(Froiland's P.O.V.)
Birthday party? Siguradong pupunta doon sa Hyacinth at isa siya sa mga ex-officers ng school namin. Come to think of it, is this the right time for me to take my revenge? Sino ang gagamitin ko? Wala naman akong ibang kaibigang babae at kilalang babae na effective magpaselos. Paano ba sila paselosin? Wala kasi akong idea kung paano hulihin ang kiliti ng mga babae. Hindi ko nga alam kung paano at kung ano ang sign kung nagseselos na sila. This is the advantage of being an introvert, we are getting outdated to the latest trends.
Sino nga? Sino nga ang gagamitin kong magpanggap bilang girlfriend ko sa Birthday Party na 'yon? Nang humarap ako sa kanan ko nakita ko si Emerald na hinahabol si Kent sa labas. Nasira nanaman araw ko. Umikot ako sa kanan ko at sinubukan ko uli mag-isip kung sino ang puwede. Ipinikit ko panandalian ang mata ko. Nang idinilat ko ito, nakita ko nanaman si Emerald na pumupulot ng bola ni Kent doon sa damuhan. Namemental-block ako kapag nakikita ko itong pusit na ito! Humarap ako sa kanan ko uli habang pinipindot ko ang phone ko para makaisip kung sino ang pwede tawagan at mahingian ng tulong. Bukas na ng gabi 'yon at kailangan mapaghandaan ko na. Si Emerald? Hayaan mo na 'yan at wala namang pakialam sa buhay 'yan. Wala rin akong pakialam kung pupunta siya o hindi.
"Damn! They are not answering my phone."
Lumipad ang bola sa harap ko at tumakbo si Emerald papunta sa akin. Doon e gumapang siya para kuhanin ang bola na nasa harap ko. What the f*ck is the problem with this girl?! Why does she keep on appearing in front of me?!
"Opps! Sorry at napalakas ang bato. Todo na itu! Haha!"
I don't why why her smile irritates me a lot. Ang sarap niyang iihaw nang maging uling na siya, e. This girl is driving out my focus! Kailangan ko nang tawagan itong si Gian at baka may kilala siya.
"Hello, bro? Where are you? I need help, bro."
Tinatakpan ko na ang isa kong tenga. Ang ingay-ingay ni Kent at nung kilay na 'yon! Hindi ko na marinig ang pinaguusapan naming dalawa ni Gian.
"Bro, teka, I can't hear you."
"Ahahahahahaha! Ibato mo pa Kent! Push harder! Rak na ituuuu! Dali! Hahaha!"
Men! Give me more patience! I can kill someone right now! Kaunting pasensya na lang at talagang makakapatay ako ng mukhang hayop dito! Hindi niya ako nilulubayan. Kahit saan ako tumingin naandoon ang mukha niya na kinaiinisan ko. Pati ba boses niya e hindi ako titigilan? F*ck dude! I can't tolerate those laughs!
Pumasok ako sa loob ng kwarto habang gigil na gigil ako sa pag-tetext ng tulong kay Gian. Daig pa niya ang langaw na umaaligid sa pagkain, e. Ang sarap niyang hampasin ng magazine nang mamatay na siya.
Tumunog ang phone ko at nag-text si Gian,"Bro, I'll send you her picture. Tell me if you like her. After that, I'll send to you her contact, ok ba?"
"That would be great, bro! Sige sige.Salamat. Please tell her that she needs to go in my house after lunch. Ako na bahala sa susuotin niya. Salamat, bro."
'Yon oh! Sa wakas at nasolusyonan na rin ang problema ko. Finally, I'll have my partner for President's Party. Sa sobrang saya ko e napasayaw na lang ako ng wala sa plano. Sakto nun e bumukas ang pintuan.
(Emerald's P.O.V.)
Tinawag ako ni Glenda saglit para ihatid daw ito sa kwarto ni Ser Froiland. Mga damit niya ata ito. Mygosh! Kasama ang mga briefs! Hindi ba't magandang ideya kung susubukan kung amuyin ang mga ito? Gahd! Shatap Emerald! Sige na, isang singhot lang! Shocks! Hindi pwede! Panget ka pero hindi ka maniac!
BINABASA MO ANG
I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)
JugendliteraturHindi sa lahat ng buhay natin napagbibigyan tayo ng pagkakataon na ipamalas ang taglay nating kagandahan; lalo na kung wala ka naman talagang ganda. Ang buhay ay isang parang malaking pizza box, maraming nakikisawsaw, maraming nakikihingi at sa isan...