CHAPTER 18

73 2 0
                                    

LOUISE's POV

Five days of suffering pa bago matapos tong semester na to! Nakakalungkot naman :'( How I wish I could fast forward time. 9am ang klase ko ngayon, sa subject ni Sir Aristotle na Entrepreneurship. Pagkapasok ko.

"Yiiiieee" asar ng mga kaklase ko. Teka ako ba ang niloloko ng mga to? Tinignan ko nga sila ng nagtatanong kung Anong Meron? Pero ngiti ngiti lang silang lahat. Yung iba nga parang kinikilig pa eh.

Pagkaupo ko sa upuan ko, doon ko nalaman yung sagot sa kinikilos ng magagaling kong mga kaklase. May isang bouquet kasi ng roses. Sobrang laking bouquet. Ang ganda nga ng pagkaka arranged eh. Di ko tuloy mapigilang mapangiti. Binasa ko naman yung note na nakalagay doon.

Pakibawasan ang ngiti haha! This is the first day of your practice-- with me! remember? :) See you!

xx Gwapong Inigo

Haha kapal talaga ng lalaking ito. Umupo naman ako kaagad. Nagdiscuss naman na si Sir Aristotle, binigyan niya lang kami ng recap sa mga naging topics namin sa subject niya. Okay naman ako sa Entrep eh, dahil lang sa analyzations.

"Osya sige. Umalis na kayo at goodluck" sabi ni sir. Tska kami nagmadaling lumabas, yung mga babae naman sa corridor kinikilig pa. Parang may artista atang nandoon kasi nagtitilian yung mga babae eh. Pati yung mga bading akala mo mamamatay na sa kilig.

"Grabe ang gwapo naman niya"

"Sino kayang pinuntahan niya dito?"

"Bumalik na pala sya dito. I know him eh"

"Oo varsity kaya yan dito dati"

Ha? Kilala naman pala nila eh bakit pa nila pagkakaguluhan? At dahil tsismosa ako, sumingit ako tska sumilip saglit sa tinitignan nila at.. Oh my!

Bakit ba ang gwapo niya? Tapos nag-shades pa siya edi mas lalong dumagdag sa kagwapuhan niya. Siguro nung nagsaboy ang Diyos ng kagwapuhan at appeal gising na gising siya. Ako kasi himbingnna himbing sa pagkakatulog eh. Tapos itong mga babaeng ito akala mo naman, tss dukutin ko mga mata nila eh.

"Nandyan ka na pala" sabay kindat niya saakin. Yung mga babae naman, nganga! HAHA gulat sila kasi ako ang nilapitan. Ganda ko! :P

"Siya ba yung pinuntahan?"

"Gosh! Im prettier naman than her noh"

"Sayang! I have a crush on him pa naman, but it seems like he's animal lover"

"Yuck! Why that girl pa? She's not even pretty"

"True"

Aba! Makapanlait tong mga babaeng ito. Perfect kayo ? Perfect? Lumingon ako para sana magsalita pero naunahan ako ng gwapo kong girlfriend.

"Girls. If she's not pretty. Ano pa pala kayo?" sabi ni Inigo at mukang nagulat at disappointed naman tong mga babaeng to. "HAHA. Just kidding"

"Grabe lang?" reklamo ko pero kinindatan niya lang ako.

"From now on, ayokong may sabihin kayong masama tungkol sakanya. Cause Im courting this girl" mas lalong nanlaki yung mga mata ng tao doon. Pati ako! Nagulat. Bakit niya ba sinasabi yung mga yun? Baka mamaya mabugbog pa ako ng di oras eh.

"Why Inigo? She's not beautiful naman" reklamo ng isang babae doon. Si Leanne yun, isa sa mga cheerdancers ng university.

"Yeah she's not. But she makes my world beautiful" tska kami umalis doon. Marami akong naririnig na reaction doon. Grabe ano bang meron sa lalaking ito?

WHATEVER IT TAKES (I PROMISE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon