Nagulat ako dahil may tumulak sa akin sa balcony. Nanlaki ang mata ko nung naramdaman ko 'yon.
Nakita ko si Nathalie na ansama ng tingin sa akin.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pagkakagulat.Ayaw na rin magproseso ng utak ko dahil sa takot. Naging blanko ang isip ko at hindi alam ang gagawin at sasabihin.
Nakahawak ako sa bakal ng balcony namin, pero hindi ako tinutulungan ni Nath. Nakatingin lamang siya sa akin na para walang pake sa nangyayari sa paligid.
"N-n-nath tulong..." halos hindi na ako makapagsalita dahil sa sobrang sakit at panghihina. Napipiyok na rin akong magsalita dahil sa pagkahirap ng dinadanas ko.
Nakita ko ang bawat reaksyon niya. Para siyang sinapian dahil tumawa lamang siya habang ako ay nahihirapan. Hindi niya man lang siya gumawa ng aksyon at tumawag ng tulong para matulungan ako.
Alam niyang may anak ako pero bakit hindi niya ako tinutulungan?
Hanggang sa hindi ko na kinaya at napabitaw na ako at naramdaman ko na unti unti na akong nahuhulog. Unti unti akong napapikit nung nabitawan ko na ang bakal.
"Brie!" Rinig ko nung nahulog na ako, may narinig pa akong konting tili. Para akong nawala sa sarili at nabingi.
Hindi ko na naramdaman ang sakit dahil sa pagkamanhid at panghihina. Napatingin nalang ako sa sahig at nakikita ang dugo ko na madami. Ayaw mag proseso sa utak ko kung nasaktan ba ako o hindi.
"Sorry, baby naging pabaya a--..." bulong ko nang mahina at hindi ko na natuloy dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.
******
2 weeks later...Nagising ako sa napakaliwanag na puno ng puti. Nahihirapan akong dumilat dahil sa pagkasilaw.
Nagulat lamang ako nang may dumungaw sa harapan ko At natakpan niya ang liwanag na nakabalot sa akin. Asaan ako bakit ako andito sa maliwanag?
Anong nangyare? Dahan dahan kong binuksan ang mata ko kahit masakit."A-asan ako?" Tanong ko kay mama. Agad akong yinakap ni mama. Medyo nagulat pa ako doon at medyo nasaktan.
"Ouch" mahina kong sabi dahil naipit niya ang dextrose ko. Iniangat ko ang dextrose ko dahil nakita ko itong nagdudugo.
"Nurse!"sigaw ni mama. Nakita ko nagpapanic si mama. Wala ako nanging reaksyon dahil hindi ko alam ang nangyayare. Pumikit na lang muna ako dahil para pa akong inaantok.
"Brie" rinig kong sabi sa gilid ko. " bakit hindi mo sinabi"dagdag niya uli.
Dahan dahan ko uli itong idinilat at nakita ko na umiiyak si Mama sa harapan ko. Hindi ko namalayan na namamasa na pala ang mata ko at unti unti nang tumulo ang luha ko.
Naramdam ko nalang na naiiyak na rin ako ng sunod sunod nang lumuha ang tubig mula sa mata ko.
"Wala na siya" sabi ni mama habang humahagulgol. Biglang nabuhayan nang tinik ang katawan ko at bigla akong umupo para tignan ang tiyan ko. Pero hindi na ito malaki, bumalik ito sa normal.
Naiyak na ako ng malakas. Napabayaan ko na nga ang anak ko. Kasalanan ko ito!
Ina alala ko ang bawat nangyare pero wala akong ma- alala. Ang na alala ko lamang ay yung nahulog na ako at puro dugo.
Nanatili akong tahimik kahit tinatanong nila ako. Hindi ko alam pero hindi ako makakibo. Ayaw bumuka ng bibig ko.
Gabi na ngayon pero naiiyak ako. Kasi nalaglag
daw ang bata. Hindi daw nakakapit sa akin. Mahina daw ang bata. Humagulgol lang ako ng humagulgol at hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
You're My Favorite Model
General FictionSatana Briella Torres ay isang simpleng babae lamang at hindi maarte, ngunit tahimik na tao siya. Pero may isang lalaki ang dumating sa buhay niya ng lumipat siya ng school. Ang lalaking yon ay crush na crush siya ang pangalan niya Daryl. Hanggang...