Promised You To The Moon - Chapter 3
written by: four4ce
"Ayan! Siya 'yung gusto kong i-reto sa'yo!" Nasapo ko na lang ang ulo ko nang pakitaan ako ni Angel ng picture ni Juan na naka-topless at nasa beach. Nandito kami sa kwarto ko at nakahiga sa bed ko. Nakauwi na siya galing sa probinsya nila at sobrang excited na daw siyang pumasok bukas para maka-eyeball ang jowa niya. Ang tinutukoy niya palang boyfriend niya ay 'yung isa sa mga kaibigan ni Juan, Dyn pala ang pangalan no'n. Pinakitaan niya rin kasi ako kanina ng picture no'ng isang kaibigan ni Juan na si Jake, pero 'di ko 'yon gusto. Sabi niya inuna daw niyang ipakita ang picture ni Jake dahil mas sikat si Juan, at baka wala daw akong pag-asa kay Juan. 'Di niya alam na 'yon pa nga ang nangungulit sa'kin. Tsk.
"I'm not interested in doing reto, Angel. Studies first. At isa pa, ayoko sa naging bestfriend ko na mang-iiwan," sabi ko habang nag-babasa ng libro. I saw her shocked face in my peripheral view. "What?! Itong Juan Matteo Alcantara na 'to 'yung kwinento mo sa'kin na bestfriend mong iniwan ka to go to the United States? Siya rin ang first love mo, 'di ba? Hindi ka nga pumapayag makipag-blind date sa iba at magkagusto sa iba dahil sabi mo hinihintay mo siya!" Napa-iling na lang ako dahil para bang lalo niyang pinapa-mukha sa'king iniwan lang ako.
"Ang swerte mo naman, Elara!"
"Paano naging swerte 'yon?" I was trying to calm down kahit pa disappointed ako sa taong naging topic namin ngayon. Or maybe I was actually disappointed at myself for not being able to move on from the past?
I just shrugged with the thought of it.
"Oh my god. It's destiny! Nagka-tagpo kayo ulit, ibig sabihin, ito na ang time para sa inyong dalawa! Binigyan na kayo ng chance ng tadhana, why don't you pursue with it Elara?" She said cheerfully, napatayo pa siya na akala mo ba'y nakatama sa lotto.
"I... I don't like him anymore. Besides, past is past. He's been messing with me at school, lalo lang akong naiinis sa kan'ya. Nakaka-sama lang siya ng loob."
"After years of waiting, ayaw mo na? Sayang naman kung gano'n. Hinahabol ka niya, 'di ba? Promise me na kapag nahulog ka ulit sa kan'ya, 'di mo na siya papakawalan." Pangungulit niya at itinaas pa niya ang pinky finger niya, while waiting for mine.
I tangled my pinky finger with hers while rolling my eyes 'cause I know she will never stop bugging me. Hindi naman na ako mahuhulog kay Juan. It's just two weeks of preparation for the National Academic Olympiad. Hindi naman ako tanga para rumupok lang dahil sa dalawang lingo, 'di ba?
Never again.
Pina-kwento niya pa sa'kin ang mga nangyari simula nang magbalik si Juan. She was on her bed, and I was at my bed habang nag-kwekwentuhan kami. Nagpa-lagay kasi si Dad ng isa pang higaan dito sa kwarto ko, just for Angel. Malaki naman kasi ang kwarto ko para sa'ming dalawa. Kasya pa nga ang isa pang higaan. My room was pink-themed. Lahat pink, at kung may makikita kang mga gamit na hindi pink, mga libro at ibang mga furnitures lang 'yon dahil iba doon ay kulay white or beige.
Pagkatapos namin mag-kwentuhan ay nakatulog na kami pareho ng mahimbing.
BINABASA MO ANG
Promised You To The Moon (PUBLISHED UNDER CLP)
Romance[ RADIO DRAMA ADAPTATION IN KUMU ] Promises are never for certain. Katulad nga ng kasabihan, don't make promises you can't keep. Because in the end, promises are just words. Natasha Elara Andrada, the girl who's fond of being by herself because she...