CHAPTER 11

78 3 0
                                    

"Bakit ka nandito?" sabay na sigaw ni Louise at Axel sa Counter ng Sbucks.

"WOW. Ikaw ang bakit nandito haha, at akin na nga ito. AKIN TO" Pagtataray ni Louise kay Axel at agad ininom ang Frappe. Pero ngumisi lang sakanya si Axel.

"Strawberry Frappucino for Miss Louise?" sabi ng counter crew. Kaya napatingin nalang si Louise sa hawak niyang inumin at nakitang "LUIS" ang pangalan na nakasulat doon.

"Ha.. Uh...ano uhm sorry" Nahihiyang yumuko si Louise.

"Naku! Nagkapalit po kayo Sir Luis. Dibale pareho lang naman po kayo ng flavor na kinuha pati po sa Grande size" sabi ni Ate na nasa counter.

"Wait. Luis ? Edi ba Axel ang pangalan mo?" nagtataka si Louise.

"My Name is AXEL LUIS GUEVARRA. And LUIS as L-U-I-S. Mas tinatawag ako ng mga taong close ko sa Luis" pagpapakilala ni Axel na halatang confident na confident.

"kung maka spell ka naman. Kala mo bobo ako. TSS"

"HAHA. Uh-oh. Wala akong sinabi. At ayoko na niyan, di naman akin yan eh"

"WOW NAMAAAN! WOW TALAGA! ang arte arte mong lalaki ka! Eh pareho lang naman yan ng Flavor at Pareho ng size, TSS! O yan! Sige sayo na yan!!!" sigaw ni Louise sakanya at ibinigay yung nainuman niyang frappe.

"And you wanna give this to me ? Eh nainuman mo na to. Kung iinom pa ko dito, para narin tayong nag indirect kiss" pang-aasar ni Axel tsaka kumindat.

"AAAAH! WHATEVER" sigaw ni Louise kay Axel at tsaka tumalikod. Naglakad palayo pero sumigaw uli si Axel kaya napalingon siya.

"WAIT LOUISE" Tawag nito habang nakasandal sa counter. Nilingon naman siya ni Louise nang taas kilay. "By the way, Muka kang tao ngayon" nagtaas baba pa siya ng kilay tsaka lumabas ng pinto. Tawa siya ng tawa at naiwan si Louise doon kaya dumiretso siya kay Inigo.

"Oh bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Inigo na nagbabasa ng text sa phone.

"Epal kasi yung Axel na yun. Lakas mang asar"

"Eh bakit ? Diba type ka nun ?"

"Ha? Hmm hindi ah. Type pero inaasar ako" nahihiya si Louise kasi nagba blush pa siya.

"HAHA. Eh malay mo, ganun lang siya magpapansin sayo. Sa paraan na pang aasar" Tinaasan naman ng kilay ni Louise si Inigo at ngumiti, ngiting mapang asar "Hey What?"

"Soooo..." at nilapit pa ni Louise yung mukha niya sa harap ni Inigo "Ikaw Ñigs. Type mo ko no?"

"YUCK. Ikaw type ko ? Ayoko sa mga babaeng panget. Tsaka may kulang na turnilyo sa utak"

"WOW NAMAN SAAVEDRA! Nahiya naman si Edward Cullen sa kagwapuhan mo"

"Dapat Lang. Pogi talaga ako, dahil naimbento lang naman ang salitang GWAPO ng ipinanganak ako" Confident na sabi ni Inigo tsaka nag-ayos pa kunwari ng kwelyo at kumindat.

"YUCK TALAGA. Feeling Boy Next Door. Self centered kamo" kontra naman ni Louise na kunwaring nandidiri pa.

"Luh! Magkakandarapa ba sila sakin kung hindi ? Tsaka yang Boy Next Door na yan, nagawa nung Nagtago ako sa pinto noon. At nauso ang Center of Attraction nang dumaan ako sa gitna" papoging sabi pa ni Inigo.

"Tss. pakita nga" at hinawakan ni Louise yung libro niya "Makapal ah" At binalin naman yung pagpisil sa pisngi ni Inigo "ay pero mas makapal toh hahaha"

WHATEVER IT TAKES (I PROMISE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon