Chapter 19

857 41 0
                                    

Authors note: Since nasa chapter 19 na tayo.Hindi ko na lalagyan ng title per chapter.Yung ilalagay ko nalng ay Chapters nalng para thrill naman.
I would like to say thankyou sa naka abot sa part nato😊I didn't expect na makaka abot ako sa ganitong chapter...
Sana suportahan niyo parin ang story ko kahit baguhan lang guys.

Enjoy my update..
——————
The RunAway Seniorita

Carolina's p.o.v

Hindi naman kami umuwi ng luhaan kasi na uwi namin yung ibang prizes ng pageant.Sabi pa nga ni Celine nakaka trauma daw yung nangyari sakin.
But for me.Wala akong nararamdaman na ganon kasi nananaig yung pagka awa ko Don sa tao.

Nasaktan lang naman yung tao eh.Hindi niya alam yung ginagawa niya dahil sa epekto ng alak.
Ganon ba talaga kasakit ang heart break!?Since hindi ko pa naman na experience ang ganong bagay,kelangan ko lang maging matured para if ever  I Incountered such happening maging handa ako or what.

Hayysss bakit ko ba iniisip yun?Hindi pa nga ako naiinlove kelangan ko nang mag move on.
Ano yun!?
Nagmahal
Nasaktan
Nagpaka adik!?
Charrr!Nagpaganda pala yun,kala ko nagpaka adik sa alak.

Totoo naman.Halos lahat ng sawi sa pag ibig sa alak kumakapit.
Tulad ng nababasa ko sa pocket books ni Celine.Halos nag checheat yung Guy or naka buntis ng iba habang sila pa no'ng gf.Tapos yung nasaktan naman na girl is nagpaka lasing.Nong nalasing merong naka one night stand.
Then charannn!!ito na pala yung magiging prince charming niya.

Pero wala paring forever.
Okay.Ang layo na nang narating,wala nang sense yung sinasabi ko.

Back to reality tayo.
Asan na nga ba tayo!?

Hmmmm okay nandon na tayo sa pagka uwi namin ng maaga dahil sa nangyari sa pageant.

Syempre nagtaka sila nanay at tatay kung bakit ang aga daw naming umuwi.Hindi naman namin sinabi ang totoong nangyari. Si Celine na mismo ang nag sabi ng "nay,alam mo kasi sa sobrang ganda ni Carolina nag uwian nayung kalaban niya kaya naka uwi kami ng maaga.Tapos wala ng natira na kalaban niya kaya siya yung nanalo.Diba ang ganda ng kapatid ko!Anong masasabi mo nay!?"
Ewan ko ba at bakit ako pumayag na siya ang magsalita tungkol dito.Oo nga at naka lusot kami pero yung reason niya talaga at yung bunganga niya hindi mapipigilan kahit kelan.

As expected,sobrang saya ni nanay at tatay.Bukas daw maghahanda kami ng simpleng handaan.

Kaya ako nag ke kwento dahil ngayong araw na ito maghahanda sila nanay.
Maaga pa naman alas 5 ng madaling araw.Dapat alas 4 ako nagigising dahil naka sanayan na.Pero napagod ata ako sa happenings kagabi kaya na over sleep si ako.

Wala narin si Celine sa tabi ko kaya lalabas narin naman ako.Oo nga pala need kong magpasalamat kay Cydrick mamaya,nawala kasi ito na parang bula eh.

Sinuot ko lang yung jacket ko saka tsenilas.Ang lamig pa naman pag ganitong oras parang nasa loob ka ng ref.
Lumabas ako saka ko lang nakita na nagkakape na sila kaya lumapit na ako.

"G-goodmorning."paunang saad ko dito kaya naagaw nito ang atensyon nila.

"Magandang umaga din sayo ija,magkape ka muna at ng mainitan yang pakiramdam mo ang lamig lamig pa naman ng umaga ngayon."wika ni nanay sabay tayo at kumuha ng panibagong tasa para sakin.
Nagpasalamat naman ako dito at nag timpla ng milo.Oo milo talaga dahil napapaitan ako sa kape eh.Masyadong matapang.

"Goodmorning din Carolina,kamusta tulog mo!?ayos lang ba?"malakas na saad ni Celine sakin si tatay naman ay ngumiti lang sakin at inalok ako ng pandesal.
Ke aga aga ang hyper na naman ng bunganga ni Celine.Walang pinipiling oras eh.

"Nako,yang bunganga mo talaga Celine.Magdahan dahan ka sa pananalita mo.Alam mo namang maaga pa kaya marami pang natutulog na kapitbahay ang ingay mo rin talagang bata ka."sermon ni nanay sakanya kaya ngumisi nalng din ako dahil ngumuso nanaman ito.

Pagkatapos naming magkape ay kumain nalang din kami ng umagahan.Naka luto na kasi sila kanina pa.Simple lang naman umagahan namin eh.
Kanin
Pritong itlog
Pritong tuyo
At panghimagas na pritong saging

Busog na busog kana sa umagahan na ito eh.Natapos kaming kumain na puno ng asaran at kwentuhan.

Nagpasya akong magwalis nalng muna sa labas kesa naman umupo nalng ako magdamag.Nakakatamad masyado kung naka upo ka nalng lagi.

"Celine,ako na ang magwawalis sa labas huh."pag tawag ko dito dahil nagliligpit na siya ng pinag kainan.Samantalang sila nanay At tatay naman ay umalis din agad para hindi masyadong mainit at matapos agad pagsapit ng tanghali.

"Sige Sige,ako nalng bahala dito.Ako nalang din ang maghuhugas ng pinagkainan saka ako maglilinis dito sa loob."saad nito saka Ngumiti sakin.
Dahil sa sinabi nito At tumalima naman ako agad sa labas.

Nag umpisa ako sa harapan dahil baka May bisita tapos makalat ang bakuran.Hindi naman as in na makalat na puro plastik.Yung makalat lang naman talaga ay mga dahon ng puno.
Hindi din naman siya masakit sa mata dahil magaan sa loob ang kulay nito brown saka green.

Malapit na akong matapos sa harapan kaya marami akong nakitang dumadaan na magsasaka.Yung get up nila na parang ninja.Basta yun yung naiisip ko habang pinagmamasdan sila.
May mga kaedad ko lang din naman ang kumakaway sakin.Syempre dahil dalagang Filipina ako ngumiti din ako dito saka bumati.

"Magandang umaga."masigla kung bati dito pero nagtataka ko itong tiningnan ng pumula ang mga pisngi nito.Nako,mukang may nagkaka gusto pa sakin dito.hindi naman sa pagiging assumera pero ito talaga yung totoo.

"M-magandang umaga din a-ate."nahihiyang saad no'ng nasa gitna sabay tulak no'ng katabi niya.

Gusto kung tumawa sa mga reaksyon nila na parang mga Elementary students na nakita ang crush nila.

Nagpaalam naman ako dito dahil mukang walang balak itong umalis sa harapan niya at naka tulala lang.
Hindi pa man sila nakakapag salita ay mabilis na akong tumalikod.Nako ang babata pa nila sa mga ganyang karanasan.Kung crush lang naman why not diba.Pero kung ligawan na ayyy nako,don't me!

Mabilis akong lumakad papunta sa likuran ng bahay at nag umpisa nang walisin ang mga dahon dito.
Medyo mabigat na ang dahon dito dahil malalaki na pero keri pa naman siya.
Nagwawalis lang ako nang nagwawalis hanggang may narinig akong boses sa bakuran.ano yun!?Baka may bisita sila.Lalapit na sana ako pero narinig ko nang nagsalita si Celine kaya pinagpatuloy ko nalng ang pagwawalis.Hindi naman siguro ako kelangan pa Don.

Nagwalis ulit ako nang biglang umihip ang malakas na hangin.Ang sarap sana sa pakiramdam pero pag tingin ko sa winawalisan ko.Ayun kalat everywhere na.Tsk.

"May naghahanap sayo Carolina.Bilisan mo mukang importante pa naman yun."Napa angat ang tingin ko kay Celine nang magsalita ito sa likod ko.

Ehh,sino kaya ang maghahanap sa kanya!?mygosh!
Could it be possible kung parents niya nayun!?
Parang ayaw kung harapin kung sino man yun.

Susunod.....

The Runaway Seniorita (COMPLETED✅✅✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon