CHAPTER 1:
Caine's POV
Ramdam na ang malamig na simoy ng pasko. Kasabay ng unti-unting pag-lamig ng panahon, ilang linggo na ang nakararan mula ng lumipat ako rito sa JN Subdivision. Karamihan sa aking mga kagamitan ay magulo parin.
PHONE MESSAGE...
Keeleey: 'bhesfren, pwede mo ba ko samahan bili ng album ni Taylor Swift?'
Hindi ako tinigilan nito hanggang sa huli'y sinamahan ko na ito, kasabay narin ng pamimili ko ng dekorasyon para sa darating na pasko.
Habang kami ay nasa mall na...
"Bhesfren, mamasyal muna kaya tayo sa iba ?" ang tanong nito sa akin. Nakatanaw lamang ako sa labas ng sasakyan.
"Bhesfreeenn." niyugyog nito ang aking balikat.
Namiss ko rin naman mag-gala sa mall kasama 'to eh. Kahit kasi malakas ang sapak nitong bhesfren ko. Mahal na mahal ko ito.
"Okay." Ngumiti ako sa kanya.
Dumaan kami kung saan-saan na store. Pagkatapos nag-kahiwalay kami nang pumasok ako sa national book store. Bibili rin kasi ako nang favorite books ko; Sadist Lover, Diary ng Panget at Break the Cassanova's Heart Operation. Tsaka meron na kayang book yung Girlfriend for Hire?
Nagbabasa ako nang...
"Ouchh" kainis naman di tumitingin eh. Yung libro nabibilhin ko nagkalat tuloy sa sahig. Naku! Nakakainis talaga! Bulag ba ito? Wala namang masyadong tao dito sa loob ng book store eh. Ako pa talaga nabangga? Imbyerna! Himutok ko.
"Sorry miss...Di ko sinasadya" tinulungan niya naman ako pulutin ang mga libro. Inalalayan niya rin akong tumayo.
Nang nakatayo na ako ng maayos at unti-unti kong nasilayan ang mga mata niya.
"Ah ok lang. Thanks." nang napadako ang mga tingin ko sa mata niya. Strange. Parang kilala ko siya eh. At alam kong napanuod ko na ang ganitong eksena sa movies.
"Ahm... You look familiar? " kakilala ko talaga eto eh. Check the eyes. Nose. Eyebrows and the lips. Shems! Ang pula! Alam na! Aish! Sino nga ba yun?
!!!!!!!!!!!
"Miss..."
"Miss yung libro mo... Nakakalat."
Napapitlag ako ng ma-realize kong nag-de day dreaming na ako. Sa ganitong sitwasyon pa talaga.
Umalis na ito sa harapan ko matapos nito iabot sa akin ang mga nahulog na libro.
Feeling ko biglang naging summer ngayon. Uminit kasi ang pisngi ko sa narinig ko. Hindi man lang nito nagawang mag-sorry.
"Hoy mister!" medyo napalakas ang tawag nito sa hindi pa nakalalayong lalaki. Aba't hidi ako pinapansin nito ah, nakuha pang makipag-flirt sa sales lady.
Lumapit ako sa harapan nito. Hinalukipkip ko ang aking mga kamay at tinitigan ko ito ng masama. Ngumisi naman ito.
"Yes?" agap naman nito.
"Your name is?"
"I'm Alexis Kenn Garcia." Kumindat ito direkta sa akin. Kapal nito! Grr! Akala siguro nito tsk! Pero mukhang pamilyar talaga siya sa akin.
"OMG!"
"YAHH! Naalala ko na! Hmm... He's my classmate in high school. Sabi ko na eh. Kilala ko siya. Siya pala yun. Well nag-matured na ang itsura niya. Matagal-tagal narin mula nung umalis ako roon.