(Emerald's P.O.V.)
Hindi ko pa sana gustong bumangon at medyo maaga pa. Sabado naman ngayon at day-off ko. Saktong-sakto makikita ko na si Mama. Kaya lang, tulad nga nang sinabi ko, maaga pa. Bakit nagkakagulo nanaman itong mga tao sa labas ng kwarto ko?
Tumayo ako sa higaan ko. Ipinusod ko ang buhok ko at isinuot ang tsinelas ko. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko. Doon e nakita kong ang daming mga babaeng naka-uniform na hindi ko alam kung saan galing ang nagsisipagtakbuhan.
"Anong mayroon dito?" pagtataka ko sa sarili ko habang humihikab pa at nagkakamot sa ulo. Isasarado ko na sana ang pintuan pero naririnig ko nanaman ang boses ni Froiland na sumisigaw. Palabas siya ng kwarto niya at mukhang lumilipad nanaman ang mga damit palabas sa kwarto niya. Nagtago ako doon sa gilid ng pintuan niya at nakita ko siyang may kausap sa cellphone niya. Problema nanaman nitong taong ito?
"What?! Bro! It will be this night! This night, bro! She can't turn her back now! What the f*ck happened to that girl?! Do you know anyone else who's available tonight?!"
Nakatayo sa gilid ng kwarto niya ang mga babaeng mga mukhang mga mayayaman na nakauniporme na pang parlor. Napatingin siya sa kinatatayuan ko at mukhang papatayin nanaman niya ako sa tingin. Nilakihan ko na lang ang mata ko at kinagat ang labi ko tsaka unti-unting naglakad palayo. Makapunta na nga lang sa kusina at naandoon si Kent.
"Yaya! Good morning!" Lumapit ako kay Kent na nakaupo doon sa kusina. Kumakain siya ng tinapay habang nanunuod ng TV. Lumapit ako sa kanya tsaka kinurot nang hindi kalakasan ang pisngi niya.
"Good morning yow Kent! Kumusta? Did you have a good sleep?"
"Opo! Halika na Yaya, kain na tayo."
"Sige sige. Siya nga pala Kent, day-off ni Ate Emerald ngayon, bale aalis muna siya for one-day at uuwi sa kanila. Kasi alam mo naman, naghihintay ang eight dwarfs ni Ate Emerald mo doon."
"Eight-dwarfs, aren't they supposed to be seven?"
"Seven ba? Ah, hehehehe. Basta Kent, ako si Snow White. Medyo nasunog lang ng konti kaya nangitim. Chos. Haha! Kain ka na."
Papasok si Glenda sa loob ng kusina habang dala-dala niya ang isang basket na hindi ko alam kung ano ang laman. Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Kinuha niya ang isang carrots sa gilid niya at naghiwa-hiwa. Wala akong pakialam sa kanya, basta inaasikaso ko si Kent.
Tumayo ako at kumuha ng palaman na gusto ni Kent. Katabi kasi siya ng cabinet kaya napatingin siya sa akin. Napatigil ako sa pag-abot nang marinig ko ang isang sentence na nakakapangkilabot.
"Aba, Emerald pumuputi ka ata. Mukhang hiyang mo dito sa bahay."
Napangiti ako at napahinto sa pag-abot ng palaman. Inayos ko ang buhok ko at medyo na-flatter naman ang Snow White na feelingerang sunog. Inipit ko kunware ang konting piraso ng buhok sa aking tenga.
"Natuwa naman ako sa'yo, Glenda. Seryoso ka ba?"
"So kailangan ulit-ulitin? Napuri lang ng minsan kailangan ulit-ulitin? Oo nga! Buti ka pa pumuti agad. Akong ilang taon na dito e ganito pa rin kulay ko."
"Ah ganun ba? Kasi gamit-gamit din ng panghilod paminsan-minsan, bhe."
"Huwag mo akong matawag-tawag na bhe!"
"Bakit? Dahil jejemon? Ang ganda kaya ng bhe."
"Hindi. Dahil ang salitang "bhe" ang tawagan namin ng nag-iisang tao na inalayan ko ng pagmamahal ko."
BINABASA MO ANG
I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)
Novela JuvenilHindi sa lahat ng buhay natin napagbibigyan tayo ng pagkakataon na ipamalas ang taglay nating kagandahan; lalo na kung wala ka naman talagang ganda. Ang buhay ay isang parang malaking pizza box, maraming nakikisawsaw, maraming nakikihingi at sa isan...