And we were 13 years old, when he left me alone.
"K-Kailangan mo ba talagang umalis, Juan? Bakit 'di mo sinabing aalis kayo papuntang America? Palagi tayong magkasama pero tsaka mo lang sinabi ngayong papunta na kayo sa airport." Yakap-yakap ko siya ngayon habang tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. Nasa harap kami ng mansyon namin at nakapang-alis na siya. Hinihintay na lang siya ng kotse nila kung nasaan ang mommy at daddy niya papuntang airport. Dumaan lang talaga sila dito para mag-paalam sa'kin.
"Sorry... I just didn't want you to be sad beforehand. Kailangan kong umalis, Elara. Doon na ako mag-aaral. Isang taon lang naman. Hihintayin mo naman ako, 'di ba?" Humiwalay siya sa pag-kakayakap ko at yumuko para magkapantay kami dahil pinupunasan niya 'yung luha ko gamit ang hinlalaki niya.
"N-Nasanay na akong nandiyan ka, maiiwan nanaman akong mag-isa. Can't you just stay with me? Sabi mo hindi mo ako iiwan." Hatak-hatak ko na ngayon ang dulo ng T-shirt niya. Hindi na ako makahinga dahil sa pag-iyak ko.
"Babalik ako, Elara. Pangako." Nangangako nanaman siya. 'Di niya tinupad ang pangako niyang 'di niya ako iiwan, pero I still trusted him. Kahit pa siya lang ang kinakapitan at nagiging kasiyahan ko... Pinakawalan ko siya.
Niyakap ako ni Yaya Elaine habang tinatanaw kong maglakad papalayo sa'kin si Juan. Without knowing, na ang paglayo niyang iyon sa'kin ay ang paglisan na rin niya mula sa buhay ko.
I waited a year, pero walang Juan na dumating. Nagkaroon ako ng sama ng loob dahil lahat ng pangako niya ay napako lang. Katulad lang siya ng iba na papasok sa buhay mo at iiwan ka lang ring muli mag-isa pagkatapos kang sanayin.
I waited for years for my first love and my bestfriend, pero lumipas ang apat na taon at dumating siya muli, na para bang walang nangyari.
Naiwan nanaman akong mag-isa.
He became a stranger to me again.
BINABASA MO ANG
Promised You To The Moon (PUBLISHED UNDER CLP)
Romance[ RADIO DRAMA ADAPTATION IN KUMU ] Promises are never for certain. Katulad nga ng kasabihan, don't make promises you can't keep. Because in the end, promises are just words. Natasha Elara Andrada, the girl who's fond of being by herself because she...