Chapter 17

179 6 0
                                    

'Insane'

"Narinig niyo na ba iyong tsismis may dinedate na daw si kuya Vaughn!"

Mariin akong pumikit habang nakikinig sa mga nagtsitsismisan sa labas ng cubicle.

Hindi ko naman akalain na matsitsismis pa pala kami sa buong high school.

Ganoon ba talaga kasikat si Vaughn para umabot sa punto na halos lahat ng nasa school na ito updated sa private life niya.

"Sino daw iyong girl? Si ate Ericka?" Tanong ng isa pa.

"Hindi namin alam pero sigurado ako na hindi si ate Ericka. Ang sabi junior high palang daw at family friend nila." Sabi ng isa pang girl.

"Pero sa dami ng family friend nila sa anong angkan naman kaya nanggaling?"

Buti na lang talaga hindi kumalat na ako ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon nila mommy at daddy kapg nalaman nilang tsinitsismis sa school na nag date kami ni Vaughn.

Kapag nasama sa tsismis ang pangalan ko sure na agad na malalaman iyon ng kapatid kong famous.

"Sayang wala na tayong pag-asa kay kuya Vaughn." Anang isa pa.

Hindi ko alam kung ilang minuto pa akong naghintay bago sila umalis.

Grabe nakakastress na ito. Para sa akin at kay Vaughn wala lang naman iyon. Bakit may kumakalat na ganoon?!

"Bakit sinasabing nakita si kuya sa mall kasama ang isang junior high student diba hindi nakarating si Cara?" Tumaas ang kilay ni Thamara nang tanungin niya ako.

"Malay ko. Hindi ko alam." Pagmamaang-maangan ko.

"Ang sabi nila mahaba daw ang buhok na kulot! Kung hindi si cara iyon isa lang ang kilala kong pwedeng makasama ni kuya! Don't lie to me Inya."

Natahimik ako at hindi na makapagsalita. Nabuko na niya ako eh ano pang magagawa ko.

"Oh my gosh so it's really you!"

Agad akong napatayo sa upuan ko at tinakpan ang bunganga ni Thamar. Kung hindi ba naman kasi siya napakadaldal.

Nasa library pa naman kami! Kaunting sigaw lang ay rinig na rinig na iyon ng lahat ng mga taong nandito.

"Shh... hinaan mo nga iyang boses mo!" Madiin ngunit pabulong kong ani.

Natatawa lang si Thamar sa  reaksiyon ko. Humalukipkip siya nanunudyo akong tinignan.

"So nag date nga kayo?" Nakangising tanong niya.

"Hindi noh! Hindi naman iyon date. We both know that was nothing. Masyado lang maissue ang mga tao."

"You watched a movie together. You played arcade together and you ate in a restaurant alone together. Hindi mo sila masisisi kung iniisip nilng ngdate nga kayo ni kuya."

"Ah! Basta ang mahalaga wala lang iyon sa akin at wala lang iyon kay Vaughn. Period." Pagsasawalamg bahala ko.

Itinoon ko na lang ang atensiyon ko sa libro na kanina ko pa binabasa pero hindi ko naman naiintindihan.

Matatawag nga bang date ang nangyari kahapon?

Hindi ko mapigilang mapatanong.

"I think I have to go. May meeting pa kaming mga student council." Ani Thamar.

"Okay see you sa classroom. Kailangan ko pang mag-review sa math."

"Sige goodluck." Natatawang ani naman ni Thamar.

My Wicked Prince [COMPLETED] (Haciendero's Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon