Chapter 6 Her Decision

883 44 0
                                    

The Runaway Seniorita

Zenaya's p.o.v

No'ng umagang yun ay nagkulong lang ako sa kwarto at walang tigil sa pag iyak.Akala ko aatakihin ako ng ashma dahil hindi ako maka hinga.Buti nalng at naka pahinga yung lalamunan ko sa kakaiyak.Hindi sana ako kakain kaya lang hinatiran ako ni Nanay Roseng ng pagkain..

"Umalis na ang mga bisita niyo hija,pati ang mommy at daddy mo dahil may business meeting daw itong pupuntahan."sabi ni Nanay Roseng na nagpakalma saakin.

"Buti naman po."medyong paos kung sabi dito.Dahil sa pag iyak ko kanina pa,pati yung mata ko sobrang hapdi na buti nalng at tumigil na sa pag agos ang luha ko..

"Intindihin mo nalang ang mga magulang mo hija,para din naman sa kinabukasan mo iyan."pag aalo nito sakin ng makita ang sitwasyon ko..
Pero sa tuwing naiisip ko lahat ng iyon ay kusang tumutulo ang mga luha ko.I though naubos na lahat ng energy saka luha ko pero hindi ko kayang pigilan..Sariling pamilya ko yun eh..

"P-ero,nanay ayaw ko pa po talagang magpaka-sal.Ang gusto ko lang naman ay simpleng buhay,oras at p-agmamaha-l nina Mom and dad sakin.oo nasa akin ang lahat ng materyal na bagay na gusto ko.Pero wala na ba akong karapatan para sa sarili kong desisyon?Nay, y-ung ate-nsyon at p-agmamahal lang ang hinihingi ko."
Hindi ko kinaya at tuloy tuloy na ang pag iyak ko na parang walang katapusan.Oo yun lang ang tanging pangarap ko,pero hindi tlaga lahat ay makukuha ko dahil sa gusto ko lang.

"Naiintindihan kita,kung ano man ang iyong desisyon susuportahan kita ija."sabi nito at niyakap ako.Wala akong nagawa kundi ang umiyak sa bisig nito.Para akong bumalik sa pagkabata.Batang paslit na pinagalitan ng magulang.

Sa sobrang pagod ko ang naka tulog ako dito ng hindi inaasahan..

——————————

Nagising ako nang  kumalam ang sikmura ko.Gusto ko pang matulog pero hindi ako patatahimikin at patutulugin ng tiyan ko.

Wala akong choice kung hindi ang bumaba sa kusina upang maghanap ng makakain .Before that I checked my phone if what time it is..

It's 11:35 in the evening..

Bumuntong hininga muna ako bago bumaba upang kumain.
Dahan dahan akong naglakad sa hallway para walang makakita kahit sino.Kasi hindi pa ako ready mag explain at mag intindi sa oras na ito.Its still fresh from my heart and mind.

Nakababa ako ng tahimik,kaya nagmadali akong kumuha ng pagkain sa reft.Buti nalng at meron pang rice saka adobong manok,it's a heavy meal for me tonight.
I didn't turn on the light for the kitchen,so they won't see me here and para safe na hindi ako mahuli.

Nilagay ko muna ang adobong  manok sa oven upang painitin.Bago kumuha ng tubig at inilagay sa tray.

Habang naghihinatay nagkalkal pa ako sa pantry ng chips.
Dahil May balak akong umalis sa bahay na  ito. kailangan ko ng energy saka baon...

You heard it right!?
May balak akong umalis sa pamamahay na ito..

Bago pa man iyon ay kinuha ko na ang mga cookies saka soft drinks in can.Kumuha ako ng ecobag at nilagay dun..

Timing non ang pag tunog ng oven,hudyat na mainit na ito.Kaya dali dali kung kinuha ito kasabay ng mga pagkaing dadalhin ko sa kwarto.

Muka akong penguin sa lagay ko nato..
I'm holding a tray with my food on the left side of my hand,while the right side is the eco bag with the chips.

Dahan dahan akong naglakad papuntang kwarto.Nakahinga ako ng matiwasay ng makita ang pintuan ng kwarto ko.

Nang makapasok sa akong silid ay agad kung nilagay ang tray ng pagkain sa study table.Then I put the eco bag on the side of my chair and start eating.

Para akong isang taong hindi naka kain.Di niyo Naman ako masi sisi dahil isang buong araw akong walang kain kaya nagrereklamo nayung bulate ko sa tiyan.
Ninamnam ko muna ang pagkain bago mag impake ng dadalhin ko sa pag Alis.

Nang matapos akong kumain ay pinabayaan ko nalng ang pinag kainan.Saka ako kumuha ng maleta sa closet at mga dadalhin kung damit.

Simpleng mga damit lang Ito tulad ng—-

Jeans
Tshirts
flat shoes
Undergarments
Saka extrang formal dresses in case of emergency.

Pagka tapos non ay tiningnan ko ang laman ng pitaka ko.
Meron akong 5,000 cash and ATM's.
Dinala ko yung pitaka saka cash ko then yung card na galing kay grandma.Pero mag wiwithdraw lang then I'm gonna dump it.Iniwan ko din lahat ng cards na naka pangalan sa parents ko para hindi ito matract kung saan man ako mapadpad.

After that I change my clothes to a simple jeans and tshirt a rubber shoes and hoodie jacket.

Kumuha ako ng papel upang magsulat para sa kanila at bigyan ako ng panahon makapag isip.

Dear.Mom and Dad,

      I just want to say thankyou for everything that you've than to me.But this is my choice to leave,para makapag isip ng mabuti.All I wanted is a simple and peaceful life a happy family.Pero both of you are not considering me as a family a daughter,lahat ng atensyon niyo is for the sake of your company's.But it's okay .Just give me time and space.For now goodbye,please be safe and take care each other no matter what.I love you both mom and dad but for now,I need to leave for my own.

                             Truly yours:
                   Zenaya Carolina Suarez

Mabilis ko itong itinupi at nilagay sa study table para makita nila ito pag naka Alis na ako.

Bago lumabas ng kwarto ay pinagmasdan ko ito habang naluluha.Im gonna miss this,my home.

"Aayusin ko muna ang sarili ko bago bumalik.At maging karapat dapat bilang tagapagmana ng naka atas sakin.For now goodbye Zenaya Carolina Suarez,sa paglabas ko sa pamamahay na ito ay magiging si Carolina Suarez nalng ako."

Bigkas ko bago tinalikuran ang aking silid.At naglakad ng puno ng pag iingat.
Nakita ko na si Nanay Roseng naka abang sa gate kaya tumakbo ako dito At niyakap ng mahigpit.

"Ana-k,pagpalain ka ng diyos sa iyong Tatahakin.Naway makarating ka ng ligtas lagi mong isipin na susuportahan kita.Mag iingat ka lagi,hija."sabi nito habang kinakalas ang yakap ko at pinunasan ang aking mga luha.

"Y-es nanay,Thankyou din po sa lahat.Pero asahan niyong babalik ako.Babalik ako bilang ako At walang tatakasan pa.Go-odbye magkikita tayong muli."Lumuluha kung saad dito at mabilis na tinalikuran upang maka alis.

Tinatawag nito ang pangalan ko ngunit ayaw ko ng balikan pa ito ng tingin.Sa oras na lumingon ako ay hindi ko na kaya pang lumisan.Mabilis akong sumakay sa naka abang na taxi At doon ko binuhos lahat ng luha ko.

Bago pa mawala sa paningin ko ang mansyon ay kusa ko itong pinagmasdan hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Pinunasan ko ang luha ko saka humugot ng pagkalakas lakas ng buntong hininga.kaya ko to!


(Grammatical errors and etc. Please understand hindi ako proffesional writer baguhan lang  po, sana maintindihan.)

The Runaway Seniorita (COMPLETED✅✅✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon