Promised You To The Moon - Chapter 5
written by: four4ce
"Kain muna tayo o rides muna?" pag-tatanong niya pagkatapos isara ang sasakyan. Namangha ako sa nag-tataasang mga rides, may ferris wheel, carousel, 'yung malaking swing na mataas, at 'yung malaking stick na itataas ka at bigla ka na lang ihuhulog. After an hour and a few minutes of Juan's driving, nakarating na kami. Nandito na kami ngayon sa amusement park. Sa may Enchanted Kingdom to be exact.
Iniwan ko na ang blazer ko sa kotse niya dahil alam kong maraming tao, sobrang init kung gano'n dahil nasa 3 PM palang ngayon. We were still wearing our uniforms, pero komportable naman 'yon kaya ayos lang.
"Rides first!" sagot ko habang nilalagyan kami nung parang bracelet na gawa sa papel bilang patunay na nag-bayad kami.
Habang naglalakad, tumanaw ako sa iba't-ibang klase ng tao na nasa paligid ko. May mga magkakaibigan na nag-tatawanan, may mga mag-jowa, meron ring pamilya. I was envious 'cause I only had friends, but not family. Tapos bilang na bilang pa ang kaibigan ko.
Napatingin ako nang ilapit ako ni Juan sa kan'ya habang marahang hawak ang bewang ko, "You have me, Elara."
Huh? Anong ibig sabihin niya dun? Did he just read my mind?
Napa-tawa siya at nagsalita nanaman, "Ang dali-dali mo kasing basahin. I don't know if it's just me, pero titigan ko lang mukha mo, alam ko na kung anong gusto mong sabihin."
"Hay nako." 'Yon na lang ang tanging naisagot ko. It was weird having his arms around me. Don't get me wrong, hindi lang ako sanay, pero ang sarap sa pakiramdam.
"Gusto ko sa may carousel!" sabi ko at tinuro pa 'yon. Humiwalay ako sa kan'ya at naunang tumakbo papunta doon na parang bata. "Juan, gusto ko dito!" 'Yon ang unang gusto kong sakyan. Mamaya na 'yung ferris wheel bago kami umuwi para ramdam 'yung vibes.
Patawa-tawa pa siya habang nakatanaw sa'kin. Noong umuwi siya papunta dito na parang walang nangyari, I was always irritated seeing him smile. It made me feel like he didn't care about leaving me alone. Pero ngayong ayos na kami ulit, kahit ngitian niya lang ako buong araw at wala kaming ginagawa, ayos na ako. Ayos na ayos na ako.
"Ano pang gusto ng prinsesa ko?" pag-bibiro niya na para bang babaeng anak niya ang kausap niya. But to me, it was something else. Nag-init ang mga pisnge ko dahil iba ang naisip ko sa biro niyang iyon. It felt like I was his girl.
"Huwag ka nga! Kaltukan kita, Juan! Samahan mo na kasi ako doon!" I hated it that I flinched. Mas'yado ba akong nagpapahalata?
Kilalang-kilala niya ako at alam niya agad ang takbo ng isip ko. Natatakot akong dahil sa pagiging attentive niya, pati ang nararamdaman ko para sa kan'ya... ay mapansin niya na rin.
Nauna na akong pumila dahil tawa siya ng tawa sa itsura ko. Mukha akong desperadong bata na adik makasakay ng carousel, e.
Nang ako na ang kasunod, hinatak ko na si Juan kahit mukhang ayaw niya dahil napapa-kamot na lang siya sa ulo niya. May babaeng lumapit sa'kin na nag-gguide, at 'di ko in-expect ang sinabi niya.
"Swerte niyo naman po, Ma'am. Hindi lahat ng boyfriend sasamahan ka sa mga ganitong ride. Kung iba 'yan, baka itinanggi ka na niyan sa harap ng maraming tao." Naka-ngiti pa siya at med'yo tumatawa-tawa kaya hiya na lang akong ngumiti.
Nang makasakay ako, nakita ko si Juan at lumapit lang siya sa'kin upang tumayo sa tabi ko. "Hindi ka sasakay ng kabayo?" I frowned. Akala ko pa naman sasabay siya sa trip ko!
"Hindi na kailangan. Sumama lang naman ako kasi alam kong gusto mo 'to." He wasn't humiliated being with me there. Nakatayo lang siya doon sa tabi ko at nakahawak sa parang stick sa kabayo ko. He was smiling at para bang boyfriend na binabantayan ang girlfriend niyang isip-bata.
BINABASA MO ANG
Promised You To The Moon (PUBLISHED UNDER CLP)
Romance[ RADIO DRAMA ADAPTATION IN KUMU ] Promises are never for certain. Katulad nga ng kasabihan, don't make promises you can't keep. Because in the end, promises are just words. Natasha Elara Andrada, the girl who's fond of being by herself because she...