Epilouge

326 9 22
                                    

'Bewitched'

Kumunot ang noo ko habang naglalakad ako pababa sa kusina. Malayo pa lamang ay rinig na rinig na ang maingay na paghahabulan sa ibaba. Kung hindi ako nagkakamali, bumisita na naman siguro ang magkapatid na Madrigal para makipaglaro.

Matalik na magkaibigan kasi ang mga magulang namin kaya naman napalapit na rin sila sa mga kapatid ko at lagi sila dito. Wala naman sanang kaso iyon sa akin kung hindi lang laging maingay si Lavinya. Tama nga ang hinala ko. Tumatakbo siya habang tumatawa at hinahabol si kuya Cepheus.

Nakasuot siya ng pulang bestida na mas nagpatingkad pa sa malaporselana niyang kutis. May naka-ipit na bulaklak sa tainga niya at para siyang diwata sa mahaba at umaalon niyang buhok. Maganda siya, alam naman iyon ng lahat.

Natigilan ako sa paghakbang nang matisod siya sa carpet dahilan para madapa siya sa sahig. Nalamukos ang mukha niya at napainda habang pilit na tumatayo. Mabilis ang lakad ko pababa ng hagdanan upang makalapit sa kaniya ngunit agad din akong natigilan nang makitang kasama na niya si kuya Ceph.

Pinanood ko lang kung paano siya alalayan ni kuya Cepheus. Kung paano siya matamis na ngumiti kay kuya. Hindi ko alam kung bakit pero kahit kailan hindi siya naging ganiyan sa akin. Sa tuwing magtatama ang mga mata namin ay lagi siyang nag-iiwas ng tingin at halos hindi niya ako nilalapitan at kinaka-usap.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit naiinis ako. Lalo na ngayong pinapanood ko silang nagtatawanan.

Bumuntong hininga na lang ako at bumalik sa kuwarto ko upang magbasa na lamang ng mga libro.

Lumipas ang mga taon at lalo pa akong naiinis sa kaniya. Napakabilis ng panahon at nagdadalaga na siya. She grew up beautiful.

Wala na dapat epekto sa akin ang ganda niya dahil napalilibutan naman na ako ng mga naggagandahang mga babae all my life. Maganda si mommy, si Thamar, si tita Priyanka, iyong ibang babae sa school katulad na lang ni Ericka. Hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit may ibang dating ang ganda niya.

At lintek nakakainis talaga kasi hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito! Hindi ko maamin sa sarili ko na gusto kong tignan niya rin ako kagaya ng kung paano niya tignan si kuya, gusto kong ngitian niya rin ako, kausapin kaya lang sa tuwing lumalapit siya sa akin hindi ako mapakali.

Bigla na lang ako naiilang at hindi ko alam ang gagawin. Kaya naman pinipili ko na lang na umaktong masungit sa tuwing lumalapit siya. Siguro dahil nasanay na lang din ako sa trato koo sa ibang mga babaeng nakakasalamuha ko. I still remember that one afternoon where I woke up with the feeling of someone touching my hair.

Her hand was so soft and calming. But when I opened my eyes and met hers, I immediatley panicked as I can hear my heart beating so wild. She's too close!

Kitang-kita ko ang panlalaki ng magandang mga mata niya habang parang bato siyang nakatitig sa akin. Fuck! What to do?! Shit what should I say?!

"S-sorry kuya Vaughn inistorbo ko ang pagtulog mo. M-may inalis lang akong tuyong dahoon sa buhok mo a-at wala naman akong planong magtagal."

Why the hell is she stuttering? Tumayo ako at hindi ko mapigilang hindi suminghal.

"Tss. I'm not your brother and I didn't ask you to do that so... get lost." I tried to act cold to hide how my emotions.

Fuck! She's crying! I want to fucking sew my mouth! Screw my fucking attitude!! Gusto ko siyang lapitan at humingi ng tawad pero hindi ko magawa.

"I said you're wicked... such a wicked person, Vaughn." Matapang niyang sinabi sa akin bago niya ako tinalikuran.

I admit it. I am fucking coward. Madali akong matakot at kahit kailan ayokong sumugal sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. One of the reasons why I never do girlfriends. I don't like wasting my time, effort and emotion to a person I don't see my future with.

My Wicked Prince [COMPLETED] (Haciendero's Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon