The Ugly And The Beast

7.1K 177 20
                                    

Porket ba mahirap at panget wala na bang karapatang mangarap? Lalo na yung mangarap na gumanda ka para purihin din ng iba? Porket ba mahirap at panget kelangan panget din ang mapapangasawa o magiging ka-partner? Ano 'yon? Wala na ba kaming choice kung hindi ang maging pangit pati ang susunod kong henerasyon?



Alam mo 'yong pakiramdam na kahit anong pa-cute mo sa ibang tao eh lagi kang dinidisregard at kinasusuklaman? Wala eh. Ganun ata talaga ang nature ng mga tao: Ang layuan ang mga taong hindi nila kayang ipagmalaki at pakinabangan.



Sa totoo lang, dapat magpasalamat sila sa aming mga pangit e. Dahil kung hindi dahil sa amin, hindi sila gaganda. Kami na nga ang nagsakripisyo kami pa ang laging dehado.



Unang una, sino bang gusto maging panget? Sino bang gustong pandirihan at layuan ng karamihan? Anak ng kambing na may bangs naman oh, tao rin kaya kami. Porket hindi kami pwedeng i-display eh ginaganito na kami. Aba, sumusobra naman na sila.



Ang iba ang humahabol sa kanila e mga poging lalaki o 'di kaya ay mga heatthrob tulad ng mga napapanuod natin sa TV. Pero sa aming mga panget? Aso lang ang naghahabol sa amin. Ang iba pa nga d'yan binibigyan ng bouquet, chocolates at halik, e kami? Kahit ice water na galing sa poso wala. 'Yong ibang babae binibigyan ng panyo kapag umiiyak, pero kami kahit basagan na pinang-floorwax wala. Ang karamihan d'yan may ka-date tuwing valentines day pero kaming mga pangit nasa bahay nagmumulala at nagbibilang ng black heads sa mukha. Ngayon, tanungin niyo ako, asaan ang hustisya?!




Alam ko sa sarili ko na hindi kaaya-aya ang mukha ko. Pero marami akong pwedeng ipagmalaki na wala sa karamihan. Kahit pangit ako, mabango naman ang hygiene ko. Ano ba ang silbi ng kagandahan eh kung 'yong putok mo naman eh mas matindi pa sa tear gas?



Oh baka, maganda ka nga kung ang hininga mo naman eh, pag naamoy ng iba eh mapapapikit pa sila.



At sa mga lalaki, gwapo ka nga, kung hindi ka marunong rumespeto ng kababaihan. Gwapo ka nga, kung tadtad ka naman ng tagyawat sa mukha na halos hatik na hatik na sa bunga ang mga ito.



Eh kung maputi ka nga, kung puno naman ng libag ang leeg mo? Choco na gatas po ba iyan o gatas na choco?



Maraming klasipikasyon ng pagiging maganda at gwapo. Mayroon kasing maganda sa labas at pangit sa loob. Mayroon din namang ilan na maganda sa loob at ganun din sa labas. Pero ako? Mas gugustuhin ko na lang sigurong maging ganito ako kaysa sa tinitingala ka nga pero marami ka namang naaapakan sa baba.



That's normal. Life is so rude that we oftenly forget to treat others equally. Some of us thirst for fame and glory, where as a consequence, we forgot how to be just simply a human with a good heart.


I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon