Chapter 14

2 1 0
                                    

Anikaze

Andito lahat ng kamag-anak sa bahay. Sina tita erlina,tito andrew basta lahat at kung ano ano topic nila.

"Nako may chika ako sayo kuya alam mo ba mukhang balak mag SK chairman itong anak ni mayor,oo yung torres mukha pa namang pakboy vseat."pagdadaldal ni tita elina. Grabe naman makipag chismisan to,parang hindi professional.

Pero napa-isip ako. Sinong torres?

Ay kilala ko na si Caspian Maceo Torres yung college na nag wave sakin sa messenger. Oh diba gunthe langs,,

"Sinong torres?"takang tanong ni dad at nina tito andrew at iba pa.

"Ay nako yung caspian,gwapo tapos nasa pre-law course na niyang pol-sci nako kuya na try kong mag sub sa teacher nila kasi buntis hays nga-nga sa recitation."sagot ni tita at bumuntong hininga.

Lahat naman sila may kanyang kanyang side comments. Abogado eh ano pang ine-expect nyo.

Seryoso?! Kala ko pa naman matalino yon, ang yabang kasi. Naging fling niya si femi kaya kilala ko. Ampota pumapatol sa minor.

"Ah ganun ba, edi 50/50 pala ang probability na mananalo siya bilang SK chairman."sagot ni tito andrew.

Oo nga noh,lalo na at halos lahat ng tao alam ugali niya.

"Nakalimutan mo yatang mayaman sila kuya,isang supalpal lang nga pera non wala na,panalo na."sabi ni tita at nagtawanan ang lahat.

Maraming um-agree sa sinabi niya,totoo naman kasi.

Hindi na ako nabigla sa sinabi niya. Totoo naman halos tuwing eleksyon ang dami naming pera, nakapag abroad pa kami. Di ko alam rason noon pero habang lumalaki ako at nagkakaisip nalaman ko na nagbibigay ng mga malalaking halagang pera ang mga sumasali sa elskyon sa amin.

Hahays,vote buying to the max.

Andaming topic,tungkol sa pagdonate nila sa Colegio De Revario High,school ni aminance. Hanggang sa ang topic napunta sakin.

"Anikaze balita ko malapit na graduation niyo anong rank mo sa honor students?" tanong agad ni tito general,habang buhat si azziane.

Tito general tawag ko kasi... General siya military. Medyo maldito tignan pero softie naman minsan.

"Hay nako bagong disappointment na naman."bulong ni tita lucille,yung pangalawang asawa na napaka toxic hays. Narinig namin sinabi niya at halos nagbago ang tensyon sa sala, sa masaya at magiliw na aura naging malamig at nakakatakot.

Napalunok ako,hindi naman ako kailangang matakot kasi valedictorian maman ako.

Wala namang problema sa academic lifestyle ko,ewan pero malaki lang talaga disgusto niya sakin.

Nakatingin parin ang lahat sa akin na hinihintay ang sagot ko. Syempre sumagot ako.

"Valedictorian po."agad naman sila nagpalakpakan. Ayoko pa naman sa atensyon.

"YAAAN."

Tumawa si tita erlina."Oh anong disappointment sinasabi mo lucille? Tanging disappointment lang ata sa pamilyang to ay nung pinakasalan ka ni insan." Hala gagi. Napaka pranka ata netong si tita.

"Wanting To Be Yours"Where stories live. Discover now