CHAPTER 19

600 26 6
                                    

CHAPTER 19:



Ipinasok nila ako sa tabi ng nagdadrive ng chopper.

Teka diba dapat doon ako sa may likuran. Waaaaaah! Ninenerbiyos ako  perstaym ko makasakay ng chopper sa tanang buhay ko...at-at takot ako sa heights! Lord sana pinakamagaling na driver ng helicopter etong katabi ko.

"OMG! Umaaandar na!" sigaw ko.

Lumilipad na ako este lumilipad na ang helicopter na sakay ako!

Napapikit nalang ako at tinakpan ng mga kamay ko ang aking mga mata.

Takot ako sa matataas na lugar kaya bihira ako umakyat sa mga rooftop.

Grabe yung puso ko. Ninenerbiyos talaga ako.Tapos yung tiyan ko...

"Tumingin ka sa labas!" Pasigaw n utos ng driver sa akin, sisigaw talaga yan ang lakas kaya ng tunog ng helicopter sabog ang eardrums mo.

Narinig ko naman yung sinabi niya. Pero ayoko lang talaga tumingin. Natatakot ako parang mahuhulog ako pag titingin ako.

"Hey! Look outside! It's beautiful!" sigaw ulit ng driver. Aba ang sosyal naman nitong driver englisero .

Unti-unti inangat ko ang ulo ko at sumilip sa may bintana.

Wow!

Ang ganda pala dito sa itaas. kitang kita mo ang mga nagsisitaasang buildings at ang  malawak na dagat. Mga island na puting buhangin.  Ang ganda!

 Napatakip ako sa bibig ko. No bakit ngayon pa? Sabi ko sa inyo eh takot talaga ako sa height. 

Mukhang nataranta naman ang katabi kong driver kaya dali-dali siyang naghanap na gagamitin ko. At nadampot niya ang isang paper bag 

Woo—o-oo! WaAa-aaa!

Thank god! Sakto lang ang dating bago lumabas ang inalmusal  ko. Kaderder lang!

Matapos ko magsuka, pinunasan ko ng panyo ang bibig ko at itinabi ang paperbag.

"Salamat  talaga"  pasasalamat ko at for the first time babago lang ako tumngin ng maigi sa driver na kanina ko pa kasama.

"Okay ka na ba?" tanong niya sa akin at mukhang nag-aalala talaga siya sa akin.

"A-alex... O-okay naman na ko." Iba-ibang emosyon ang nararamdaman ko, gulat,hiya, pagkailang  at ang pagkasabik sa taong ito. Ngunit mas pinili ko nalang na hindi na umimik pa sa buong biyahe thank god di naman na nagloko ang sikmura ko.

After 55 minutes

"Wait. We're here!"  nailapag niya ang chopper kasama ako   na buhay at maayos naman .Binuksan niya ang pintuan at naunang bumaba saka siya umikot papunta sa kabilang pintuan sa tabi ko. Inalalayan niya ako ng bumaba at pumasok sa loob ng isang building.

Nasa elevator kami ngayon at wala paring umiimik sa amin. Ayokong ako ang unang magbigay ng topic.  Unang-una Hindi pa kami ayos at pangalawa kinidnap niya ako at dinala dito sa hindi ko alam na lugar.

Nakarating kami sa isang building pero nung pagpasok ko bigla na lamang nawala si alex. Ano ito hide and sick? Nag-cr ako saglit, para makapag-ayos ng sarili at makapagbrush narin. Matapos ko mag-ayos nagsimula na ako maglibot. Napansin ko na puro rose petals yung dadaanan ko papasok sa  loob at. Nilibot ng mga mata ko  ang kabuuan ng lugar, mukha siyang restaurant na pinareserve para lang sa isang couple. Sa tabi ng balcony naka pwesto ang  table  na pagkakainan ng magcouple na mayroong napakagandang flower arrange sa gitna. Ang ganda din ng chandelier nila pamantay sa laki.  Kitang kita ang beach view. Nice! White sand. Teka! Nasa bora ba ako?

"Ehem!"

Nagulat ako sa pagubo ng nasa likod ko. Unti-unti akong humarap dito at hindi maipag kakaila na napakahot niya sa suot niyang jeans at v-neck shirt with blue suit top. Papalapit siya sa akin ngayon

"Caine?" I look at him and he's face. Ang cute! Nahihiya ang kumag. ahaha

"I-I'm- " inabot niya ang bouquet of roses then inilahad niya yung kamay niya sa akin.

Kplang!

"Ouch!" hinimas niya ang ulo niya "Bakit mo ako binatukan?"

"Walanjo ka! Ikaw pala ang nagpakidnap sa akin. Papatayin mo pa ako sa nerbiyos alam mo namang takot ako sa matataas na lugar, chopper pa ang naisip mong sasakyan." pinaghahampas ko parin siya.

"T-tama na..Eh yun ang idea nila Gershwin eh, para hindi ka daw makatakas."

"Kasi ikaw! Nagsuka tuloy akoooo." This time nahawakan niya na ang dalawa kong kamay at nakalapit nanaman ang katawan namin. Inilapit niya ang ang katawan niya sa akin at ang mukha niya sa mukha ko, gosh! Naaamoy ko na hininga niya buti nalang pala nakapag brush ako sa cr kahit papano nung wala pa siya at...

Nang biglang kumalam ang sikmura ko.

Tumunog ang tiyan ko, pasensya gutom na talaga ako. Nilabas ko kasi yung inalmusal ko kanina eh.

"O-okay, let's eat." pag-aaya niya

Nagserve naman na ang pagkain sa mesa ang mga waitress at sinimulan ko ng lantakan ang nasa harapan ko ang sasarap talaga ng mga niluluto sa restaurant ng abno na 'to.  Tska medyo naiilang ako sa amin kahit na feel ko na hihingi siya ng tawad ngayon. Matapos ako kumain nagyaya si alex magsayaw daw kami nung iaabot ko sana ang kamay ko..



Tumunog ang phone niya.

"Excuse me, I'll just answer this call." pagpapaalam niya sa akin.

Tumango ako bilang tugon sa kanya. As if naman mapipigilan ko siya sa pagsagot nun, paano kung emergency call yun, edi kasalanan ko pa.tsk! Matikman na nga lang itong wine na 'to mukhang masarap, kulay pink rose wine nakasulat eh.





ALEX POV







"Hey! Are you alright Caine?"

"Alright? Hik!  I-I'm really v-very good boss!"  what happened to her? umalis lang ako salit para sagutin yung tawag ni yale.

"Ang sarap nito oh!" tinaas niya yung bote ng rose wine at ininom ang huling patak nun mula sa bote. "Hmmm sarap!"

Patay!

Dinala ko siya sa isang room nitong hotel namin. Tss..Lasing siya, bat ang bigat nito ngayon. hmmm siguro sa sobrang stress nagkakain ng nagkakain. Inihiga ko siya sa kama at iniayos ang pagkakahiga niya. Matapos ko tanggalin ang sapatos niya umupo ako sa gild ng kama niya.

"Caine, aish! I  really wanted to apologize to you." breathe Alex just say sorry. "I didn't want to hurt you. It just that I'm so stupid to let that happened. It hurts me every time I see you cry. I don't wanna lose you caine........ I'm sorry..My boss. I love you" kanina ko pa talaga gustong magsorry sa kanya but everytime I tried to, something's happen. Ngayon kahit lasing at tulog siya I wanted to tell her. Ulitin ko nalang siguro bukas.

Tatayo na sana ako at iiwan si cainesa kwarto ngunit bigla na lang siya bumangon at  niyakap a ang likod ko. 

"I love you too boss!"

Zzzzzzzzzzzzzz

Eto talaga kahit kelan pasaway....



~~~

>>>>>>>>>>>mhenzae <<<<<<<<<<<<<<<

Stay with Me(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon