CHAPTER 25

22 2 0
                                    

AXEL's POV

Two weeks, two weeks narin kaming nagkakasama ng madalas ni Ciarra, buti nalang talaga at isinama siya dito ng tita niya. Buti nga naextend yung stay nya dito eh kasi ang usapan daw nila ay one week lang.

Marami na kaming natupad at nagawa sa bucket list namin :) Natapos na namin ang magboat ng gabi, mag wall climbing, mag rappeling, zipline, freefall, bungee jumping at marami pang iba. Araw araw may ginagawa kaming atleast dalawa sa list namin, tapos araw araw ko rin siyang sinusundo sa bahay nila para mag jogging at mag gym. Oo, work out buddy ko na rin sya :)

"Ready?" tanong ko sakanya, nandito ako sa tapat ng bahay nila ngayon. Rest day namin, dapat nga hindi kami magkikita ngayon dahil may gagawin pa ako kaso gusto nya daw akong samahang bumili ng gift para kay ate- oo birthday kasi ng ate ko ngayon. She's 28years old now.

Nandito kami ngayon sa isang shop sa mall, girl's shop actually.

"Ano ba ang favorite color ng ate mo?" tanong niya at tumitingin tingin sa paligid.

"Actually Red" sagot ko at tumango tango naman sya.

"Red. Ang ganda ng kulay na yun, tska diba sabi mo may pagka kikay sya? kaya ang ineexpect ko kasi pink yung magiging favorite nya"

"Alam mo kasi lahat tayo may kanya kanyang trip. Tulad ng emo- gusto itim. Tulad ni Noynoy- gusto Dilaw. at parang ako-Gusto ikaw."

"Bolero" sabi nya lang at hinampas ako ng mahina. Ang cute cute nya talaga.

"Grabe ang mamahal pala dito noh? tapos dito sya madalas nagsa shopping?" sabi niya. Oo dito kasi madalas mamili noon si ate.

"kung ibebenta ko lang ang sarili ko, tataasan ko na ang presyo. para matawag mo lang akong mahal."

"YUCK CORNY MO HAHAHAHAHA" hirap pumick up dito. Babasagin ka lang haha.

Bumili siya ng isang bag, sling na pwede rin namang maging shoulder bag, color light blue siya. Yun nalang daw ang ireregalo nya kay ate, buti nga hindi ako sinisingil nito ngayon eh.Marami sigurong kupit sa tita nya. :P

Habang naglilibot libot kami sa mall ay nakakita ako ng isang magandang maxi dress, ang classy nung itsura kaya gun ang gusto ko para kay ate, binili ko na yun. Pero habang nasa counter ako ay napansin kong kanina pa tumitingin si Ciarra sa labas, di ko naman makita.

"What are you looking at?" tanong ko.

"Yung pinsan ko, si Zion nakita ko. Ayun oh" turo niya saakin pero di ko parin nakita kaya sinundan namin ng sinundan, sa dalas ng pagsasama namin nitong si Ciarra ay lagi niyang nababanggit at kinukwento saakin yung pinsan niyang si Zion Ortega.

Gusto ko syang makita sa personal, dahil base sa kwento nya talagang habulin at heartbreaker. Naeexcite nga rin aking mameet siya eh.

"Wag kang magulo Axel, baka makita nila tayo" bulong niya saakin..Nagtatago kami dito sa isang shelf ng shoes.

"Wait? Sila? sinong kasama niya?" tanong ko. Nakita ko na si Zion kaso nakaluhod sya ngayon, anong at nakatalikod saamin kaya hindi ko makita yung itsura niya. Tapos nakayuko yung babae, nagsusukat ata ng sapatos.

"Kasama nya yung kinukwento ko sayong nililigawan niya. Yung nagpapahirap sakanya"

Parang bigla akong kinabahan, tumayo na si Zion kaya natakpan yung babae pero nung makita ko yung kasama niyang babae, nanlaki yung mga mata ko na halos matabig ko yung mga sapatos doon kaya nahulog at napatingin saamin sila Zion.

"Okay ka lang?" tanong sakin ni Ciarra pero tumingin ako sakanila Zion at papalapit na sila saamin ngayon.

"Kuya? Uh-uhm anong gi-ginagawa mo di-dito?" tanong sakin ni Acel.

WHATEVER IT TAKES (I PROMISE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon