A.N: So this is the final chapter! Thank you kasi umabot kayo dito yey! Weyt na lang po next na ang epilouge.
'My Wicked Prince'
Maaga akong nagising ngayon upang maghanda. Ngayon na kasi ang araw ng kasal nila kuya Cepheus at Cara. Kahit na medyo napagod ako dahil sa pagtulong sa pag-aayos kahapon ay inagahan ko parin ang pagbangon dahil baka kailanganin ni Thamar ng tulong ko.
I wore a plain black croptop na pinaresan ko na lang ng putting short. I put on my sneakers and just tied my hair into a bun. Nasa mansion nila Thamar ang isusuot ko dahil doon na rin ako magpapaayos.
It's a garden wedding kaya naman pinili na rin nila na isabay ito sa paglubog ng araw. When I heard about it, agad akong naexcite. The wedding will be so romantic.
Tulog pa ang lahat nang umalis ako mula sa mansion. Ninong at ninang si mom at dad kaya magkikita-kita rin naman kami mamaya. Mabilis kong pinatakbo si Maddona patungo sa mansion ng mga Villafuente. Malayo palang ay rinig na rinig na ang pagiging abala ng lahat. Maraming mga sasakyan ang nagsisidatingan.
Dinala ko si Madonna sa kuwadra bago ako pumasok sa mansion. Dumiretso ako sa kusina at nakita ang mga kusinera na mukhang stressed sa pagcheck sa mga dapat pang ihanda para mamaya. Alas tres ang umpisa ng kasal at marami ng mga bisita ang nagsisidatingan mula sa malalayong mga lugar katulad na lamang ng mga kamag-anak ni Cara.
Umakyat muna ako sa kuwarto kung nasaan si Cara para batiin siya. I smiled widely when I saw her with Thamar, nakasuot palang siya ng puting roba habang inaayos ang buhok niya. She's smiling while talking to Cara. Nakita ko rin si Raya naka-upo sa gilid ni Cara at parang kuryoso sa ginagawang pag-aayos sa mama niya.
"Inya! Kanina ka pa namin hinihintay!" Ani Thamar at hinila ako upang ipakita sa akin ang gown na isusuot ko.
"Mamaya na ako magpapaayos." Sabi ko nang may lumapit na make-up artist sa akin.
Maaga pa naman kasi. Kaya lang inaayusan si Cara dahil may pre photo shoot pa siya.Tumabi ako kay Cara nang matapos si Thamar sa pagkuha ng letrato niya.
I smiled and held her hand. "Congratulations Cara, I am so happy for you."
Cara smiled at me with tears forming in her eyes. "Thank you Lavinya."
I smiled too but then somethings bothering me. I know it is too sudden. Kailan lang nang malaman ni Kuya Cepheus na anak niya si Raya at hindi ko maiwasang isipin na baka...
"Cara... I can see that you're really happy now. But I want to ask if... are you marrying kuya Ceph because you love him or are you just doing this because of Raya. I am concern about you. I don't want you to cage yourself and settle with him if you don't really love him."
She smiled weakly and looked at Raya. "I... I love Cepheus, I love him Inya."
I nodded and smiled too. I hugged her and softly patted her back. "Alam ko na aalagaan ka ni kuya Ceph, panatag na ako ngayon."
"Salamat talaga Inya." Naluluhang aniya matapos ko siyang yakapin.
"Hoy Inya! Bakit mo pinapaiyak yung bride?!" Pabirong ani Thamar na may dala ng tissue ngayon.
Nagkatinginan kami ni Cara at sabay na natawa. We stayed there for a while and just talked about things. Nagkapustahan pa nga kung sino na ang susunod na ikakasal sa amin. Natigilan lang kami nang marahang bumukas ang pintuan at nabaling ang tingin naming sa mag-asawang nakatayo ngayon sa labas.
"Magandang umaga... nandito ba si Cara."
Natigil ako sa pagsasalita si Thamar dahil sa mag-asawang bumati sa amin. Ilang segundo pa akong nakatitig sa kanila bago ko narealize na siya pala ang mga magulang ni Cara. Cara's mom aged a bit but she's still as beautiful like the last time I saw her. Ganoon din ang ama ni Cara na nasa tabi lang ng kaniyang ina. I never had any interactions with his dad before. I politely smiled at them when they started walking inside the room.
BINABASA MO ANG
My Wicked Prince [COMPLETED] (Haciendero's Series 1)
RomanceSnow white fell asleep because of the evil queens apple. Rapunzel was locked down in the tower all her life. Aurora fell asleep too for hundreds of years because of the curse. Cinderella almost lost her chance to meet her prince. There will always b...