CHAPTER 27:
"Nahihibang ka na ba? Hayaan muna siya." Naiinis na sabi niya sa akin.
"Caine. Sorry. Pero tigilan muna siya. Magkakapamilya na yung tao."
"But I love him." Napakagat ako sa mga labi ko.
"Sinaktan ka niya! Hindi lang minsan Caine."
"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag tuluyan siyang nawala sa akin, ngayon lang ako nagmahal ng ganito." Mababaliw ako kapag nawala siya sa akin.
"Please help me."
Oo gaga na kung gaga. Pero desperada na talaga ako. Hindi ko kakayanin mawala si Alex sa akin. Siya na lang natira sa akin. Mahal na mahal ko siya.
"Fuck! Alam mo ba ang gagawin mo? Hahayaan mong lumabas at lumaki sa mundong ito ang batang yun na walang kalalakihang ama? You're insane Caine. "
"But I love him. So much."
"Wag ka ng magpakamartyr Caine. Marami pang iba na handa kang mahalin na higit pa sa pagmamahal na binigay nung gagong yun." Sabi ni
Fritz sabay pagiwas nito ng tingin sa akin.
Ang sabi nga ng iba. Kapag mahal mo ang isang tao ipaglaban mo.
Mahal ko si Alex at alam ko na mahal niya din ako. Kaya pupuntahan ko siya. Kaya kong tanggapin na magkakaroon siya ng anak sa iba, pero wag lang siya magpakasal kay Lynde. Hindi ko kakayanin na tuluyang siyang mawala sa akin.
Buo na ang plano ko sa isipan ko. Kahit pa magalit si kuya Charles sa akin pati na ang buong pamilya ni Alex.
Sinamahan ako ni Fritz papunta sa mansion nila Alex. Ilang linggo na ang nakalipas at alam na ng lahat ang nangyari. Nag-usap narin ang pamilya nila Alex at Lynde tungkol dito at napagdesisyunan na ipakasal sila sa lalong madaling panahon.
At ako wala, mula noon araw na yun, yung araw sa condo ni Alex kung saan ko sila narinig at nakita. Yun na din ang huling araw ng pagkikita namin ni Alex. Naging abala sila sa nalalapit na kasal nito.
Nagulat ang buong barkada sa kinahantungan ng relasyon namin. Walang closure, gusto rin nila na magkausap kami, kahit magkaroon man lang ng closure sa aming dalawa. Pero ayaw ko ng closure. Umaasa parin ako. Ngunit sadyang mahigpit na nakabantay ang pamilya ni Lynde, lalo na siya. Madalas na itong nasa mansion nila Alex at di na umaalis sa tabi nito.
Madilim na mag aalas-nuwebe ng gabi. Nasa may labas na ng gate ng mansion nila Alex ang sasakyan ni Fritz.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" Tanong sa akin ni Fritz.
Nagvibrate na ang phone ko at nabasa ang message ni Yale. Tumango naman ako kay Fritz at saka lumabas ng sasakyan.
——-
"Yale, you need to take your med." Sabi ni Alex habang may dala dalang try na may soup,tubig at medicines.
Nagulat ito bakas sa pagkunot ng noo niya nang ako ang nadatnan nito sa kwarto ng kanyang kapatid.
Si Yale ang isa pang tumulong sa akin para magkausap kami ni Alex. Nagpanggap siya na sumakit ang tiyan at nagpasama umuwi sa kuya niya. Nasa isang family dinner kasi sila ngayon kasama ang pamilya ni Lynde. Si Yale naman ay hanggang ngayon hindi rin matanggap na magpapakasal na ang kapatid niya kay Lynde. Hindi rin niya kasi gusto ang ugali nito.
Pinapunta naman ako ni Yale sa kwarto niya at siya naman ang lumipat sa guest room habang abala sa pagkuha ng gamot ang kuya niya.
Nilapag ni Alex ang tray sa side table ng higaan ng kapatid niya.
Nakaupo ako sa gilid ng higaan ni Yale. Umikot naman ito sa kabilang gilid sa may tapat ng terrace at saka umupo din. Dinig at ramdam ko ang malalim na pagbuntong hinga niya sa likod ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong niya
Ilang minuto bago ako nakasagot sa tanong niya. Kinakabahan ako sa kahahantungan ng usapan namin, pero umaasa parin ako na maayon ang lahat sa plano ko.
"A-alex. Mahal kita. Mahal mo parin naman ako diba?" Napahigpit ang hawak ko unan na hawak hwak ko.
Ilang minuto pa ang lumipas at ilang pagtikhim ang narinig ko mula sa kanya.
"Magkakaanak na kami." Malamig parin ang tugon niya sa kin at hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Tatanggapin ko siya. Handa akong umalis kasama ka. Sasama ako sayo kahit saan basta huwag mo lang ako iwan Alex. Please." Tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Miss ko na siya. I'm begging you Alex.
"Please choose to stay with me, Alex. "
Oo, mag kasama kami ngayon at naguusap. Pero parang mayroon paring isang malaking pader na nakaharang sa pagitan namin. Gusto ko siyang yakapin pero di ko magawa.
Nabalot ng ilang minutong katahimikan ang buong kwarto. Na puro ihip ng hangin mula sa labas at tanging paghikbi ko nalang ang naririnig. Andami ko pang gustong sabihin sa kanya. Ilang linggo din kami hindi nagkita.
Hindi niya man lang ba ako kukumustahin? Maraming nangyari sa kanya nitong nakaraan. Namiss niya din kaya ako? Nakalimutan niya siguro na monthsary namin nung isang araw. Pero dibale okay lang yun basta maging okay kami ngayon.
Isang malalim na buntong hinga at pagtikhim niya pa ang narinig ko bago siya nag salita at sinabing.
"Sorry. Magpapakasal ako sa kanya." Tumayo ito at saka naglakad na paalis ng kwarto.
Natulala ako sa kinauupuan ko na wasak ang puso. Umasa ako, na ako ang pipiliin niya sa kabila ng lahat. Naging isa akong hangal para kumapit sa isang pag-asang malabo at sobrang hirap niyang ibigay sa akin.
Naiwan ako na umasang hindi niya ako iiwan. Paulit-ulit niya akong pinakiusapan noon na 'choose to stay with me no matter what'. But what happened? Siya naman ang bumitaw sa akin ngayon.
>>> mhenzae