Heartbreak

85 1 0
                                    

Tamang chill lang si Val habang nanunuod ng paboritong programa. Nang mag ingay ang cp nya sa mesa. Si Rick ang caller.

"Yow! Whats up! Kumusta ang Anniversary?" Masayang bati ko sa kaibigan.

"Girl. I need you." Basag ang boses ni Rick.

Napa tuwid tuloy sya nang upo.

"Okay ka lang?"

"No. I'm not. Hindi umuwi si Luigi. Nakipag hiwalay sya sa akin." At bigla na lang itong humagulgol.

"Hala! Seryoso!"

"Oo nga." Sa muling pag hagulgol nito ay napa mura ako. Iyak broken talaga ang bakla!

"Pahinging address mo. Pupuntahan kita." Pinatay ko agad ang t.v at tinungo ang silid para mag bihis.

Matapos isend ang address at nag habilin pa si Rick na mag dala daw sya ng foods.

"Mag-iinum tayo?"

"Syempre hindi! Gaga! Lunes bukas! Pumunta ka na dito. Bilisan mo." Demand pa ng bakla.

Napa bili tuloy sya ng isang gallong ice cream sa convinience store na nadaanan.

Ipinarada niya ang sasakyan sa tabi ng bahay ni Rick dahil pang isahang parking space lang ang lugar ng bakla.

"Rick? Tao po?" Tahol ng mga aso sa kapitbahay ang tumugon sa tawag ko.

Bumukas ang pinto ng bahay ni Rick.
"Bukas naman iyang gate. Pumasok ka na lang."

"May dala akong ice cream. Rocky road." Iniangat ko ang dalang supot. Sa kusina sila nag tuloy.

"Salamat ah?" Si Rick na binigyan sya ng kutsara. Umupo ito sa tabi nya.

"Ayos lang. Kumain ka na. Ano bang nangyari?" Inilapit ko rito ang gallon ng ice cream. Hindi ko alam kung maaawa ako kay Rick o ano. Yung broken ang itsura nito pero gwapo pa rin. Saan ang hustisya? Paga ang mga mata ni Rick sanhi ng pag-iyak. Halos pikit na. Mapula ang ilong.

"Ayun nga. Since last friday panay ang tanong ko sa kanya, excited nga kasi ako sa pag uwi nya. Panay ang message ko. Ang konti nang reply nya. Tapos tinatanong ko kung anong araw at oras ang flight nya. Para masundo ko." Naguunahang tumulo ang mga luha ni Rick.

"Nag skype kami nung Wednesday. Ayun. Sabi niya hindi sya makakauwi. Kaya pala! Tinanung  ko naman kung anong dahilan. Trabaho daw. Nauunawaan ko naman. Pero syempre, tampo pa rin ako. Ayun na nga. Bigla syang nakipag break. Itigil na raw namin." Biglang humagulgol ng wagas si Rick.

"Wednesday? Kung wednesday pa kayo nagkausap... eh ano iyung ipinasa mo sa aking candle light dinner nitong friday?" Hala! Tatlong gabi na palang ngumangalngal itong si Donrick tapos ngayong gabi lang siya tinawagan.

"Inihanda ko iyun! Umasa ako Val. Umasa ako na hindi totoo yung paghihiwalay namin. Tatlong taon, Val. Tatlong taon kaming LDR ni Luigi. Kinaya namin. Tapos biglang ganito?" Malutong itong napa mura pagka tapos. Panay ang mura nito habang panay rin ang kain ng ice cream. Stress eating pa yata si Bakla!!

"Bakit hindi mo agad ako tinawagan nang madamayan kita?" Hindi ko naman ito mapigilan kasi dama ko ang sakit na nararamdaman nito.

"Gusto ko kasi munang mag-isa. Kaso ang hirap. Hindi ko kinaya."

"Sige lang, Rick. Kain ka lang." Hinagod ko ang likod nito. Kaso mukha nang dugyot ang kaibigan kaya nag kusa na akong punasan ang mukha nito saka muling pinakain.

Pasado alas dose na nang hating gabi nang magpasya siya umuwi. Pinakinggan niya lahat ng hinanaing at pagbabalik tanaw ni Rick sa relasyon nila ni Luigi.

LingerWhere stories live. Discover now