Nakakarinig ako ng isang tunog ng cellphone na malapit sa akin. Idinilat ko ang isang mata ko. Hindi ko pa kayang bumangon, sobrang sakit ng ulo ko. Kinuha ko ang unan sa tabi ko atsaka itinakip ito sa ulo ko. Sumusuot talaga sa unan 'yong tunog ng cellphone. Torns pa ang ringtone. Hinugot ko ang kumot ko at itinapal uli ito sa mukha ko. Hindi nagtagal, parang may humihila ng kumot ko. Hinila ko ulit ito at may humihila ulit. Ano ba 'yan?! Ang sakit-sakit ng ulo ako e an gaga-agang mang-trip! Kinuha ko ang cellphone ko sa unan ko. Tinignan ko ito para patayin ang sounds. Naisip ko, wala palang music ang cellphone ko. Kanino 'yon? Teka, ang init. Sinipa ko palayo ang unan na yakap-yakap ko at humarap sa kabilang side ng kama ko. Napadilat ako saglit at nakakita ako ng isang lalaki na walang t-shirt. Shocks! Isang masarap at magandang panaginip! Ipikit ko uli ang mata ko! Idinilat ko ang mata ko at naandoon pa rin siya. Nabahala na ako nun. Napatalon ako at napatayo sa kama ko nang makita kong naandoon pa rin siya. Hindi ito isang panaginip! Shocks! May katabi talaga akong lalaki at wala pa nga siyang suot na shirt! Dahan-dahan ko siayng iniurong hanggang malaglag siya sa kama. Itinaas niya ang kamay niya at tumingin uli sa akin. Nanlaki ang mata ko at naitanggal ko ang pagkagat ko sa kuko ko!"Froiland?! Utang na labas! Anong ginagawa mo dito?! Bakit kitaaaaa katabiiii sa higaaannnn koooo?!"
"Inaantok pa ako. Huwag kang maingay d'yan."
Aba, teka, ang kapal ng mukha ng lokong ito! Tinitigan lang ako at hinila sa kamay ko ang unan atsaka itinakip uli sa buong mukha niya. Atsaka, bakit katabi ko ito matulog?! Hindi ko na matandaan ang nangyare kagabi! Ang alam ko lang e umuwi akong umiiyak tapos.. tapos.. Teka, ayaw ko nang mag-flashback at mukhang nakakabusaklat ng buhay ang mga pangyayare kagabi. Teka, sino ba nagpapasok kay Froiland dito sa kwarto ko?! Atsaka paano ako nakapasok dio sa kwarto ko?! Kinuha ko ang isang unan na nas agilid ko at hinampas-hampas siya nang paulit-ulit.
"Bakit ka naandito Froiland?! Sumagot ka sa akin Grinch! Sagot!"
"Fine! You were drunk last night! I saw you lying beside that old and lunatic man! Pasalamat ka binuhat kita at ipinasok dito, e. Sabagay, kahit naman iwan kita doon walang mangrerape sa'yo. Sino bang gagahasa sa kilay na tulad mo."
Matapos niyang alipustahin ang buong pagkatao ko e kinuha niya ang kumot at ibinalot ito sa kanya. Kinuha niya ang unan na pinanghahampas ko at itinakip uli ito sa ulo niya. Walangya! Ang kapal ng mukha! Matapos akong alipusta-alipustahin e makikitulog pa ule sa kwarto ko!
"Siya nga pala, wala namang nangyare sa atin kagabi. Naghubad ako kasi mainit. Kahit naman lasing ako, hinding-hindi ako mabubulag sa'yo."
Aba! Hindi pa nakuntento sa iisang pang-aalipusta at sinundan pa nga! Sa sobrang gigil ko gusto ko siyang sunugin habang natutulog! Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at isinarado ito nang malakas. Dumiretso ako sa kusina kung nasaan naandoon si Mama na naghihiwa nang mga gulay. Kinuha ko ang toothbrush ko at isinubo ito. Tulad nang ginagawa ko dati, nagsasalita ako kahit may bula ang bibig ko.
"Mama! Bakit katabi ko si Froiland?!"
Hindi niya ako pinansin at nakangiti siyang naghihiwa sa mga gulay niya! Nageenjoy siya maghiwa ng pechay niya. Walangya! Masasampal ko ng limang pechay na mamasa-masa itong Nanay ko, e. Nagmumog ako atsaka pinunasan ang bibig ko. Susugod na sana ako sa Nana ko kaya lang nakaramdam ako ng hilo at sakit sa tiyan ko. Napatakbo ako sa lababo at nagsuka ako doon. Nanlaki ang mata ko at biglang napahawak sa tiyan ko. Tumakbo agad si Mama sa tabi ko at mukhang tuwang-tuwa.
"Ang bilis naman! Isang gabi lang e umepekto sa isang subukan! Sinasabi ko na nga ba! Aha! Ang pogi nang apo ko nito!"
Humarap ako kay Mama nang sobrang sama ng tingin. Napakagat siya sa kuko niya at bumalik sa paghihiwa ng mga pechay niya.
BINABASA MO ANG
I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)
Teen FictionHindi sa lahat ng buhay natin napagbibigyan tayo ng pagkakataon na ipamalas ang taglay nating kagandahan; lalo na kung wala ka naman talagang ganda. Ang buhay ay isang parang malaking pizza box, maraming nakikisawsaw, maraming nakikihingi at sa isan...