Ambilis ng tibok nang puso ko habang nakatingin sa kan'ya. Pati siya ay napatingin na rin sa'kin. "What's the problem, Elara?"
"W-What kind of scheme is this?" Nag-salubong ang mga kilay niya kaya kinuha niya mula sa'kin ang papel na binigay niya at binasa. Napangiti naman siya.
"I think Ms. Borromeo outsmarted us. 'Yan ang sagot sa equation. It wasn't one of my schemes," kalmadong sagot niya habang nakangiti.
Pumasok na si Miss sa office kaya napatingin kami sa kan'ya, "Done answering?" Hindi pa'ko tapos sa sinosolve ko kaya walang choice, 'yung kay Juan ang ipapasa namin.
"Opo." Inabot ni Juan ang solving sheet niya kay Ms. Borromeo. Napa-ngiti naman siya sa'min. "That's it! Correct. Alam niyo na bakit kailangan ng teamwork? Just work together. Ayan oh, nakuha niyo ang tamang sagot. Tsaka, I love you daw sabi ni Mr. Alcantara, Ms. Andrada." Napa-tingin ako ulit kay Miss nang dahil sa pag-bibiro niya, napailing naman si Juan. Pero hindi niya itinanggi.
"Continue doing your best. Oh, paano na? Tapos na session natin ngayon, ito 'yung pera na bigay ni Dean. Go enjoy yourselves. We still have 10 days to prepare." May inilapag na sobre si Miss sa lamesa at nag-paalam na. Kinuha ko naman ang backpack ko tapos lumabas. Si Juan ang nag-patay ng aircon at mga ilaw sa office, siya rin ang kumuha nung pera na nasa sobre at kumunot ang noo ko nang akbayan niya ako.
"Bawal magreklamo, Ms. Sungit. Pumayag ka nang bumalik tayo sa dati." Napa-buga na lang ako nang hangin. Nagkunwari na ayaw ko kahit masaya akong ginagan'yan niya na ako tulad ng dati.
"Saan punta natin?" Pag-tatanong niya pero wala rin akong maisip na lugar. Sabi niya laman daw no'ng sobra ay dalawang libo. Malaking halaga na 'yun pero wala naman akong lugar na gustong puntahan.
"Noong mga bata pa tayo, sabi mo gusto mo mag-ferris wheel. Ano, tara? Punta tayo ng amusement park," suhestiyon niya. He still remembers everything so clearly.
I felt valid. It feels good to be remembered.
"Bakit naalala mo pa lahat?" pag-tatanong ko.
He gave me a slight smile on the side of his lips habang nakapatong ang isang strap ng bag niya sa may isang balikat niya at nakakapit siya doon. "You're important to me, Elara. Bakit ko kakalimutan?"
BINABASA MO ANG
Promised You To The Moon (PUBLISHED UNDER CLP)
Romance[ RADIO DRAMA ADAPTATION IN KUMU ] Promises are never for certain. Katulad nga ng kasabihan, don't make promises you can't keep. Because in the end, promises are just words. Natasha Elara Andrada, the girl who's fond of being by herself because she...