Chapter 2

12 3 0
                                        

TISHA'S POV

Lumipas ang ilang buwan,malapit ng matapos ang taon ng pasukan.Pumasok na din si Kriston makalipas ang dalawang araw bago siya na ka pagenroll,aniya tapos na daw lahat ng papeles niya,pwede na daw siyang pumasok.Nais niya nga sanang pumasok din ako,kaso hindi siya ang makakadesisyon nito para sa akin kundi si tita lamang.Malimit na lamang ang aming pagkikita dahil tutuk na tutok din sya sa pag-aaral niya,pero minsan naman din ay pinupuntahan niya ako't sinusundo para gumala sa farm,sa may burol,sa bahay at farm nila,at sa iba pang magagandang tanawin na nandito.Si Rheane naman ay naging malapit sa akin,palagi itong nagpapakita ng motibo kay Kriston na hula ko'y may pagtingin ito dito, ngunit balewala lamang ni Kriston ito.Minsan din ay nagagalit na lamang sa akin si Rheane dahil palagi nalang daw ako ang pinapansin ni Kriston,epal lamang daw ako. "Wow ah!"

"Huy!Tisha!tumigil ka na jan sa pag-iimagine mo na may gusto sa yo,si Kriston ko,alam mo namang bagay kami diba?At tsaka little sister lang turing niya sayo,bata mo pa lalande'lande ka na.My god!..papahard to get lang naman yun si Kriston ko pero,knows naman natin na gusto din ako nun.Kase naman sa pretty face ko ba namang ito,sexy,matangkad,at may utak din naman noh,ay basta! na sa akin na lahat,walang taste nalang hindi magkakagusto sa akin.Bulag na lang siguro omg.!!kinikilig ako gwapo niya talaga bagay na bagay kami,so ikaw wag kang epal sa love story namin.Maglinis ka nalang tse!."sabay lagay ng eyeliner sa mata niya.May lakad daw kase sila ni ate Patty,at ate Van,mag ma-mall daw sa kabilang bayan.

Medyo nasaktan ako dun sa mga sinabi ni ate,Oo bata pa ako pero hindi ko na man intensyon,hiniling na bagay kami ni Kriston,gwapo siya..oo,mabait siya..oo,mapagmahal siya...oo,pero hindi ko padin intensyon ang mga ganyan ganyan kaibigan lang turing ko sa kanya,at alam kung ganun din siya sa akin.So the feelings are mutual lang.
Feeling ko napakalayo ko lang talaga kay ate Rheane napakataas niya,nasa tuktok siya tapos ako ito..nasa baba nakatingala at nagsisilbi sa kanila. 'Pamilya?never ko pa na naramdaman pakiramdam ng ganyan,kase yung kaiisang tinuring kong ganyan hindi ganun turing sa akin,isa lang akong patapon na na basura dahil na bubulok na.'

__

"Ang ganda naman ninyo."nakangising saad ko sa hawak kung bulaklak,nandito ako ngayon sa burol,namitas ako kanina para iuwi sa mansion at ilagay sa mumunti kung silid.Pinayagan kasi ako ni tita na gumala dahil may mga bisita daw siya,na aniya'y mga sosyal at elegante daw,at ayaw daw niya na palaboy'laboy ako sa mansion.Ayaw niyang makita ang pagmumukha ko daw doon,kinakakahiya niya daw na magkaroon ng pamangking katulad ko.So heto ako ngayon gumala muna dito,nakakalungkot lang isipin pero,wag na muna nakin iyon isipin,dapat ngumiti lang palagi,ngitian lang daw ang problema para matakot  ito'y, matapos na.Palagi pinapaalala ni Kriston sa akin  sa t'wing malungkot ako.

Sa ilang oras na pananatili dito, nakasandal sa ugat ng kahoy.May na dinig akong mga yapak,na sa bawat na aapakan na dahon ay tumutunog.
Napatingin ako sa gawing iyon.Dahan'dahan akong nag-angat ng tingin mula paa pataas sa mga mata nito.Nagtama ang paningin namin ni Kriston,nakapamulsa ito at pormal na pormal ang datingan.Nakasuot ito ng itim na pantalon,at naka polong itim din,nakatiklop ang mga ito patungong siko niya.Parang may lakad ata dahil medyo iba datingan niya sa normal niyang panunuot.Humakbang siya't lumapit sa akin.Nakatingala pa din ako. Matangkad siya kaya't nahirapan ako sa pagtingala sa kanya.Ako din ang unang umiwas ng tingin dito.

"Can I sit beside you?"

"Yes,oh dito ka."sabay pagpag sa bandang tagiliran ko.

Naupo siya sa tabi ko wala pa ding nagbago sa expression ng mukha niya nang dumating siya dito.

"How are you?"aniya
"Ayos lang naman.Eh,ikaw ayos ka lang naman ba?kase parang hindi ka ata ngumingiti ngayon,iba ka sa dati na pagmagkasama tayo,palagi kang ngumingiti."sabay lingon ko dito,napabuntong hininga siya.

Unexpected Love (Book 1)Where stories live. Discover now