Chapter 17

44 40 0
                                    

Habang naglalakad ako ay hindi magproseso sa utak ko na siya nga 'yon. Bakit kasi anlaki nang pinagbago niya.

Tas ako ngayon ganon pa rin. Nagkatigyawat nga lang ako nang marami dahil sa pagkastress at hindi pag-aayos sa sarili.Papasok na ako ngayon sa next class, kasama ko na si Trixy

"Hoy girl may nagsabi na kilala mo raw si Ryl, " sabi ni Trixy.

"H-ha?" Sabi ko nalang.

Parang gusto kong sabihin na siya si Daryl. Hindi rin kasi mapakali bibig ko, baka masabi ko 'to sa kanya. Baka rin kasi, pagsinabi ko dito ay ipagsabi niya sa iba hanggang sa kumalat na. Mamaya ko nalang sabihin pag-pauwi na kami. Pag wala nang nakakilala sa amin.

"Alam ko yang mukha mo girl, ano nga?" Tanong niya.
Habang pinagmamasdan ang mukha ko kung ano magiging reaksyon ko, bumuntong hininga na lamang ako.

"Mamaya sabihin ko pag wala na tayo sa school," sabi ko sa kanya.

"So magkakilala kayo?" She raised her brow.

"Ewan." yan nalang ang sinabi ko.

"Ano nga?"

"Mamaya nga diba," sabi ko sa kaniya, napapout nalang siya at parang anlalim na nang iniisip habang naglalakad.

"Hoy! wag ka naman mag-isip nang kung ano-ano diyan, sasabihin ko rin naman mamaya," sabi ko sa kaniya. Agaran na lumaki ang ngiti niya.

"Eh sasabihin mo ren naman sabihin mona ngayon." Sabi niya

"Nako" sabi ko nalang. Alam kong gets niya na agad pagnagsabi ako ng nako.

Pagpasok ko ng room ay nagkakaguluhan sila sa likod. Kung saan nakaupo si Daryl. Mabilis na naglakad si Trixy papunta malapit sa upuan ni Daryl.

"Oy bakit tayo diyan?" Tanong ko sa kanya.

"Tara dito upo ka na here dali" sabi niya sa akin habang nakalagay ang bag niya doon pasabi na naka reserve.

Umupo ako roon. Naiilang akong umupo kasi andaming masama ang tingin sa akin.

"Dito ka ayaw mo non malapit ka kay Ryl, tsaka kilala mo siya right?" Sabi niya habang kinikilig. Kumunot nalang ang noo ko sa kanya.

"Hindi ko alam pero ako yung kaibigan pero ako yung kinikilig sa inyo" sabi niya napatingin nalang ako sa mga kaklse ko ang sasama nang tingin.

"Oy ang sasama ng tingin nila sa akin" bulong ko kay Trixy.

"Hayaan mo sila, enjoy mo lang 'to. Inggit kasi sila sayo" sabi niya sa akin. Nanahimik nalang ako.

"Class!" Sigaw nang professor namin. Agad silang bumalik sa upuan nila at umayos nang upo.

Nagsimula nang magpakilala ang Professor namin pero wala pumapasok sa utak ko. Papasok at lalabas lang din sa kabilang tenga.

Naramdaman ko ang matulis na tingin ni Daryl. Ramdam na ramdam ko yun. Bakit naman antulis nang tingin nito?

Hindi ako makagalaw nang maayos dahil nga naiisip ko na nakatitig siya sa likod ko. Dahil bawat kilos ko ay pansin na agad.

"Oy pre kuhain mo nga sa baba yung ballpen ko" sabi ni Trixy. Napatingin lang ako sa kanya at hindi kumilos.

Bakit ako hindi nalang siya?

"Dali na mabait ka naman" sabi niya. Wala akong nagawa kundi gawin ang yun. Tumayo ako at kinuha sa ilalim ko ang ballpen.

At hudyat na mata 'to napatingin ako sa gawi ni Daryl at nakita ko nga na nakatitig siya sa akin. Medyo natatawa pa ang mukha niya.

Para akong tanga na napastop kasi nakatitig siya. Huminga ako nang malalim at tumayo.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nang professor namin. Bahagya akong nagulat nang tawagin ako.

"P-po?"

"Ano ginagawa mo bakit mo binobosohan ang kaklse mo?!" Sabi niya sa akin ng malakas dahil malayo kami sa isa't-isa. Nanlaki agad ang mata ko sa narinig ko 'yon, dahil hindi ko 'yon ginawa.

"Dahil may gusto ka lang kay Ryl kaya ginagawa mo yan ano?! Desperada!" Sabi ni Sir. Napayuko nalang ako habang sila ay nagtatawanan. Hindi ako kumibo dahil baka mapagalitan ako. Baka maipatawag pa sila mama, yare ako doon.

Si Trixy kasi pinakuha pa tong ballpen niya.

"Sorry lodipancakes" sabi niya sa akin at nagpeace sign at nagpacute. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Pag inulit mo pa yan ay yari kana,sa Guidance ang punta mo" sabi niya sa akin. Umupo nalang muna ako at nanahimik. Pero ramdam ko pa rin na nakatitig siya sa akin.

"Sorry na girl sa susunod ako na kukuha, sorry talaga" sabi ni Trixy sa akin.

"Wag na pre nangyare na eh" sabi ko sa kanya. Kita ko sa mukha niya ang pasisi dahil ako ang inutusan niya para kuhain ang ballpen niya.

Hindi ko nalang muna pinansin si Trixy, nanatili akong tahimik. Halos walang boses na lumalabas.

"Oy girl kanina ka pa tahimik ba ka mapanis laway mo niyan 'te" sabinniya sa akin at lumingon lang ako sa kanya

"Hindo kaya" sabi ko sa kanya.

"Yan good nagsasalita ka, kala ko napipe kana diyan, sorry talaga" sabi niya, nginitian ko siya nang pilit.

"Ano yan ngiting plastik?! Girl wake up bestfriend mo ko, diba sabi ko di kita iiwan kahit anong mangyare"sabi niya, marami pa siyang sinabi.

"Oo, I know" sabi ko sa kanya

"I know, I know ka diyan, hindi de joke lang 'to naman di mabiro"sabi niya sa akin habang natatawa. Natawa na rin ako dahil nahawa ako sa tawa niya. Ang cute talaga nito tumawa.

"Tara na sa next subject" iba ko sa usapan.

Buti nalang talaga kaklse ko tong babaneg to kundi baka nalutang na 'ko.

Pagkatayo ko ay napalingon ako kay Daryl, nahuli ko na naman siyang nakatingin sa akin. Yawa talaga tong lalaking 'to.

Nagvibrate ang cellphone ko, chineck ko agad 'to.

Unknown number:
Sorry talaga Brie, nadala lang ako nang inggit kaya ko 'yon nagawa

Nabasa ko ang text na 'yon. Sino yun? Sorry saan? Inggit saan naman? Sino ba 'to. Hindi ako pamilyar sa number.

Hinayaan ko nalang muna 'to. Linagay ko na sa bag ko ang cellphone ko.

"Tara na" sabi ko at lumabas na nang room. Naglakad lang kami nang mabagal para makapagkwentuhan kami. Talak ng talak itong si Trixy hindi naubusan ng kwento. May pagka chismosa rin kasi siya kaya madaldal siya.

Para lang din to si Susan at si Marites na puro chismis ang alam.

Habang naglalakad kami ay may bumanagabag sa isip ko kundi ang text. Bakit naman siya mag sosorry? Baka wrong send? Pero may pangalan ko. Ano yun?

"Hoy girl anong iniisip mo d'yan?" Tanong ni Trixy.

"W-wala"dipensa ko.

"Ano nga para kang problema na buhat yung mundo" sabi niya sa akin.

"Ano nga pwede mo naman sabihin, promise hindi ko pagsasabi, cross my heart mamatay man ako" sabi niya.

"Eh mamaya na sabay sabay ko nalang sabihin." Wala sa sarili kong sabi. Bakit ba kasi andaldal ko.

Bahala na si batman.




Note: maraming tawagawan ang magbestfriend na 'to HAHAHAHA

You're My Favorite ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon