'Playboy'
"Kuya Ceph!" I tried to sound jolly at least.
Niyakap ko siya ng mahigpit nagbabakasakaling mawawala ang kabang nararamdaman ko sa titig ni Vaughn. I hid my face on his chest and just listened to his low chuckle.
Wala na akong pake kung tinutukso ako nila Thamar at Primo bahala na sila sa mga buhay nila. I need this. I need kuya Ceph to clear my mind.
Sunod ko namang nilapitan si Cara na naka-upo parin. Napangiti ako habang tintitigan siya.
"Cara you look really different today."
Mahiyain naman siyang ngumiti at hindi makakatakas sa akin ang pagsulyap niya kay Vaughn na may kausap na iba.
"I-ikaw rin naman ang ganda mo." Aniya at ngumiti lamang ako.
Hindi ko kayang magdagdag ng iba pang dapat sabihin at hindi ko maintindihan kung bakit. Dati naman napakarami kong nasasabi kung gusto ko. Pero ngayon gusto ko na lang manahimik.
Napansin yata ni kuya Ceph ang pagiging tahimik ko kaya naman nilapitan niya ako matapos ang iilang pagbati sa mga panauhin nila. I forced a smile when he turned at me.
"Are you okay?" He asked.
I smiled and nodded at him, and as I stare at him I don't know why I don't feel the same excitement im feeling back when we were always hanging out together.
Tita Alana prepared a boufet for all of the visitors. Tuwang-tuwa si Primo sa mga pagkain at halos matapon na ang pagkaing nilagay niya sa plato niya dahik sa katakawan. Namimili palang ako ng pagkain samantalang naka-upo na siya sa lamesa namin nila mom at dad.
"You should eat more. I noticed you got thinner now."
Napalingon ako sa nagsalita at nginitian ko si kuya Ceph. Hindi ko man lang namalayan na lumapit pala siya sa akin. Gusto kong umangal nang kinuha niya sa akin ang plato ko at pinuno iyon ng lechon, kanin at mga gulay. Parang mas marami pa nga iyon kaysa sa kinuha ni Primo.
Napangiwi ako ng tuluyan nabg ibalik niya sa akin ang nag-uumapaw na pinggan. Iningatan ko ang paghawak dito dahil baka matapon pa ang laman masayang.
"Kuya Ceph hindi ko naman mauubos ito eh." Reklamo ko.
Natawa lamang siya sa hitsura ko at nagawa niya pang pisilin ang pisngi ko. Nagpapadyak ako at sumimangot sa ginawa niya.
"Kuya Ceph!"
"Uubusin mo yan, alam mo bang madaming batang hindi nakakakain regularly?" Aniya sa huli.
At kailan pa naging preacher si Kuya Ceph? Natigil lang kaming dalawa sa pagkukulitan nang makarinig ako ng malakas na pagkahulog ng isang bagay.
Luminga ako sa tapat namin at nagtatakang nilingon si Cara na mukhang nahulog ang lagayan ng mga kutsara sa gilid. Nangunot ang noo ko dahil katabi niya naman si Vaughn ngunit mukhang wala itong balak na tulungan siya dahil sa amin siya nakatingin.
Kumukulo ang dugo ko sa nakikita. Nagiging jerk na naman si Vaughn. Ibinaba ko ang plato ko at naglakad sa kabila ng lamesa. Yumuko ako para tulungan si Cara na pulutin ang mga nahulog niya.
May ibang mga kasambahay na lumapit na para pulutin ang mga nakalat na kutsara. Tinulungan kong tumayo si Cara ng mukhang hiyang-hiya sa nangyari.
"Why? What happened?" Takang tanong ni Thamar na nanggaling pa sa loob.
Nakayuko siyang humarap sa kanila at kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay niya. I held her hand and nod at her assuring her that it's okay.
"P-pasensiya na kayo hindi ko sinasadya." Nakayukong aniya.
BINABASA MO ANG
My Wicked Prince [COMPLETED] (Haciendero's Series 1)
RomanceSnow white fell asleep because of the evil queens apple. Rapunzel was locked down in the tower all her life. Aurora fell asleep too for hundreds of years because of the curse. Cinderella almost lost her chance to meet her prince. There will always b...