Ang nangyayare sa amin ay laro lang daw para kay Froiland. Laro? E sa hindi nga laro 'yon, e. Paghihiganti 'yon! Hindi niya na-gets na higanti 'yon hindi fling o kung ano man. Shocks! Ako nanaman mapapasama nito! Tumakbo si Lawrence at Christine papunta sa akin at tinanong kung ano ba ang nangyare kanina. Sa school na ito, kahit mayayaman sila e mahilig din pala sila sa chismis. Umiling na lang ako at ngumiti.
"Emerald, are you ok? Kanina ka pa namin hinahanap." tanong ni Christine habang medyo hinihingal-hingal sa pagtakbo kanina.
"Miss President, pinapatawag na po kayo sa office ninyo."
"Ok! Please tell, I'll be right there. Emerald at Lawrence, iwan ko muna kayo. Something urgent on our office. See you around."
Tumakbo si Christine palayo at gayundin ang mga estudyante sa paligid namin. Unti-unti na silang nawala at nagsialisan. Ako nanaman ang trending dito, patay ka nanaman Esmeralda.
"Oh Ma, may boyfriend ka na pala?"
"Wala B-boy! Secret lang ha? Kasi last night, sabi ko sa'yo 'di ba e may mission ako? 'Yon 'yon, ang magpanggap na boyfriend nung lalaking 'yon."
"Akala ko ba e ako lang ang boyfriend mo?" Pinisil ko ilong niya at kinurot ang pisngi niya. Agad ito namula dahil sa kaputian niya. Ang cute cute! Ang sarap kurut-kurutin.
"B-boy, iba ang boy friend sa boyfriend. Iba ang role nila at iba ang ibig sabihin nila. Ikaw? Boy friend kita 'di ba? Hindi ka pa nga d'yan nanliligaw!"
"Joke lang. Friends lang tayo 'di ba, Ma?" Teka, may klase ka ba?" Aray ko bhe. Na-friendzone ako. Ayan kasi, sa sobrang pakipot effect ko nganga ang kinalabasan. Whatever. Nailabas ko na kagabi pa at tinanggap ko na kagabi pa na hanggang friends lang kaming dalawa.
"Mayroon. Last subject. Duh? Mag-classmate tayo, ano ka ba?"
"Oo nga pala, Haha! Gala tayo. Wala namang klase. May meeting lahat ng teachers."
"Sigurado ka? Mamaya kapag nahuli tayo e mapa-office pa tayo."
"Sigurado ako! Halika, Ma! May ibibigay kami sa'yo."
Hinila niya ako sa isang lugar sa isang school namin kung tawagin ay Serenity Park. Masyado kasing serene ang lugar na ito kaya siya tinawag na ganyan. Pinaupo ako ni Lawrence sa ilalim ng puno. Grabe, ang sarap ng hangin. Umupo rin siya doon at humiga. Itong taong ito, kaya kami nagkakasundo kasi walang arte rin sa katawan, e.
Ang awkward ng moment na kasama mo ang taong gusto mo sa isang lugar. 'Yong lugar na ang tahimik, malilim at mahangin. Nahihiya ako mag-open ng topic sa kanya. Nakatingin lang kasi siya sa puno habang pareho kaming nakahiga sa damuhan.
"B-boy, nag-lunch ka na?"
"Just about to do that thing."
Tumayo siya sa kinahihigaan niya at kinuha ang bag niya. Doon e naglabas siya ng mga pagkain. Inilabas niya royal at sarsi in can tapos mga chichiria. Kakalapag pa lang niya sa sahig e kinuha ko kaagad ito.
"Ui teka, pahingi ako d'yan Ma."
"No Lawrence. Lunch mo ganito? Papatayin mo sarili mo? Mag-kanin ka."
"Ayaw ko. Hindi ko gusto 'yon. Akin na 'yan, bibigyan naman kita."
Iniaabot niya sa mga kamay ko ang mga softdrinks at mga chichirea. Kahit kinikiliti niya ako e hindi ko pa rin talaga binibitawan. Napaka-unhealthy ng Lunch niya. Hindi niya alagaan sarili niya e paano na ako? Chos, Haha!
BINABASA MO ANG
I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)
Teen FictionHindi sa lahat ng buhay natin napagbibigyan tayo ng pagkakataon na ipamalas ang taglay nating kagandahan; lalo na kung wala ka naman talagang ganda. Ang buhay ay isang parang malaking pizza box, maraming nakikisawsaw, maraming nakikihingi at sa isan...