga tao sa bahay kay mama.

"Hep hep hep" sigaw ni ate Agatha kaya napatingin sakanya lahat ng bisita, lahat ng tao doon.

"Agatha! Nice to see you here" tuwang tuwa si mama nung nakita niya si Ate Agatha na dumating at yumakap pa ito.

"Happy Birthday po tita Mildred" bati naman ni Ate sakanya "For sure ang eenggrande po ng gift ng mga tao sainyo. So, I hope you like mine"

"Happy Birthday Mom" bati ko at nagulat naman si mommy nung lumabas ako.

"anak" yakap niya saakin. Parang naluluha pa nga siya eh "Im so happy you're here I miss you"

"I miss you too mom" at niyakap ko nga siya pabalik. Namiss ko sya. Pero habang nakayakap ako ay napatingin ako sa isang babaeng tinitignan ako. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, Tinititigan ko siya pero wala parin blanko yung ekspresyon ng mukha niya, parang wala siyang planong kausapin ako.

"Louise" yakap ko sakanya, namiss ko siya ng sobra. Naexcite akong makabawi sakanya, sa lahat ng pagkukulang ko. Gusto kong punan lahat ng panahong kailangan niya ako pero wala ako sa tabi niya, alam kong kulang yung isang buwan na stay ko dito para gawin punuin ang isa't kalahating taon pero susubukan kong maging worth it ang bawat araw na nandito ako.

Yakap ko lang siya pero hindi man lang niya ako niyakap pabalik, parang ang cold niya. Na halos itulak niya pa nga ako palayo sakanya. Gusto niyang kumawala sa pagkakayakap ko sakanya. Bumitaw ako sa yakap na yun, at tinignan ko siya wala parin akong makitang ekspresyon sa mukha niya. Kung meron man, yun ay pagtataka.

"Sino ka?" tanong niya saakin. Seryoso lang yung mukha niya na ikinagulat ko, napatingin ako kay Ate Agatha na mukhang nagulat rin sa inasal saakin ni Louise. Bakit? Ganun ba katagal ang isa't kalahating taon na makakalimutan niya ako kaagad?

"Louise. it's me Inigo" pakilala ko pero di parin nagbago yung ekspresyon ng muka niya.

"Sorry pero di kita kilala" at tumalikod na siya saakin. Bakit ganun? Dapat diba masaya kami kasi nagkita kami uli pero bakit ganito? Hinawakan ko siya sa braso niya na dahilan para tumingin siya uli saakin.

"Why are you acting like that louise? Did i Do something wrong?" tanong ko pero tinignan niya ako sa mata. Kung kanina wala akong makitang emotion sa mukha niya, ngayon parang galit na naiinis.

"What?" and she smirked at me "Sorry ha? Pero di talaga kita kilala. May amnesia kasi ako" at ngumiti sya. Pero alam kong pilit lang yung mga ngiting yun.

Pero teka? ano uli yun? may amnesia siya? paano naman nangyari yun? Kelan? at bakit di ko man lang nalaman. Binitawan ko na yung braso niya kaya umalis siya. Naguguluhan ako, kaya pumunta ako kay mommy.

WHATEVER IT TAKES (I PROMISE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon