Chapter 8.3

70 9 0
                                    


"Baby. Make a wish, then blow the candle." Pag-tawag sa'kin ni Juan habang hawak-hawak ang cake. Nakatingin na silang lahat sa'kin ngayon. Sina Tito, Juan, Angel, Dyn, at Jake. Pero nakatulala lang ako sa kawalan.


Sana... Sana hindi siya mawala sa'kin.


I pray that he'll stay with me no matter what.


I blew the candle with tears trying to flow from my eyes pero pinipigilan ko lang. Ayaw ko namang nag-effort na nga sila, iiyak pa ako.


"Juan! Isayaw mo naman si Elara! 18th birthday, oh! First and last dance na agad!" Hirit ni Dyn. Napa-tingin ako kay Juan nang maglabas siya ng isang tangkay ng rosas sa may likurang bulsa niya at ibinigay sa'kin.


He held my waist and he even placed my hands in his shoulder. We were dancing at a slow pace, sumasabay ako sa paggalaw niya habang may slow romantic music na tumutugtog even if my mind were somewhere else, nag-iingayan pa sila habang pinapanood kami.


Nagsimula na silang kumain pero si Juan nasa harap ko at mukhang nag-aalala habang isinasayaw ako. He placed his hands on my shoulders to stop dancing while examining my face, "Elara? Are you okay?"


"Ikaw. Ikaw ang hindi okay," I whispered into the air trying to stop him from hearing it. Pero sa itsura ng mukha niya ngayon, alam kong narinig niya. Umiwas ako ng tingin at tumalikod para maglakad papalayo.


'Di ko namalayang dinala na ako ng mga paa ko papalabas ng bahay nila. I was in the middle of the road, at tumulo na ang mga luha kong kanina pa nagbabadya.


Biglang bumuhos ang ulan habang nakatayo lang ako na parang tanga sa gitna ng kalsada. Para bang sinasabayan ako ng kalangitan sa pag-iyak ko. Napatakip ako sa mukha ko, I hated the feeling. I've always hated crying because of him dahil alam kong dapat iniintindi ko siya ngayon. Pero nilalamon ako ng takot.


Hirap na akong huminga nang may yumakap sa likuran ko, "I-I'm sorry..." With the tone of Juan's voice, mukhang alam na niyang alam ko na ang lahat. Here he is saying sorry again kahit wala naman siyang kasalanan. Kahit kasalanan ko naman dahil hindi ko s'ya magawang intindihin.


"S-Sorry kung 'di ko sinabi..." His voice broke. Alam kong umiiyak na rin siya ngayon.


"I-Iiwan mo nanaman ako! Iiwan mo lang rin ako!" Kumawala ako sa pag-kakayakap niya pero hinila niya ang braso ko at hinalikan ang mga labi ko.


Tumutulo lang ang luha ko kasabay ng pagbuhos ng ulan kahit pa hawak niya ang mga pisnge ko para pakalmahin ako pagkatapos niya akong halikan.


"Hindi kita iiwan, Elara. Please? Huwag ka nang umiyak."


"M-Maiiwan nanaman akong mag-isa... Nagkandaletse-letse na ako at ang buhay ko dahil lang sa nawala ka noon! Tapos ngayon? Iiwan mo nanaman ako? A-Ayoko nang maiwan..." Napaupo na lang ako sa gitna ng kalsada habang yakap-yakap ang mga binti ko dahil pareho kaming basang-basa na sa ulan, and he was standing there, hindi alam ang gagawin dahil sa pag-aalala niya. I was so scared. I'm so selfish na mas inuuna ko pa ang sarili kong kinakatakutan kaysa alagaan at intindihin siya. 


But I was so scared... Takot na takot akong maiwan ulit. Natatakot nanaman akong mapag-iwanan ulit.


Inalalayan niya akong tumayo. Niyakap niya ako ng mahigit na para bang ayaw na niya akong pakawalan. He was patting my back to stop me from crying dahil hirap na akong huminga lalo.


Pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya habang naka-tingin sa mga mata ko.


Nanlaki ang mga mata ko nang lumuhod siya sa harapan ko at naglabas pa siya ng maliit na box na kulay pula sa bulsa niya at unti-unting binuksan 'yon habang nakaharap sa'kin.


Sa gitna ng pagbuhos ng ulan at pati na rin ang pagbuhos ng luha ko, napalitan iyon ng kaunting pag-asa. He was promising again, and here I am, starting to trust him again.


"Please believe me. Ito regalo ko sa'yo ngayong birthday mo, para naman mapatunayan kong hindi na kita iiwan. Will you marry me, Elara?"

Promised You To The Moon (PUBLISHED UNDER CLP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon