Chapter 13

47 42 10
                                    

Graduation namin ngayon. Uuwi kami ni mama may dalang medalya at diploma. Dahil nag-aaral akong mabuti at hindi pinansin ang sabi-sabi ng iba.

Pagdating ko daw nang college ay lilipat na kami sa maynila. Dahil doon daw ako magsisimula ng bagong buhay.

Sila Seah ay ganoon pa rin ayaw pa rin akong pansinin. Si Trixy medyo pinapansin ako pero sa chat lang kami nag-uusap dahil pag nagusap kami sa personal at iiwan siya nila Seah. Ayaw ko naman masira ang pagiging magkaibigan nila nang dahil lang sa akin.

Malapit na ang pasukan. Papunta ako nang maynila. Baguhan ako roon pero pamilyar na ako roon dahil lagi kami pumupunta roon kapag mag eenroll ang nakakatanda kong kapatid.

Naglalakad ako papunta sa office para mag-pasa ng papel na kailangan. Chineck ko habang naglalakad ang papel ko baka kasi may maiwan.

Nagulat ako nang may makabunggo ako. Natapon lahat ng papel ko dahil hindi mahigpit ang pagkakahawak ko roon. Dinampot ko ang mga papel na hawak ko kanina. Mabuti na lamang ay tinulungan niya ako.

"Thank you po" sabi ko habang iniaabot niya sa akin ang papel na nakuha niya. Binasa niya 'yon.

"Satana Briella?" Tanong niya sa akin. Tumango ako. Pinagmasdan ko ang mukha niya at buong katawan niya. Dahil nagtataka ako kung bakit niya tinanong ang pangalan ko. Kilala niya ba 'ko?

"Bakit po?" Nahihiya kong tanong.

"Bagay na bagay ka maging model sa company ko. Pwede kaba maging model, perfumes lang naman yun, tsaka you'll get free perfumes din." Sabi niya sa 'kin. Nahiya akong tumingin dahil first time ko 'to

"Magkakasweldo ka rin. Bagay na bagay ka kasi pang model ang itsura mo" puri niya sa akin. Kaya mas lalo akong nahiya at namula ang mukha.

"Wag kana mahiya. Eto yung calling card ko. If wan"t mo maging model, just call this number" sabi niya at umalis. Pinanood ko nalang siyang lumayo sa akin.

Kukuhain talaga ako maging model? Maganda ba ako? Hindi naman diba. Pwede ko rin naman igrab na yun, kasi kailangan kong kumita para mabili ko ang gusto ko. Ayaw ko naman laging umasa kanila mama.

Pumasok agad ako sa office at binigay ang papel. Buti nalang ay maayos siya at hindi nalukot.

Lumabas ako at hindi na alam ang next na gagawin. Madami akong kasama na nag-eenroll. Halos lahat sila ay may kasamang kaibigan. Parang may grupo grupo sila, basta yan.

Umalis ako doon at sumakay sa jeep, dahil napagpasya ko na magstay doon sa condo ng ate ko, ngayong gabi lang. Doon muna ako matutulog nakakatamad umuwi.

Tsaka aayusin ko ang magiging condo ko. Malapit lang 'yon sa ate ko. Nasa 5ft floor siya habang ako ay sa 6th floor.

May gamit na doon sa Condo ko like may higaan, ref, oven at aircon na. Fully furnished na siya kaya gamit ko nalang ang kulang.

Dumaretso ako sa condo ng ate ko at kinuha ang susi na para sa akin. Ang ate ko ay may sarili nang pamilya kaya wala na siyang pake sa akin. Tsaka may anak na siyang pinag-aaral.

Agad akong dumaretso sa Condo ko. Masaya kong binuksan ang pinto.

Ang ganda ng loob pang yayamanin. Halatang babae ang nakatira, pero okay lamang 'yon.

Pumunta ako sa magiging kwarto ko. Ang ganda punda nalang ang kulang. Next week pa naman daw ako magdadala ng gamit. Mag vavan nalang daw ako dahil mga damit at kaonting gamit lang naman daw ang kakailangin ko.

Nakita ko na lahat ng gamet ko. Umalis na ako roon, at bumalik aa condo unit ng ate ko.

"Okay lang ba sayo yung unit mo?" Tanong niya. Tumango agad ako at ngumiti nang sobrang laki. Kasi naman ang ganda. Kita pa ang ganda ng view sa labas.

You're My Favorite ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon