Nagising ako sa madilim na silid. Pagkatayo ko ay sumakit ang ulo ko. Nandilim kaonti ang paningin ko at para akong nahihilo.
Bumalik ako sa pagkakahiga. Nabigla yata ako, kaya nandilim ang paningin ko.
Napatulala na lamang ako, dahil andito na naman ako sa kwarto ni Daryl.
Napasinghap nalang ako ng hangin, na amoy ko ang pabango niya, yon pa rin ata ang pabango niya.
Naramdaman ko na bumukas na ang pinto ay agaran akong pumikit, at nagtulog-tulugan.
Naramdaman ko na tumabi siya sa akin at inamoy ang buhok ko.
Biglang tumaas ang balahibo ko dahil bigla siyang nagsalita sa tenga ko.
"Ang bango mo" sabi niya.
Hindi ko mapigilan kiligin. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.
"Gising kana" sabi niya sa akin at yinakap lang ako. Hindi na ako gumalaw sa pwesto ko. Hinayaan ko siyang yakapin ako.
Nanatili lang kaming tahimik at hindi kumibo ng kahit ano.
Habang yakap niya ako at napalingon ako sa orasan sa harapan ko. 5am pa lang. Ang aga ko naman yatang magising. Teka?! Kagabi nagpapaulan pa ako. So dito ako natulog magdamag?!
So siya 'yong lalaki nasa harapan ko. Kahiya ang fail pa naman nung mukha ko noon kasi umiiyak ako.
"Why did you cry lastnight?" Tanong niya sa akin.
Hindi ako nakagalaw sa pagkakahiga ko.
"W-wala" sabi ko sa kanya.
"You're lying huh?" Sabi niya at tinaggal ang pagkakayakap sa akin.
Bigla siyang tumayo at iniwan ako doon. Para akong nalungkot sa pagiwan niya sa akin.
Natahimik nalang ako doon at hindi muna gumalaw at nagmuni muni.
Biglang pumasok sa isipan ko kung nasaan na ang bag ko at yung cellphone ko.
Iginala ko ang mata ko para hanapin 'yon pero wala akong nakita.
Biglang bumungad si Daryl at iniabot sa akin ang bag ko. Pagkaabot niya at binuksan ko agad 'yon dahil baka nasira na ang cellphone ko dahil nagpaulan ako kagabi.
Tumayo ako at okay na ako. Naglakad ako papalabas.
Nakita ko si Daryl na nakatingin sa akin. Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay na magsalita ako."Ha?" Sabi ko nalang.
"Tell me your problem, I'll listen "sabi niya at pinapaupo ako sa sofa.
Kinukwento ko sa kanya yung mga nangyare kagabi kung bakut ako umiiyak at nagpapaulan. Binanggit ko din na nagka anak ako.
"Ha?!ano?!" Gulat na gulat na sabi ni Daryl. Dahil sinabi ko na nagka-anak kami.
"Nasaan na siya? Yung batang kasama mo nung nakaraan siya na yon?" Tanong niya. Bumuntong hininga ako dahil mali ang nakita niya.
"Teka lang hindi pa ako tapos magsabi" sabi ko sa kanya. Agad na kumalma ang mukha niya pero kita ko pa rin ang galit sa mukha niya.
Sinabi ko na rin ang nangyare at dahilan kung bakit hindi ko sa kanya sinabi. Mabilis ko 'yon napaliwanag. Sinabi ko lang may tumulak sa akin at hindi ko sinabi na tinilak ako ni Nath dahil desperado siya kay Daryl.
"Bakit hindi mo sinabi?!" Galit na tanong niya sa akin.
"Natatakot ako, baka lalo ka ng di magparamdam at hindi mo ako panagutan kaya nanatili akong tahimik" nakayuko kong sabi.
BINABASA MO ANG
You're My Favorite Model
General FictionSatana Briella Torres ay isang simpleng babae lamang at hindi maarte, ngunit tahimik na tao siya. Pero may isang lalaki ang dumating sa buhay niya ng lumipat siya ng school. Ang lalaking yon ay crush na crush siya ang pangalan niya Daryl. Hanggang...