Chapter 9 New Home

920 44 0
                                    

The RunAway Seniorita

Carolina's p.o.v

Nandito kami sa harap ng bahay ni Celine.
Isang maliit at malinis na tahanan ang mayroon sila.Meron ding maaliwalas na harden sa unahan at munting bakuran dahil hanggang bewang lamang ito.

"S-igurado ka bang papayagan akong mag stay dito?"Kanina pa kasi ako hindi mapakali.Baka hindi pumayag yung mga magulang niya At mahihirapan akong maghanap ng ibang matutuluyan pansamantala.

"Ano kaba,Syempre papayag yun sila.Saka mababait naman mga magulang ko kaya chill kalang okay?"
Pangungumbinsi nito sakin.
Kumibot lang ang labi ko saka sumang ayon dito.

Pumasok kami sa munting bakuran nila at dumiretso sa kahoy na pintuan.
Hinawakan niya na ang siradura kaya umalma ako.Hindi ba pwedeng kumatok muna?

Pero huli na ng binuksan niya ito ng tuluyan at sumigaw!
Oo sumigaw tlaga siya.

"NAY,TAY NANDITO NA ANG ANAK NIYONG DYOSA!"Iyon ang bungad na harap ng magulang nito.
Nanay niya siguro yung naka duster na may hawak na walis habang nakayapak.

"A-anak naman,aatakihin ako sa puso dahil sa bunganga mo."bagama't nagulat ay Mahinhin itong nagsalita habang naka hawak sa dibdib nito.Sobrang nagulat siguro tlaga sa pagsulpot namin.

Tumawa lamang si Celine na parang sanay na sa linyahan ng nanay niya.

"Aba,sino itong kasama mo Celine.Ka'y gandang bata ba ine."
Doon lang ako nahiya sa inasal ko.Hindi man lang ako bumati ng Magandang Araw dito.

"M-magandang araw po,Ako nga p-pala Zena—-este!C-carolina kaibigan ni Celine po."malapit ko ng masabi ang pangalan kong Zenaya Buti nalng At naagapan ko..
Yumuko na lamang ako habang nagsasalita.
Sabi kasi nila nasa mata makikita ang katotohanan kung nagsasabi ba ito ng totoo o nagsisinungaling.

Humalakhak lang naman ito dahil sa inasal ko.
Nakakahiya!

"Naku,hija.Wag ka masyadong yuyuko At magiging kuba ka niyan."
Sabi nito kaya napatayo ako agad, dahil masyado akong kinakabahan sa lagay ko na ito.

"Wag kang maniwala kay nanay,binibiro ka lang niya."sulpot ni Celine sa tabi ko.
"Oo nga pala.Nay,dito muna tutuloy pansamantala si Carol dahil Wala siyang kakilala dito."pagpapatuloy ni Celine sa sinasabi.

Kinabahan naman ako bigla dahil ang mapagbiro nitong muka ay napalitan ng seryusong tingin saakin At sa anak nito.
Ilang minutong tumahimik ang pagitan namin.
Tumikhim ako bigla ng May bumara sa lalamunan ko.
Kaya naagaw nito ang atensyon ng nanay ni Celine.

Ngumiti ito saakin kaya nabawasan ang pangamba ko dito.

"Pwede naman.Pero,dalawa lamang ang kwarto namin dito.Isa saaming mag asawa at isa kay Celine,Maari ba na iisa lamang na kwarto kayo ng kaibigan mo?"Mahaba nitong wika nito.Pero ang tanging narinig ko lang kundi ang salitang "pwede"kaya tuwang tuwa akong yumakap dito.

"Thankyou Thankyou so much po.You don't have to worry po,I can help with house choirs if you want!"masaya kung saad dito habang niyayakap ko parin ito ng mahigpit.Tumawa lamang ito At niyakap din ako.

Masaya akong kumalas dito at tumingin kay Celine na naka taas ang isang kilay.

"Naku,Carolina.Wag kang mag ee-English dito At dudugo ang mga ilong namin dahil siyan sa Yu dont hab to wori."Tumawa lamang ako sa kakyutan nitong nagsasalita ng English.

"O siya,Kumain muna kayo At magpahinga.Hahatiran ko pa ng pananghalian ang tatay Rene ninyo."sabi nito habang ginagaya ako sa munting kusina nila.

"A-no pong trabaho ng asawa niyo po nanay——-."hindi ko na natuloy ang sasabihin ng maalala kung hindi ko pala natanong ang pangalan ng nanay ni Celine.

Ngumiti ito bago nagsalita.
"Nanay Alma,hija.at Isang magsasaka ang asawa diyan sa kabilang baryo."bago pa ako maka sagot ay umiksena na si Celine.

"Ipapasyal kita mamaya pagkatapos nating magpahinga.Kay kumain na tayo At May energy tayong gumala."sabi nito At kumindat pa saakin.Ngumiti ako dito At sinabayan na siyang kumain pa.
Habang si Nanay Alma naman ay naghahanda na ng pagkain ng asawa.

Pagkatapos naming kumain ay magpahinga kami ng sabay ni Celine.
Umupo ito sa kama niya habang May kinuha sa drawer na isang libro.

"Matulog ka muna Carol,Magbabasa lang ako ng wattpad book.Fil At hom hehe."masaya niyang sabi dahil nakapag english ito sa huling sinabi.

"Feel at home yun Celine,tsaka meron ka pa bang ibang libro diyan na maaari kung mahiram."
Ngumuso lang ito At muling yumuko upang kumuha ng panibagong libro.

"Ito naman kunting english lang naman yun eh.Akala ko tama na.Ito nga pala oh!(sabay abot ng isang libro)maganda yang story nayan 'Fight for our love' natapos ko na yan."sabi nito saakin habang inaabot ko ang librong hiniram.

Ngumiti naman ako dito At binasa ang likod nito.
It's all about love ang sacrifices in her life.Yung babae ay mayaman samantala yung lalaki naman ay mahirap lamang.
She feel inlove to the guy but her parents won't let her choose on her own.
Because of fix marriage.
She choose to ran away from her family and to hide from her reality.
Ang tumatak saakin ang linya niyang-
BEING THE ONLY HEIRESS IS NOT EASY.
You don't have the right to say no.

Just like my situation right now.Umpisa palang ng kwento ay parang ako ang bida nito.Nagpakawala ako isang malakas na buntong hininga.Bago napagdesisyonan na isara ito At basahin nalng sa ibang araw.

Umupo ako sa isang silya dito sa kwarto ni Celine At tiningnan siyang nakahiga na dahil sa pagbabasa ng isang libro.

"Bakit nga pala Carol tawag mo sakin kanina?"Usal ko dito ng hindi nakayanan ang katahimikan.

"Ang haba kasi ng Carolina At mahirap bigkasin.Carol nalng binawasan ko ng ina o gusto mo ng Lina nalng?"sagot nito habang nagtatanong.
On the second thought maganda naman siya.At tama nga siya masyado itong mataas bigkasin.

"I prefer Lina nalng siguro.Tyaka nasa probinsiya naman tayo."sabi ko dito habang pinagmamasdan siyang nagbabasa parin.Nagsasalita ito habang hindi inaalis ang tingin sa binabasa.

"Mas maganda nga yun.Ikaw si Lina at ako naman si Leny hihi yun kasi tawag nila saakin noon pa eh."
Masaya nitong saad habang sinasara ang librong binabasa.
"O siya,matulog muna tayo At inaantok na ako.At para May energy tayong gumala mainit pa naman ngayong tanghali."sabi niya habang inaayos ang hihigaan namin.

Dahil inaantok narin ako ay tinulungan ko siyang ayusin ang hihigaan namin.

Pagkatapos ay binagsak niya ang sarili sa kama At humilik agad.

Humagikhik akong tumabi dito dahil naka tulog na ito agad sa sobrang pagod.Humiga ako ng maayos At pumikit narin.

The Runaway Seniorita (COMPLETED✅✅✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon