Andito na ako sa condo ko at inaayos ang mga gamit ko. Sinabi ko na rin kay mama na dito na muna ako magbakasyon kasi wala naman akong gagawin sa bahay. At tska nag iisip ako kung sasali ako sa modeling ng pabango para kahit papano ay may kita ako at makapag ipon ako nang kakailanganin ko.
Iniayos ko ang refrigerator at bumili narin ako nang organizer, para naka-ayos ang mga gamit sa refrigerator ko.
*Ding Dong*
Rinig ko sa doorbell ko. Agad akong tumayo para buksan 'to pero bago ko ito buksan ay tinignan ko muna kung sino ang kumakatok. Dahil baka mapano ako kung bigla bigla ko nakang buksan ang pinto. Yan din ang bilin sa akin nang ate ko.
Nakita ko na pamangkin ko pala 'yong kumakatok, agaran ko siyang binuksan ng pinto. Kita ko sa mukha niya ang tuwa nang makita ako.
Kasi siya ang batang inalagaan ko noon nung panahon na nawalan ako. Siya ang nagbigay rin nang buhay sa akin, lagi ko siyang iniisip na siya ang anak ko. Pero naglilimit rin ako sa sarili ko.
"Hi Tita Satan!"masayang bati ni Kendra sa akin. May dala dala siyang pancakes. Kinuha ko agad yun dahil baka mahirapan siya sa pagbubuhat.
"Kamusta ka naman" sabi ko kay Kendra.
"Tita yung mga kaklase ko may baon sila corn...corn...corn" hind niya masabi ang gusto niyang sabihin, masyado pa siyang bata at hindi niya agad matandaan ang mga gusto niyang sabihin.
"Corn ang baon nila?" Tanong ko kay Kendra
"Hindi po, Ano po siya corn..." Sabi niya habang nagiisp.
"Ah ano yun bibigyan din kita non" sabi ko sa kanya.
"Ah na alala ko na po" masayang sabi niya.
"Ano yun?" Tanong ko habang nakangiti.
"Cornbeef po baon nila, ano po lasa non?" Sabi niya sa akin at tila curios na curios siya.
"Ah yun pala, sige paglulutuan kita non" sabi ko sa kanya agad siyang ngumiti nang malaki. Kitang kita mo talaga na sobrang saya niya. Napangiti ako para ko talaga siyang anak.
"Yehey!Thank you po tita!"masaya niya uli na sabi at yinakap ako, yinakap ko rin siya pabalik.
Masaya kaming naglaro kasi may mga baon siyang laruan. At pinaglutuan ko siya nang cornbeef. Tuwang tuwa siya nang makain niya yun. Hindi kasi siya pinagdedelata ng mommy niya dapat daw healthy foods ang kinakain.
Hinatid ko na pauwi si Kendra sa kanyang nanay dahil hinahanap na siya. Dahil andoon na rin ang tatay niya at hinahanap siya.
Sinabi ko na rin sa ate ko na hindi nalang muna ako sa kanila matutulog,dito nalang muna ako sa unit ko para masanay ako. And tsaka nakakahiya rin. Namili na rin naman ako at yun narin ang lulutuin ko.
Nagcellphone lang ako at nagchecheck ng social media kung ano nang nangyayare sa mga dati kong kaibigan. Namimis ko na kasi sila dahil hindi na kami nagkakausap.
Si Trixy pinapansin pa rin ako pero namimis ko rin siya kasi lagi lang kami sa chat nag uusap. Pero sabi niya mag mememeet daw kami. Hindi ko alam kung saan siya nag enroll pero sabi niya sa Manila daw siya mag-aaral.
Nakita ko na online si Trixy ay agad ko siyang chinat.
Chat ConversationTirador Nang Matangkad
'Hoy lodicakes' chat ko sa kanya
'Tang ina mo online ma pala' dagdag ko nagulat ako dahil sa sobrang bilis ko mag type ay na typo na ako. Sa sobrang tuwa ko rin kasi. Ka dapat 'yon.'Oo gagi HAHAHAHA' Reply niya sa akin.
'Takte ka Kamusta kana? Nag enroll kana ba?' Dagdag niyang chat.Nag reply ako ka agad sa reply niya.
'Oo naman gaga'
'Saan ka nag enroll??' Tanong niya sa chat.
'Sa puso mo HAHAHA CHAR' Reply ko agad habang natatawa sa chat ko. Sorry na ambaba nang kaligayahan ko, ako lang naman to.
'Gago corni mo HAHAHA YAWAA'
'Saan nga?' Dagdag niya sa chat.'Charm University' Reply ko sa kanya.
'Gago diyan nalang ako , hihingi nalang ako pera kay mama diyan ako mag eenroll mag hintay ka HAHAHAHAHA'
'Gago sana daming pogi diyan nag hahanap nang jowa here HAHAHAHA nanliligaw sana sila puta HAHAHAHA'
'Kung masasaktan din sa pogi nalang HAHAHAHA'
Sunod sunod niyang chat.'Gago ka HAHAHAHA'
'Miss tang ina mo lodi kulang ka lang sa tulog HAHAHAHA balik ka nalang sa ex mo HAHAHAHA' chat ko sa kanya habang natatawa. Hindi ko alam pero para ko siyang naririnig pag nagchachat kami pero hindi pa ako baliw, miss ko lang talaga siya.'Gagi pass nako don move on na ko don duh 🙄, tsaka hindi na ako marupok tulad ni Seah '
Hindi na ako naka reply kasi napatingin ako sa pinto dahil may tumunog. Parang may kumakatok. Sinilip ko 'yon at ate ko pala 'yon. Binuksan ko agad 'yon.
"Bakit ate?" Tanong ko sa kanya.
"May pagkain ka na ba d'yan?" Tanong niya sa akin "baka raw hindi ka pa kumakain sabi ni mama. Hindi ka raw kasi nag rereply sa chat niya" dagdag ni ate sa sinabi niya. Ngumiti ako nang wagas. Wala lang natuwa lang ako na may nag cacare sakin.
"Kumain na ako ate, tsaka namili naman ako konti. Ako pa papagutom"sabi habang natatawa.
"Baka food is life" natatawa kong sabi natawa na rin siya ate.
" ah sige sabi mo, aalis na ako ah, baka hinahanap na 'ko ni bebe" sabi niya sa akin at tuluyan nang umalis. Sumilip ako bago siya umalis ang tahimik sa floor namin pero okay lang yun atleast walang maingay.
Sinara ko na ang pinto at binilik sa chat namin ni Trixy pero offline na siya. Hindi ko nalang muna rineplyan. Iniayos ko ang higaan ko kasi doon ako matutulog. Bumili na rin ako nang punda ko at bedsheets. Linabhan ko rin yun, dahil may dryer naman ako.
Nagulat ako na biglang tumunog ang cellphone ko habang naglilinis ako. Tinignan ko 'yon unknown number siya. Kaya hindi ko na lamang 'to sinagot. Dahil hindi ko 'yon kilala.
Natapos akong mag ayos nang higaan tumatawag pa uli yong number na 'yon. Hinayaan ko 'to at pinower off ang cellphone para tumilig na 'yon. Baka masamang tao yung tumatawag sa akin. Tsaka sa mga friends ko lang binibigay ang number ko.
BINABASA MO ANG
You're My Favorite Model
General FictionSatana Briella Torres ay isang simpleng babae lamang at hindi maarte, ngunit tahimik na tao siya. Pero may isang lalaki ang dumating sa buhay niya ng lumipat siya ng school. Ang lalaking yon ay crush na crush siya ang pangalan niya Daryl. Hanggang...