CHAPTER 22

61 2 0
                                    

AXEL'S POV

Noong huli kaming nag usap ni Sofia, sinabi nya saakin na hindi niya na raw talaga ako magugustuhan. So I've decided talking to dad, na itigil na namin yung engagement agreement namin with her family cause it's not working.

"But son, we can't just do that. It's a
settled agreement. For now, hayaan mo na muna kami. Your issue with Miss Sofia is not my priority. I have more important concerns" Sabi ni dad

"But dad, it's not working. We're not happy anymore. Hindi pa nga kami kasal di na kami okay, paano pa kaya kung maikasal pa kami"

"Then everything will be okay. Cause you'll learn to love each other, because you'll end up with no choice. I don't understand you kids now, you are always settling on what you want, fighting for love wherein.. urgh stop son"

"Dad listen, I think it's for our good if we'll just stop this arranged marriage"

"No son. You stop. YOU LISTEN TO ME OKAY?" iba na yung tono ng boses nya kaya natahimik ako, ganito talaga si dad nakakatakot and you should stop when he said stop. Tinignan niya nanaman ako, yung seryoso at nakakatakot na tingin. "You think that that is for your own good but listen to me son, Im doing this for the Best"

"But dad..." Pero tinaas niya na yung kamay niya na sign for me to stop.

"I have meetings to attend. See you later son" Then he walked outnthe door and just tapped my shoulders.

Ayoko lang naman kasing maghabol kay Sofia, knowing na wala naman na talaga. Alam ko rin na suntok sa buwan kung sakaling sabihin ko kay daddy na itigil na yung arranged marriage namin dahil final na yun. Minsan nga mahirap ding maging anak mayaman, yes you're enjoying life, pero hindi sa paraang gusto mo. Minsan nga gusto ko nalang maging normal. Naalala ko tuloy noon si Mang Andres, noong nagrally sila tungkol sa karapatan nila sa lupang binili ni daddy para sa isang bagong building.

"When the Rich is fighting for what they want, they call it business.

But when the Poor are fighting for what they want, they call it Violence"

And I agree..Kasi nakita ko yun lahat, tapos ngayon. Sinabi ko kay Sofia na lalayuan ko na siya, ang sabi lang nya ay buti naman daw dahil ayaw nya talaga saakin. Susubukan daw niyang balikan si Inigo, I know Sofia, gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto nya. Either by hook or by crook.

**

I decided to go shopping today kaya nandito lang ako sa mall, naglilibot libot ako aba maraming tao ngayon dito ah? Bakit kaya?

Habang naglalakad ako ay may nabangga akong babae,

"Ciarra?" Nakita ko si Ciarra, yung anak ni Nanay Aurora. Siya yung babaeng nakita ko noon sa ilog.

"Oh Axel??" gulat na sinabi niya saakin at ang ganda ng ngiti niya. "oh kamusta ka na? LongTime no see"

"Yes. Ikaw ang kamusta? Ang ganda mo na lalo ah" Oo mas lalo siyang gumanda ngayon, ang lakas ng dating niya kahit pa naka simpleng plain white na bestida lang siya at naka flat shoes. "Anong ginagawa mo dito? Kelan ka pa dumating?"

"Three days palang ako rito. Sinama kasi ako ng tita ko" paliwanag niya "Eh ikaw anong ginagawa mo dito? mag isa mo lang ba?"

"Yup. Im all alone, forever alone" biro ko kaya natawa lang siya.

"Haha. nakakainis nga eh kasi ang usapan namin ng pinsan ko eh magmi meet kami ng 12pm pero tignan mo 1pm na tapos ngayon lang nya ako ititext na di na kami tuloy" naka pout nyang sabi, she looks so cute.

WHATEVER IT TAKES (I PROMISE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon