Meron akong kaibigan sa kabilang section pero hindi kami nagsabay, sabay kasi kami lumipat dito sa school and same kami na hindi pa kabisado ang school. Kaya rin hindi kami nagkakasabay kasi magkaiba ang oras ng recess namin, dahil kapag-naghintay ako ay kakainin ng oras ko ng 20 minutes kaya magiging 10 minutes lang recess ko.
So hindi nalang muna ako lumabas kasi wala naman akong kasama tsaka busog pa naman ako dahil nag-agahan naman na ako.
Meron ako ibang kasama pero lima lang kami mga transfer lang din sila. Halos lahat ng hindi transfer nasa labas na. Siguro nasa isip nila nerd ako kaya ayaw nila makipag-kaibigan sa 'kin. Hindi naman ako sad girl sinasabi ko lang
Wala naman akong magawa at sobrang tahimik ng classroom parang aircon lang naririnig. Nakatitig nalang ako sa kawalan habang nag iisip ng kung ano-ano . Meron nag-uusap kaya napatingin ako. Anlakas kasi ng boses nila, kaya agaw pansin.
Maya-maya bigla bumukas yung pinto ng malakas kaya napatingin ako. Ang dami nila sunod-sunod silang nagsipasukan sa classrooom namin. May mga dala silang pambara at panulak sa kanilang pagkain.
Habang kumakain sila naririnig ko yung nasa likod ko ang medyo maingay sila. And hindi ako sanay ng may maingay pero kailangan ko mag-adjust baka bullyhin nila ako kapag na pa-away 'ko.
Meron iba ang topic ay bastos, meron din nagmumura pero mahina lang pero rinig ko sila. Dahil wala naman akong magawa nag observe nalang ako kung sino ang magandang kaibiganin.
Ito lagi ang ginagawa ko upang malaman kung sino ang dapat at hindi dapat na kaibiganin. May mga techniques ako upang madali itong malaman.
Tinignan ko sila isa-isa pero di ako nagpahalata, syempre baka mag mukha akong magnanakaw or something else.
Halos lahat sa kanila maingay. Meron naman babae group ata sila, magaganda sila, mga porselana ang balat, matalino at matangkad. Sana lahat maganda, like sila yung mga ideal type ng mga lalaki ganon.
Tinignan ko sila parang okay naman sila maging kaibigan kasi masayahin sila, tawa sila ng tawa ng malakas parang walang problema.
Nanatili akong tahimik sa sulok at walang imik na kahit ano. Natapos na silang kumain dumating na ang aking guro at nagsimula na siya magpakilala. Nagpakilala lang uli ang mga transfer. Ganon uli ang nangyare. Natapos ang dalawang subject paulit ulit ang nangyare. Habang papaalis na ang aking guro biglang tumingin yung lalaki sa harapan ko, maliit lang siya. 4'8 ata ang kanyang height hindi ako sigurado, basta maliit lang siya na lalaki at singkit ang mga mata. Ang sama ng tingin niya sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Tumaas nalang ang kilay ko, dahil nagulat na lamang ako sa kinilos niya.
Dahil lunch na lalabas na ako. Hindi ko alam ang gagawen ko dahil hindi ko alam ang rules ng school. Malayo ang canteen sa room namin. So kakain nalang ako sa canteen. Pumunta ako sa canteen at sa quadrangle ako dumaan dahil feeling ko mas malapit roon, at tsaka malaki ang quadrangle namin mainit nga lang pero pwede na.
Naglakad akong mag-isa patungo ng canteen. Hindi ko alam kung saan ako bibili dahil andaming stall halos nasa 30 stall ata ito kasi ang dami mong magpagbibilhan. May nakita akong shake. Doon ako tumungo at bumili pwede naman ata ito sa room ito nalang ang lunch ko di naman ako gutom. Bumili ako ng chocolate, 30 pesos siya medyo kamahalam pero pwede na marami rin naman at isang daan naman ang baon ko.
Habang naglalakad ako ininom ko na iyon. Pabalik ako ng classroom, pagpasok ko may kumakain yung mga may baon, kumakain sila sa room. Uminom nalang ako. Halos tatlo lang ang nasa room. Ambilis ko naman atang bumalik. Tahimik ang classroom namin. Parang yung kutsara tinidor at aircon lang ang naririnig. Tas yapak ko kanina nung papasok ako. Medyo malamig pa naman ang room namin
Math na namin ngayon kaya introduced na naman.
Nagpakilala ako ang dami ko na naman sinabi.
"May lahi kaba?" Sabi ng teacher ko bigla habang nakangiti, nagulat ako.
"Wala po," sabi ko ng mahina. Pagkatapos non umupo na ako. At may mga iba nang nagpakilala.
Natapos na ang pasok ko, pauwi na'ko. Pero ang gagawen ko ay mag hihintay muna ako ng sundo. Kasi di ko pa kabisado dito sa lugar namin.
Naka upo lang ako. Kita ko yung mga taong tawa ng tawa. Masayahin sila kaya napataas ko ang aking mga labi at natawa na lamang ako ng kaonti, bakit ba ako natatawa baliw na ba ako char. Baka isipin nila baliw ako.
Alam ko rin na hindi ako belong sa mga ginagawa nila ngunit bakit ako natatawa?
Nakikita ko yung mga kaklase ko na naglalakad lagi silang grupo, laging makakasama, ano kaya feeling ng may kasabay sa recess at sa kahit anong bagay. Gusto ko rin non.
Nakita ko na yung ate ko sa gate kaya lumapit na ako roon. Naglakad kami ng sabay. Sasakay kami sa sakayan ng jeep para mura lang at para naman ay may maipon ako.
Pagod akong umuwi kahit wala naman akong ginawa kundi ang maglakad ng mahaba. Kumain ako ng meryenda at binuksan ko ang tv namin para manood. Pagkatapos ko buhayin ang tv, kinuha 'ko ang cellphone 'ko.
At nagsimula mag Mobile Legends. Ang boring ng buhay ko. Lagi nalang akong nalalaro. Biglang sumulpot si mama sa harap ko at sinermonan na naman ako.
"Brie bakit mo binuhay ang tv, hindi ka naman nanonod!" sermon sa akin ni mama. Agad kong kinuha ang remote at pinatay iyon, dahil sayang daw iyon sa kuryente.
Hindi naman raw ako nag babayad ng kuryente.
Bumalik ako sa pag Momobile Legends ko. Mamaya ko nalang gagawin ang mga gagawin ko, kaya ko naman imanage lahat ng gawain ko dahil madali lamang 'yon.
Tinapos ko ang paglalaro ko at nagbihis na ako ng pamalit. Agad kong ginawa ang mga routines na dapat kong gawin mabilis akong natapos doon. Agad akong pumunta sa kama ko at nahiga at nagsimula mag imagine ng kung ano-ano at inisip ang mga nangyare ngayong araw.
Madami akong nakilala pero mukha lang natandaan ko pero ang pangalan nila hindi, pero natural naman 'yon so hindi ako alien pero pwede naman ako maging alien kasi may mga word ako na hindi nila alam.
Ginawa ko ang mga dapat kong gawin tulad ng paglilinis ng bahay at lalo na ang paghuhugas ng plato. Kasi ayaw nila maghugas ng plato. Mga tamad ang kasama ko sa bahay kasama na ako roon.
Natapos ko na lahat agad akong lumabas, pero di ko naman ugali ang lumabas kasi takot ako makihalubilo sa tao, pero hindi naman ako aswang.
Naglakad ako patungo sa bahay ng ate ko para humingi ng ulam kasi may ulam na sila tas kami wala pa dahil busy si mama. Hindi niya naman kqmi ma aasikaso.
Hindi muna ako umalis sa bahay ng ate ko dahil nakabuhay ang kanilang aircon kaya nagstay muna ako roon at inalagaan ang anak niya. Bata pa naman ang anak niya kaya di naman mahirap alagaan.
Naglaro lang kami ng pamangkin ko. Natuwa naman ako kasi ang talino niya mana sakin, char bobo ko nga. Simpleng math na add minus lang tinatype pa sa calculator. Wala akong tiwala sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
You're My Favorite Model
General FictionSatana Briella Torres ay isang simpleng babae lamang at hindi maarte, ngunit tahimik na tao siya. Pero may isang lalaki ang dumating sa buhay niya ng lumipat siya ng school. Ang lalaking yon ay crush na crush siya ang pangalan niya Daryl. Hanggang...