Promised You To The Moon - Chapter 10
written by: four4ce
Theme song for this chapter: Before It Sinks In by Moira Dela Torre (Attached in this chapter is the Youtube URL of the song.)
We were 18 years old, when he found another home.
Mabilis lumipas ang mga araw na naglalagi kami ni Juan sa ospital. It was breaking me every time I saw things connected to his body para lang mabuhay siya. Hindi ko sigurado kung gumagaling ba talaga siya, o lalo lang lumalala ang sakit niya. There was no surgery present for his situation. Dahil sa sobrang hina na ng puso niya, baka lalo lang siyang mamatay kung ooperahan pa.
In-inform na kami ng doktor sa lahat ng p'wedeng posibleng mangyari. He might survive miraculously, or... Or we'll see a flat line on the monitor beside his hospital bed.
Kailanman ayaw kong ipakita kay Juan na napanghihinaan na ako ng loob. Na natatakot na ako sa kung ano ang mangyayari sa kan'ya. Alam kong ako na lang ang kinakapitan niya. Kung pati ang mga tao sa paligid niya ay mawawalan ng pag-asa, paano naman siya? Edi lalo siyang naubusan ng kasiyahan sa katawan. Edi mismong siya ay nawalan ng pag-asa sa sarili niya na gagaling rin siya.
Sa bawat paglipas ng araw, I could see how Juan slowly loses his energy and might. Lalo lang s'yang nang-hihina. Ang sigla-sigla niya tuwing nasa ospital ako para alagaan siya. Sabi ng mga nurse at mga doktor, tsaka lang daw siya tumatawa, nagbibiro, at nagsasalita tuwing nandoon ako galing sa University at nagkukunwari pang hindi nahihirapan. Sa tuwing wala ako, hindi raw gumagalaw si Juan at palagi lang naka-titig sa kawalan. Pinipilit niya lang magkunwari na hindi nahihirapan para 'di ako mag-alala at matakot. But I know, he was slowly giving up.
Ayaw niyang masaktan ako. Ayaw na ayaw niyang nasasaktan ako. Siya na 'tong naghihirap pero ako pa rin ang iniisip niya lagi.
Kitang-kita ko kung paano siya mag-dusa. Sa bawat pagtarak ng kung anong mga makinarya sa katawan niya, alam kong may pag-luha sa mga mata niya. Araw-araw akong nagdadasal na sana... Sana ako na lang. Sana ako na lang ang may sakit, at hindi siya. Sana hindi na lang siya ang nahihirapan. Sana hindi na lang siya nagdudusa ng ganito. Sana ako na lang.
His Dad has given up on him. It was not in a bad way. Pero gusto niyang magpahinga na si Juan kung napapagod na siya. Kita ko kung paano umiyak lagi si Tito. Hindi niya pinapakita kay Juan 'yon, pero alam ko. Nawalan na nga siya ng asawa, at kung mawawala pa si Juan, maiiwan na lang siyang mag-isa sa buhay kaya imposibleng hindi siya masaktan. Ayaw na niyang nagdudusa si Juan. Kahit pa mawala si Juan, ganoon lang rin naman daw ang sakit kung mananatili siya sa mundong ito pero naghihirap naman siya. He wanted the only best option for the situation of his son.
Madalas siyang sumuka. Madalas naninikip ang dibdib niya. Palagi akong pinapatay sa tuwing nakikita ko siyang nagkakaganun. He was different from the Juan who's always flashing an assuring smile infront of me. He was different from the Juan who said he'll never leave. Araw-araw akong nadudurog. Minsan na nga lang akong magmahal, ipinagkakait pa ng tadhana sa'kin. I was angered by the world.
Kakatok na sana ako sa kwarto ni Juan sa ospital nang marinig ko sila ng papa niya na nag-uusap.
BINABASA MO ANG
Promised You To The Moon (PUBLISHED UNDER CLP)
Romance[ RADIO DRAMA ADAPTATION IN KUMU ] Promises are never for certain. Katulad nga ng kasabihan, don't make promises you can't keep. Because in the end, promises are just words. Natasha Elara Andrada, the girl who's fond of being by herself because she...