Chapter 27: Nang Minsan Ako'y Mawala

2.5K 54 0
                                    


Ang daming nangyare ng sobra dito sa Paris. Hindi ko na nga mabilang lahat-lahat ng mga bagay na naramdaman at na-experience ko dito, e. Galit, inis, sakit sa puso, sobrang kilig at first time na proporal. First time kong makaranas ng isang romantic na experience sa buhay ko at hindi ko in-expect na ganito ang magiging scenario. 'Yung luha ko at inis ko dati e napalitan ng mga magagandang ngiti sa labi ko. Meron sigurong mga bagay sa mundo na pansamantalang dahilan kung bakit tayo iiyak, maiinis o magagalit. Siguro lahat ng 'yun may dahilan at ang bawat dahilan ay may kaakibat na bagong mga bagay na ating matututunan sa buhay.

Indeed, Life is very mysterious. Hindi natin alam ang agos at hindi natin alam kung isa pa rin itong biro. Hindi natin alam kong kailangan ba natin pag-daanan ang mga ito. Hindi natin alam ang susunod na kabanata at hindi rin natin alam kung sino ba talaga ang tunay na nakalaan para sa'yo. Just go with the flow ika nga,GOD has a reason for everything . Just go with the flow and everything is possible.

"Gising ka na." Habang tinatapik ni Froiland ang aking mukha para gisingin ako at bumalik sa'king diwa. Idinilat ko ang isa kong mata at tumingin sa kanya. Inantok ako sa buong byahe namin sa eroplano siguro.

"30 minutes pa, Froiland. Inaantok pa ako."

"30 minutes? Naandito na tayo sa Pilipinas at tumayo ka na d'yan." Napaangat ang aking ulo at daliang inayos ang aking buhok at damit. Bumaba kami ng eroplano at may pumarada na kotse sa harap nila Lily at Hubert. Lumapit sa akin si Lily atsaka yumakap.

"Ate Emerald, congratulations ulet! Aalis na po kami. Kuya Froiland, salamat sa trip. Thank you po ule. Bye everyone." Ngumiti lang si Froiland sa kanila at tuluyan nang umalis ang kotse nila. Napakamot ako sa ulo ko at nagiisip nang pwede kong gagawin nanaman. Naiinip na ako, makipag-date na lang kaya ako kay Mang Isko para rak? Nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa at biglaan ko itong sinagot.

"Hello? Oh Lawrence! Yep, andito na ako sa bahay. Ikaw asaan ka?"

"House. Just chillin'out. Trying to amaze my self, Haha!"

"Baliw! Haha! Kita tayo mamaya? I miss you! Got it! 7 P.M. sharp ha?" Pinindot ko ang end call at sumakay na doon sa kotse na sundo namin. Nakaharap sa akin si Froiland at nakasimangot na

"Froiland? May problema?" Mahinahon na tanong ko sa kanya.

"Wala." Sagot niya sa isang malamig na boses. Mga ganung style e halatadong may problema, sus.

"Takte! Ano nga kasi 'yon ay?" Ibinaling niya ang tingin sa akin at ibinaba ang kilay niyang kanina ay nakataas.

"Kung sasabihin ko ba may magagawa ka? Doon ka na kay Lawrence. I don't need you." Omaygash! Napahawak ako ng bibig ko at natatawa sa sinabi niya! Nagseselos siya?! Actually, wala akong alam kung paano magselos ang isang lalaki. Kung ganito iyon, pwes, ang cute nila magselos!

"Are you jealous?" habang pigil na tumatawa akong tinatanong siya.

"What if I say yes? And it's a normal thing for both couples to feel that." Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko at nahugot ko ang mukha niya at kinurot ko ang dalawa niyang pisngi na kinainis niya.

"Stop that! Doon ka na kay Lawrence! I don't need you, Emerald." Hindi ako nasaktan sa sinabi niya. The way he said it, it seems like it's not true. Pa-chicks naman itong si Froiland parang bata, Haha!

"Ui! Ano ka ba? Haha! Bestfriend ko 'yon at dapat hindi ka nagseselos. If you really love me, you wouldn't doubt my feelings for you, Froiland. Ang daya mo! Ako nagtitiwala sa'yo pero ako pinagsususpetsahan mo!"

I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon