CHAPTER 14

50 3 0
                                    

LOUISE's POV

Sabi saakin ni Inigo, gusto niya daw akong makausap ngayon. Bakit kaya? Hmm. Iniisip ko nga seryoso yun dahil hindi naman siya magyayaya ng ganito kung hindi.

"Hi. Louise si Inigo?" nakakasira ng araw. Kahit gaano pa niya gawing sweet yung tono ng boses niya, hindi parin ako ma-convince na mabait siya. Tinignan ko siya ng masama. mabait naman talaga ako eh, ewan ko kung bakit nagiging maldita ako pag siya na yung kaharap ko.

"Wala siya dito" sarkastikong sagot ko. Tss.. Kapal ng mukha bumalik balik dito pagkatapos ng ginawa niya kay Inigo.

"I see. May lakad kayo?"

"Yes. Magkikita kami sa sinabi niyang place, actually pupuntahan ko na nga siya eh" Halata kong naiinis siya, pero pinipilit niyang ngumiti. Ansarap niyang balatan gamit yung nailcutter tska ipagulong sa asin eh.

"You know what? I remember noon, di niya ko hahayaang mag-isa. She always make sure that Im safe. Sinusundo niya pa ako lagi" Do I even care ? Epal.

"Talaga? How sweet"

"Yes he is. Mahal na mahal niya kasi ako nun, proud boyfriend sya sakin. Yung gusto niyang ipagsigawan sa mundo na sakanya ako. Yung kaya niyang maghintay" Kwento niya na para bang kinikilig pa siya.

"Kaya ba inabuso mo rin? Hinayaan mong maghintay siya sayo. Tska mo iiwan ng basta basta. Ganun ba?"

"How dare you? Bitch! Di mo alam kung bakit ko yun ginawa" At parang gusto niya na nga akong sabunutan.

"Ah. Sige, sabi mo eh"

"YOU KNOW WHAT? AYOKO NAMAN SAYO EH. EWAN KO BA KUNG BAKIT KINAKAIBIGAN PA KITA"

"Eh baka kasi Plastic ka?" Nakita kong mas lalo siyang nagalit. Parang uusok na nga yung ilong at tenga niya sa galit eh. HAHA! Sarap lang asarin ng mga taong defensive.

"Plastic? Me?" wow nagtanong pa talaga siya ha? wag nya ko bwisitin ngayon dahil papatulan ko talaga siya.

"Oo ikaw. PLASTIC. Balita ko bawal na nga daw yung plastic ngayon dito, pano yan? san ka na na lilipat?" Itinaas niya yung kamay niya na parang sasampalin ako pero di niya nagawa.

"Bakit kaya ikaw ang nagustuhan ni Inigo noh? Eh pangit ka naman, mas maganda naman ako sayo. At di malayong mas sexy. Ay oo nga pala, Pet Lover siya" at tumawa pa siya. Kaya tumawa rin ako kunwari.

"Eh diba sabi mo minahal ka rin niya? So you're telling me isa ka ring pet?"

"BITCH. Look at yourself compared to me, dumi lang kita sa kuko. Im hotter than you Stupid"

Gustong gusto ko siyang ingudngod ngayon. Kumukulo na talaga yung dugo ko. Pero ayokong manguna, hindi ka warfreak Louise. Kalma ka lang.

" ang hot mo nga eh, nangingibabaw yung pagiging made in hell mo" Nginitian ko siya tska ako umalis. Bwiset talaga siya.

INIGO's POV

Gusto ko nang umamin kay Louise tungkol sa nararamdaman ko, pero hindi ko alam kung sa paanong paraan. Iniisip ko pa nga kung paano ko sasabihin sakanya eh. Kinakabahan ako, dahil sa totoo lang ngayon lang naman ako ulit manliligaw, diba nga si Sofia lang yung niligawan ko ? Hinihintay ko nalang siya ngayon dito sa isang private resort. Yes, Nirentahan ko pa talaga itong place cause I wanna surprise her. Gusto ko maging memorable saming dalawa to.

May nakita akong paparating na kotse, tinignan ko kung sino. Yung babaeng hinihintay ko lang pala, si Louise :) Di ko mapigilang mapangiti nung nakita ko siya. Ang ganda ganda niya lang talaga.

WHATEVER IT TAKES (I PROMISE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon