CHAPTER 24:
CAINE's POV
Sa eroplano di ako mapakali. Hindi ko alam ang gagawin ko. Buti na lang talaga sinamahan ako ni Clinton pauwi. Pinayagan naman ako agad ni kuya. He knows l am really worried about what happened to Alex. Hindi ko na talaga siguro makakaya kung meron pang isang taong mawawala sa akin. Naaksidente daw siya. Nung gabing yun it was our monthsary. Sabi mg mga kaibigan ko nasa ICU pa siya, commatose parin.
Pagdating sa airport, hindi na ako nagpahinga kahit na may jetlag parin ako. Diretso ako sa hospital sa St. VIncent's Hospital.
Mula sa labas ng bintana ng ICU, kung saan matatanaw ko kung ano ang itsuta niya. Nakaratay siya, maraming kung anu-anong nakakabit na tubo sa katawan niya, at isang breathing machine na once na nag straight ang linya nito...magugunaw ang mundo ko.
"Hija, nandito kana pala. Kailan ka pa dumating?"
Itong luha ko wala paring kapaguran. Hindi tuloy ako makakasagot ng maayos.
"T-tita Carlyle, I'm Sorry po." nagawa ko pang makapagsalita bago ako tuluyang napayuko at humagulgol.
"No, Caine... It was an accident." niyakap niya ako. "Puntahan mo siya, maybe he just want you to wake him up."
Tumango ako bilang tugon sa mama ni Alex. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling. Wag naman sana. I wanted him to stay with me. God, I will do anything just to keep him alive.
Nandito ako ngayon sa room niya. Hinihintay siya na magising, gusto ko din ako una niyang makikita paggising niya. Sila tita umalis muna.Nakatulog na ako sa tabi ng higaan niya sa paghihintay.
"Hmmm. Alex I love you..." nakapikit
"I love you more..."
"Gising kana kasi para masaya na ulit." nanaginip lang ako diba?
Nang mayroong humaplos ng buhok ko.
Mulat-pikit-mulat-mulat...
"Nananaginip pa ba ako? Bakit parang gising kana?"
Tinusok-tusok ko yung mukha niya. OMG ! As in lumaki mata ko.
"Alex! Gising kana!" Napayakap ako sa kanya bigla.
"A-aray!"
"Oh! sorry!"
"Wait lang tatawag lang ako ng nurse."
Matapos icheck ulit ng mga nurse at doktor si Alex. Ang sabi nila mukha okay na siya, wala naman daw siyang amnesia. But he needed to stay here in hospital for a couple of days for his full recovery. Nagpasalamat sila tito Stephen sa mga doktor at lumabas na. Naiwan kami ni Yale sa loob at nagsidatingan naman ang barkada.
"Tol, okay kana ba talaga? Ulo mo hindi ba masakit? Eh dito?" si yale na mukhang concern na concern sa kuya niya. Mahal na nahal niya talaga ito. Sobrang takot niya nung maaksidente ang kapatid niya. Nagsilapitan narin kay Alex ang mga kaibigan niya at parang iniinspection ang buong katawan niya. Umupo naman ako sa may sofa at hinayaan sila makasama ang kaibigan nila. Nagalala din naman ang mga yan kahit hindi halata sa mukha nila at halos halos rin nadalaw sa kanya.
"Oo nga brad, kilala mo pa ba talaga kami?" si Wayne naman na ang nagtanong.
"Pwede na ba ulit tayo gumimik?" Si Gershwin kahit kailan talaga kalokohan ang alam.
"Ano ba naman yang mga tanong niyo? Ano Alex pwede naba kita batukan? Hehe. Peace!" Cynthia akala ko seryoso na eh. Amazona talaga.
"Keribels muna ba papa Alex? Baka nalimutan muna ang mga moments natin ha?" pati si patty nangaasar lang? Haha
"Sira! As if naman meron! Wag kang feeling. Haller!" at ayan nabara siya ni keeley. Nakaisa siya dun kay Patty ah.
Napapangiti na lang ako sa mga itsura at tanong nila. Sobrang nagalala talaga sila sa kanya hindi lang nila pinapahalata.
"Guys, S-sino nga ba ulit kayo??" nakunot pa ang noo ni Alex.
Lahat yata sila ay nasapo ang noo nila.
"Hala!" Sambit ni Yale at kasabay nito ang paglaking mga mata niya.
"Sabi ko na nga ba eh. Peke yata ang doktor na iyon eh p*ta!" Sabi naman ni Wharton.
"HAHAHAHAHAHAHA" Malakas na halakhak ang lumabas sa bibig ni Alex habang hawak-hawak ang tiyan. Sira talaga. Pagtripan ba naman sila. Sumakit ang ulo ng mga kaibigan namin sa kalokohan ni alex. They really thought na magkakaamnesia siya?
"Siraulo ka.Alam mo ba yun pare?" si Gershwin
"Matagal na." sagot ni Alex
Nagkukwentuhan sila, at ako tahimik lang.pinagmamasdan sila. Hanggang sa mag-aalas kwatro na ng hapon.
"He looks okay. Well alis na muna siguro tayo." sambit ni Yuan at nagbigay ng makahulugang tingin sa akin. Nang dumaan siya sa tapat ko. He said "Ayusin niyo 'to."
Nagsilabasan narin silang lahat. Nagcheer up pa sakin ang mga loko. Napailing na lang ako.
Katahimikan ang bumalot sa amin. Hays! Papalapit ako ngayon sa kanya. Ito na moment na namin ito.
"Ahmmm..."
"..."
"Alex...Kasi..." umiwas siya ng tingin
——
Lechugas naman! Galit parin ba siya? Pero akala ko. Panaginip lang ba yung nag I love you din siya sa akin? Errr.
"Eh kasi....ano. Ahmm. Kasi ikaw eh ano ba naisip mo at nag pakalasing ka at nagdrive pa ha?" pangsesermon ko sa kanya. Aba! Ano akala niya papalampasin ko yung kaeng engan ginawa niya. Paano kung hindi na siya nagising? Pano na ko pag graduate ko? Paano na future ko?
"Sa susunod magdadrive ka lang 50kph at wag kang magdadrive ng lasing at kahit isang baso lang nainom mo ha?" I paused and deeply breathe...
"At...at Sorry na."
Aba ang bugok nagtalukbong ng kumot. Anu ba yan. Ang arte naman eh. Sipain kita diyan gusto mo?.
Paano.ba ito? Ang hirap naman suyuin nito. Amp! Napapaface palm nalang ako sa kanya..
"Uy! " Tinutusok tusok ko siya. Ayaw parin ako kausapin
"S-sorry na talaga. I won't leave you na." medyo teary eye na ko, eh kasi naman pagirl masyado ang lalaking ito. "I Love You My Boss. Namissed kita ng sobra...alam mo ba yun?" mahina kong pagkasabi. So it's just a dream hearing him saying "I love you more?" Naiiyak na talaga ako kasalanan ko naman kasi. Ako yung nakipag cool off. Minsan na nga lang ako maging sweet sa kanya baka nagsawa na. Hinanda ko na ang sarili ko para magwalk out...
"I love you always..."
>>>>> mhenzae <<<<<