Chapter 20

2 0 0
                                    

Anikaze

Nakarating kami sa mall, at pumunta agad kami sa arcade.

Habang naglalakad kami bigla akong nakaramdam ng lamig. Nagdala nalang sana ako ng cardigan. Mukha namang napansin ito ni zeus.

"Here take my jacket." Sabi niya isinuot ito sa akin. Haystt kinikilig ako, sarap sa feeling magka bf ng pogi ay char bf ko na ba talaga to? Label where??

"Thank you hehe." Sabi ko nalang sa kanya, nag-usap pa kami ng kung ano ano hanggang sa makapasok kami sa nasabing arcade.

Siya na agad ang bumili ng card para makalaro na kami. Tinuro ko ang basketball dahil gusto ko ito ma try kahit wala akong talent o alam dito, try lang ako ng try maka shoot pero ayaw talaga.

"Pass na ako dito."

I saw him smirked and swiped the card again para siya naman ang maglaro sa basketball keneme.

Napanga nga nalang ako nang sunod sunod niya itong ishoot, smooth na smooth pagka shoot niya at umabot pa nga siya ng 56 points.

Nang matapos pinagpawisan niya natawa nang maraming ticket ang lumabas.

"Wow." Tanging nasabi ko sa kaniya.

"Sorry medyo sablay nahihiya ako sayo." Ani niya na parang biro. Hinampas ko balikat niya sa sinabi niya.

"NAHIYA KA PA SA LAGAY NA YON?" Nagtawanan nalang kaming dalawa at nagpatuloy sa pag laro sa arcade.

Nakaipon kami ng mga around 3,000 tickets dahil buong maghapon naman kami naglaro. Pumunta na kami kay ateng cashier para tignan ano mabibili namin sa 3,000 tickets.

Nagtingin tingin kami at isang bagay lang ang nakakuha ng atensyon ko. Ang isang stuff toy.

Hugis milk carton siya at pink

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Hugis milk carton siya at pink. It looks so cuteee i badly want to have it. I looked at how many tickets should we have inorder to have it and it was only 2,999 tickets omg! Saktong sakto!

"You seem to like that plushee, we'll get that." Bulong ni zeus sa tenga ko na hindi ko man lang siya napansin, nakakakiliti ang bulong niya sa tenga ko.

"Yes please! Ang cuteee niya huhu." Di ko maiwasan maging aggressive dahil sa ka cute-an nito.

"Easy there." Natawa si zeus.

We immediately bought it at may isang ticket pa ang natitira.

"Ano gagawin mo diyan?" Tanong ko sakanya. He just smiled and grabbed his phone from his pocket. Nilagay niya ang ticket sa likod ng cellphone niya at dahil clear phone case ito kitang kita ang ticket.

"Im gonna treasure this ticket and put it here so that every single day i will be reminded about our first date," he rubbed his chin and continued," well maybe hindi ito ang first date natin but today is extra special you know? I met your mom formally and your siblings."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Wanting To Be Yours"Where stories live. Discover now